Love is Unfair

73 2 2
                                    

Lumipas ang mga araw. Mas lalo lang nahuhulog ang loob ko kay Marjo. Mas lalo ko pang napapatunayan na iba siya sa. Sobrang sweet niya, hindi nakakasakal. Hindi ko lubos maisip kung bakit sa mga nag daang araw walang naging problema sa aming dalawa.

Lagi kong kausap yung bestfriend ko, si Mara. Sa kanya ko laging sinasabi ang sobra sobra kong kilig. Halos mag titili ako habang kinukwento bawat araw na lumilipas. Kahit alam kong broken hearted din 'to. But stiil, sumasabay rin siya sa kilig ko. Bugbug sarado tuloy siya sa akin. Hahahahaha

Ni minsan hindi namin nabanggit ang salitang 'forever' ni Marjo. Hindi na mahalaga yun. Ang importante masaya kami kung anong meron sa amin. Konti nalang Marjo. Mamahalin na kita..

"Oy Mithz!" Panira talaga ng moment 'tong mga katropa ko.

"Nabalitaan mo na ba?" Tanong ni kate isa sa malapit kong kaibigan.

"Nabalitaan? Ang alin?" Na curious tuloy ako. Ano kaya yun.

"Duh! Usap usapan na kaya sa boung Campus"

"Ano nga yun! Derestuhin mo nga ako kate!"

"Tungkol kay Marjo mo"

Awtomatiko akong lumapit kay kate.

"Anong tungkol sa kanya?" Naka kunot noong tanong ko kay kate.

Binulong niya lang sa akin. Namilog ang mata ko!

It can't be. Minsan nakita ko na rin siya nun sa Campus eh, noo'y papunta ako ng Cr. Pero hindi sapat yun para pag hinaalan ko siya. Di yun totoo.

Hindi naman nila nakakasama parati si Marjo, kaya hindi ako maniniwala sa kanila. Though matagal ko na silang kaibigan. May namumoung tiwala na rin ako kay Marjo kaya imposible yang mga sinasabi nila.

Ipinagsawalang bahala ko nalang yung mga sabi sabi. Inggit lang sila sa amin. haha.

***

Halos mag tatatlong linggo na kami ni Marjo. At mas napatunayan kong seryoso talaga siya sa akin. Kahit sobrang busy ko na, ay nakikipag puyatan parin ako sa kanya kahit kinabukasan may pasok pa ako. Ganyan naman yan eh, Love is Sacrifice diba? Minsan iniisip ko, ano kayang ginagawa niya pag wala ako? Nalulungkot din kaya siya? Namimiss din kaya niya ako?

*beep*

Nagtext si Marjo. He never fail me na pangitiin at pakiligin ako.

"Mahaaaaaaal <3 nakauwi kana ba? Kumain ka ha? Wag kang mag papalipas mahal. Miss na kita :( I LOVE YOU MAHAL <3"

Syeeeeeeeeeeeet! Namiss ko na din siya eeeeh. Kaya nagreply agad ako.

"Mahaaaaaaaaaaaaal <3 kumusta kana jan? Kumakain ka ba? Miss na miss na din kita. I LOVE YOU MAHAL <3"

Sent.

Ngiting ngiti parin ako. Napansin ko lang, nag 'I love you' lang ako sa kanya. Dati kasi, ang sinasagot ko "i love you rin" sa kanya.

Ngumiti ako. Kasi pag "i love you too" ang sinabi mo parang nag response ka lang sa karelasyon mo. Pero ang "i love you" kusa mo itong ibinibigay sa mahal mo.

Mahal ko na ba siya? Please heart tumibok ka na man oh! Haaaaays. Konti nalang talaga Marjo.

Nagpalitan na kami ng kung ano anong mensahe ni Marjo, kung ano ano at saan saan nalang napupunta ang pinag uusapan namin. Puro kulitan lang kami sa text. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako nang gabing yun.

Pag ka gising ko, nag tiningnan ko kaagad yung phone ko.

"Mahaaal <3 Sorry ah nakatulog ako kagabi :( Breakfast kana jan, ingat sa work ha? I LOVE YOU MAHAL <3"

Relationtrip: An AccidentWhere stories live. Discover now