Ending.

41 2 1
                                    

"Namimiss mo na ba siya be?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si Nhiz. Minsan na lang kami mag kita nito dala ng pagiging busy sa lahat ng bagay. Pero kahit ganoon, nakukwento ko padin sa kanya lahat.

"Sobra be, miss na miss ko na yung dati. Ang hirap ng ganito.. " Akma na naman akong iiyak pero pinigilan ko. Hindi ako iiyak. Kung si Marjo masaya ngayon, pwes ako dapat ako din.

Lagi nalang ba ako iiyak? Pero sa totoo lang ang daling mainlove ang hirap mag move on.

Huminga ako ng malalalim. Itigil ko na tong kadramahan ko. Lingid sa kaalaman ko ay nagpapalitan pala ng mensahe si Nhiz at Marjo.

Ilang linggo din ang lumipas bago ko napag pasyahang mag move on nalang at kalimutan yung mga nangyari.

Wala naman akong magagawa kundi tanggapin na wala na talaga. Ayoko namang habang buhay akong nagluluksa habang si Marjo masaya, nagpapakasaya.

Unti unti ko ng tinatanggap o tatanggapin na wala na talaga kami at wala ng babalik pa.

Nandito ako sa lugar kung saan kami unang nagkasama. Dito ko tutuldukan lahat. Pumikit muna ako bago dahan dahang inihakbang ang aking mga paa.

Hindi pa ako nangangalahati sa pag hakbang ay may tumawag sa aking pamilyar ng boses.

Marjo?

Lumingon ako.

Laking gulat ko nung niyakap niya ako. At sinabing pinipili niya ako.

"Mithz.. alam kong sobra kitang nasaktan sa ginawa ko. Sana mapatawad mo ako."

Kumalas siya sa pagkakayakap at tiningnan ako.

"I miss you so much Mithz. Kulang yung araw ko nang hindi ka nakakausap at nakikita. Mithz, kung dati walang ligawan ang nangyari pwes ngayon, paghihirapan ko ang 'oo' mo. Bigyan mo ako ng chance Mithz.. please.."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman.

Ano daw? Ligaw?

Siguro may mga nabigkas akong mga salita kanina pero hindi pa rin nag sisink in sa utak ko yung mga sinasabi ni Marjo.

Wala akong ginawa kundi ang yakapin siya at sinabing 'Patunayan mo.'

Binigyan ko siya ng chance hindi para ulitin yung sakit. Kundi chance sa amin. Lahat ng tao nagbibigay ng chance kasi mahal ko pa rin.

Kung kailan ako nasa move on stage saka naman sya bumalik. Siguro dahil nakalaan talaga kami sa isa't isa at kailangang bigyan namin ng pagkakataon ang sarili.

Naging kami pagkatapos ng mga nakaraaang araw.

Yung dating kilig na naramdaman ko mas bumongga yung kilig na pinaparamdam niya sakin ngayon.

Ang saya ko sobra. Araw araw akong naging masaya sa piling niya.

Sa bilis ng panahon hindi ko namalayang mag tatatlong buwan na kami. Ni minsan hindi kami nag away ni Marjo gaya ng dati. Gusto kong magtaka kung bakit, pero diba mas okey yung walang problema sa relasyon niyo?

Tatlong monthasary na nagdaan sa akin. Napaiyak nalang ako tuwing na darating ang araw na yan dahil parati siyang may surpresa sakin. Kahit hectic padin yung schedules eh nakakahanap pa rin kami ng paraan magkausap lang.

Forth monthsary na namin. Hindi ko alam kong ako lang ba ang nakakaramdam na may nag bago sa amin. Yung dating araw araw na ginagawa namin eh ngayon halos hindi na namin nagagawa. Nalalamigan na ako. Unti unting nawawala yung kilig ko sa kanya.

Pero hindi dapat ganito yung mararamdaman ko. Busy lang kami pareho kaya ganito. Ni hindi na rin kami nagkikita. Bakit kaya?

Hindi rin siya nag tetext na parati niyang ginagawa dati. Hindi na bumabati ng good morning. Kinakabahan ako, baka kung napano na siya.

Nag text ako sa kanya. Umaga hanggang gabing paghihintay ni hindi pa rin ako nakatanggap ng kahit ano sa kanya.

Naglalakad ako papasok sa part time job ko. Sasakay na dapat ako ng taxi.

"Uy mithz."

Lumingon ako. Si Gha pala.

"Bakit Gha?"

"Nakita ko si Marjo kanina sa school niyo."

Nagulat ako. Kung nasa school siya bakit hindi nya ako dinaanan sa bahay?

"Talaga?" Tanong ko.

"Oo, may mga kausap lang siya. Sge Mithz una na ako ha? Ingat ka."

Tulala akong sumakay sa taxi. Anong nangyayari sa amin..

2 weeks na.

*beep beep*

Binuksan ko agad ang pangalang nakarehistro sa phone ko.

"Mahal i miss you <3 kumusta?."

GANUN? Ganun nalang ang sasabihin niya matapos siyang hindi nag paramdam!

Matapos siyang nag pa miss ng sobra!

Hindi ako nag reply dahil sa sama ng loob. Bahala siya dyan. Dapat mag effort siya diyan.

Segundo.

Minuto.

Oras.

At umabot ng gabi.

Hindi na ulit siya nag paramdam. Hindi ko alam kong ano ang dapat isipin. Wala akong maisip na kahit ano. Maraming tanong na nag uunahan sa utak ko, waring naghahanap ng kasagutan..

Kami pa ba?

Kaya nag text nalang ako.

"Hindi ka talaga mag me message sa akin hanggat hindi ako nauna? Kailan mo lunukin yang pride mo?"

Nagreply agad siya.

"Akala ko kasi galit ka mahal eh. Bati na tayo."

"Natural galit ako kasi di kana nagpaparamdam!"

Yun lang ang huling sinabi niya. Hindi na ulit siya nagparamdam.

Buti pa yung mga kasama niya kinakausap niya. Ako hindi.

Ano pa ba ako sa kanya? Ang sakit na sa utak at puso yung parati akong nag iisip ng ganito.

Araw.

Linggo.

Buwan.

Kibuan-hindi ang parating nangyayari sa amin ni Marjo. Yung pagmamahal kong binabalewala, unti unting naglaho.

Hanggang isang araw nagising akong hindi ko na siya mahal.

Wakas.

Second chance is not really worth it. You have to think over and over. But sometimes our feelings might control us. You'll never know.

-Dyosa

Relationtrip: An AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon