Chapter 7 : Heart to Heart

45.2K 980 43
                                    

        Hindi ako halos makatulog. Noong araw na yun, hindi ko maalis sa isip ko yung sinabi ni Aki na tutulungan niya kong hanapin yung parents ko.Parang biglang naging possible ang lahat. Pati na rin ang katanungan ko kung pwede ko ba talaga mabago ang nakaraan ayaw maalis sa isipan ko. Paano pag nabago ko? May mababago rin kayang iba? Paano ang magiging set up sa present time kapag nailigtas ko ang mga magulang ko? Hindi ba magugulat at magtatanong ang mga kakilala namin? Pero paano kung maililigtas ko sila tapos hindi naman kami makabalik sa present time? Pero paano pala kung hindi pwede yun? Paano ba ako makakalik sa present?



        Kainis! Napakaraming kong tanong pero walang sagot dahil wala man lang pwedeng sumagot ng mga tanong ko!



        "Oh bakit hindi ka pa natutulog?" Nagulat ako bigla kay Aki.


         Nandito kasi ako sa kusina at nagkakape ng bigla siyang lumabas galing sa CR. Wala naman akong narinig na kaluskos kanina. Akala ko tulog na siya.



        "May iniisip lang. Ikaw?" Pinunasan niya ang buhok niya. Napansin kong parang mukha siya puyat at pagod.



        "Nag aantay kasi ako ng tawag ni Carmela" Umupo siya kasama ko at  nagtimpla ng kape. Napapansin ko na mukha na siyang matanda kumilos. Usually kasi di ganito magkikilos ang mga high school diba? Puro dota at kalokohan lang kasi sila.



        "Carmela? Sino yun? Girlfriend mo?" Nag usisa ako ng konti. Baka nga girlfriend niya yun. Teka baka nag away sila kasi nalaman na may inuwi siyang babae? Pero ang alam naman ng mga kapitbahay niya dito eh kinakapatid niya ko. Pwede ring baka selosa yung babae?



        "Baka, sana, dapat, ewan" Tahimik niyang hinalo ang kape niya.  Multiple choice ba ito? Pinapipili ba niya ko kung anong tamang sagot? Ang gulo nito eh.



        "Bakit ewan?" Hindi ko alam kung ano trend pag dating sa pakikipagdate sa panahon na ito. Pero kung nagliligawan pa lang sila, bakit malabo na agad?



        "Dahil sayo." Tumingin siya sa kin at biglang umirap.



        Ano daw? Dahil sa kin? Bakit ako? Eh kakarating ko lag nung isang araw ah. Hindi  ko pa nga nakikita yung babaeng yun. Nakatingin lang ako sa kanya habang umiinom siya ng kape at ewan ko kung saan nanggaling pero naging busy siya bigla sa papel at sa lapis na hawak niya.



        "Ano namang kinalaman ko dun?" Iritang tanong ko sa kanya.



        "Ikaw lang naman ang dakilang papansin na nalaglag sa harapan namin habang nagmomoment kami. First kiss sana namin yun. Pero ngayon, mukhang wala ng kasunod yun." Litanya niya habang nagdradrawing/ nagsusulat/whatever siya sa papel.




        So, special pala sa kanya yung babaeng yun. At tama nga lahat ng iniisip ko, maghahalikan nga sila ng time na yun. Eh! Pero hindi ko naman kasalanan yun no. Malay ko bang effective yung invention ni Gino at makakapagtime travel ako ng wala sa oras. Tsaka ang bata bata pa nila, magkikiss na kaagad sila eh hindi pa naman sila.



        Pero deep inside, naguiguilty ako. Kasi nga naman kung hindi rin dahil sa akin baka sila na. Tapos ang lakas pa ng loob ko magpatulong sa kanya noong gabi yun. Malamang di pa sila nagkakausap ulit nung Carmela.



        "Talaga? Huwag ka mag alala, dahil tutulungan mo kong mahanap yung parents ko, tutulungan kitang magexplain kay Carmela." Hindi ko lang alam kung paano ko gagawin yun ng hindi nirereveal na galing ako sa panahon na malayo sa panhon nila.



        "Tssss" Ang haba ng sinabi ko pero sinungitan lang niya ko. Mukha nga kasing busy siya at ayaw niya kong kausap. Sinisilip ko naman yug ginagawa niya. Hindi ko talaga alam kung nagdradrawing siya or nagsusulat eh.



        "Suplaso naman. Teka ano ba yang ginagawa mo?" Huminto siya at iniharap sa kin yung ginagawa niya. Nagdradrawing pala siya. Magaling pala siya magdrawing. Kaya pala ang lakas ng loob niyang tanungin ako kung magiging magaling siyang illustrator sa future.



         Ni hindi nga siya tumitingin sa kin habang nag uusap kami eh. Iniisip ko tuloy kung magiging sikat nga siya in the future. Pero malay ko ba kung sa later years pa siya maging sikat na illustrator.  Hindi ko pa talaga kasi naririnig yung pangalan niya. Tsaka sabi ko nga sa dyaryo lang ako nakakakita ng mga illustrations eh di ko naman nakikita yung name niya. Or baka di ko lang napapansin.



        "Isasali ko ito sa isang contest sa school eh"



        "Talaga? Patingin nga!"



        Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.Seriously, isasali niya to sa school? Pero ang weird ng drawing niya! Not necessarily yung drawing, actually magaling nga siya magdrawing eh. Ang weird talaga yung mga drinawing niya. May mga monsters. Flying something. Err baka ito ung mga first generation ng pokemon. Tapos may mga flying cars, andoon din yung camera na sinasabi niya tapos may dalawang tao.



        "Tungkol yan sa dalawang taong in the year 2020 na magmemeet in times of chaos. Matratrap sila sa war ng mga humans and monsters. Pero magkikita ulit sila. Love story with action with fantasy! Lupit no?" Umaaksyon aksyon pa si Aki na parang si Bruce Lee habang tumatawa ng malakas.



        Nakatingin lang ako sa kanya at sobra ata akong nastress sa pinaggagawa niya. Nakakatakot isipin na 13 years from year 2007 biglang magkakamonsters na tapos may war pa. Kung titingnan mo lang yung drawing, medyo di mo pa magegets kasi nga wala pang dialogue yung mga speech balloons. Pero kung makikita mo namang pakalat kalat medyo manghihinayang kang itapon. Maganda kasi talaga eh. Mukhang gawa ng professional.


        Sana hindi magkatotoo tong mga pinagdradrawing ni Aki. Alam ko sobrang impossible pero madalas maraming bagay na impossible na bigla na lang nangyari.



        “Iniisip ko sanang gawin robot yung mga tao para mas realistic. Pero sa nakikita ko ngayon sayo, hanggang year 2007 pala, tao pa rin ang nasa mundong to. Teka nga,  eh yung mga pang communication? Ngayon kasi love letters, harana, beeper at telepono lang ang uso eh. Malas mo pa kung wala kang telepono or yung kakausapin mo ang walang telepono.” Binalikan niya yung drawing niya at tiningnan ng malayuan. May robots sa present time pero di naman nila naooverpower ang mga tao.



        "Meron ng cellphone sa future, yung katulad sa akin, so anytime, anywhere pwede mong makausap kahit sino. Pero mas sikat ngayon yung internet tsaka mga social networking sites tulad ng friendster, multiply, myspace, pati ym kung saan pwede mong makita yung kausap mo while nagchachat kayo.”  Based sa expression niya, parang namamangha si Aki sa mga kayang gawin sa future. Compared sa panahon nila, mukhang masyado ng madali ang buhay naming.



        "Makipagchat? Pwedeng makita yung kausap? Paano yun?" Takang takang tanong niya.



        "Sa computer kasi yun. Gagamit kayong dalawa ng computer na may webcam, parang camera. Tapos magreregister ka lang sa YM para makausap kung sino man ang gusto mo." Hindi ko alam kung gets niya yung paliwanag ko pero malamang napipicture niya naman kahit di niya alam ang YM.




        “16 years from now pwede na tayong mag usap sa YM, lalo na pag malungkot ka. Ano? Ayos ba?"



        "Baka naman snob ka na sa time na yun? Kasi diba baka sikat na illustrator ka na kaya hindi mo na ko papansinin."



        "Oo nga pala. Huwag ka mag alala hindi ako madaling makalimot ng tao lalo na yung mga taong nagpahirap sa kin tulad mo.Pero bibigyan kitang autograph pag nagkita tayo.”


        “Grabe ang kapal!”



        Puro asaran at mga pangyayari na pwedeng mangyari lang sa future ang pinag usapan namin ni Aki buong gabi. Oo nga, naisip ko din na hindi ako pwedeng mag stay dito. At darating ang oras na kailangan kong umalis.  After kong makita ang mga parents ko, kailangan makabalik na ko sa present time. Kung magkikita man kami ulit,  malamang ibang Aki na ang makikilala ko. Hindi ako sure kong makikilala ko siya pag nakita ko siya or kung makikilala ba niya ko pag nakita niya rin ako. Pero tatandaan ko na lang ang mga ngiti niya para sa susunod na pagkikita namin, hinding hindi ako magkakamali na tawagin ang pangalan niya.

The Time Traveler's Love StoryWhere stories live. Discover now