Moving on...

39 2 0
                                    

Lumipas ang mga araw, gabi, tanghali, meryenda, midnight snack, breakfast, lunch, dinner. Wala pa ring pinagbago yung ginagawa ko.

Mag-aaral ako. Tapos iiyak...

Kakain. Tapos iiyak ulit....

Maliligo. Iiyak na naman.

Tatawa sa jokes. Iiyak pa rin...

Paulit ulit.

Nakakasawa.

Ang sakit sa dibdib. Sa puso. Sa bangs. Sa tiyan. Sa mata. Sa kamay. Lahat masakit para sa akin. Halos hindi ako makausap ng matino dahil dito. Hindi ko rin alam papano ko makakalimutan si Marjo.. He's eyes, those smiles, he's voice, our sweet chats and even our matured moments.

Nakakahiyang isipin na dahil sa lalaki nagkakaganito ako. What would you expect? I really loved him. I missed him.

Kasalanan mo kasi yan, di mo binigyan ng chance.

Napasinghap ako. Chance?

Oo nga. What if binigyan ko siya ng chance?

Chance na ulitin ulit yung ginawa niya sa akin?

Nabasa ko nga dati sa twitter:

'Kung babalikan mo yung ex mo, para mo na ring pinokpok ng martilyo ang ulo mo dahil sa katangahan mo.'

Hays. Tama naman ako diba? Tama ako na hindi na siya bigyan ng Chance.

"Tama lang na hindi mo binigyan ng chance ang baklang yun!" Sabat ni Gha Go. Nandito kami sa paborito naming tambayan sa GC Cafё.

Kapal din ng hayop na ito. Siya nga may dahilan bakit ako nasasaktan eh.

Sarap batukan nito at ilipat sa kanya yung sakit.

Pero naalala ko. Kakagaling lang pala nito sa breakup ng girlfriend niyang si Angelaine. Isa pa yung Ex niyang ewan. Sarap nilang pag uuntugin eh. Kahit mahal pa nila ang isa't isa eh ayaw pa rin mag balikan.

Napabuntong hininga nalang ako. Ayoko ng sagutin si Gha Gho.

"Alam mo Mithz, yung mga lalaking ganun hindi dapat iniiyakan. Lalaki lang yun eh. Madami pang mas seryoso at mamamahalin ka na ikaw lang." Saad ni Mooba It.

Pure Filipino si Mooba It, di ko alam kung bakit yan ang naisipang ipangalan sa kanya ng magulang niya. Eto ang pinakaseryoso at mabait sa amin. Pero asahan niyong pag nakipagsabayan 'to sa kalokohan wasak utak mo.

"Alam ko naman yun eh. Well, i hope na makakamove na talaga ako. Heler! Sariwa pa 'to no. Parang kelan lang.. " Nangilid na naman ang pisteng luha ko. Unli yata 'to eh, di nauubos!

"Kaya nga nandito lang kami para sa'yo eh. Lokohin lang nila lahat ng babae wag lang ikaw."

"Naaaaks! HAHAHAHA." Napangiti ako sa tinuran ni Mooba.

"Tama si Mooba! Lokohin man namin lahat ng babae, wag lang ikaw." Sabat ni Gha Go.

"Sira ulo ka Gha." Inirapan ko nalang siya.

"Kantutin man namin lahat ng babae, ikaw lang rerespetuhin namin." Sumabat ang pinakamalibog, malandi, at sobrang kulit na si Mally Vouge.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Sabay sabay kaming nagtawanan.

Kahit kailan talaga mapagbiro 'to.

Relationtrip: An AccidentWhere stories live. Discover now