Chapter 11 : Unusual Feeling

38K 925 30
                                    

        Kinabukasan, lumakad akong mag isa para pumunta kay Sister Risa. Dapat noong kinagabihan ko pa siya tinawagan pero nagkaproblema ata ang linya dahil walang dial tone kaya naisip kong puntahan na lang ulit si Sister sa kumbento.



        Si Aki naman ay may pasok ngayon kaya kailangan naming maghiwalay sa sasadyain. Hindi naman pwedeng isama ko siya na isama sa mga pupuntahan ko.


        "Mika, sure ka bang kaya mo ng mag isa?" Tanong ni Aki bago siya umalis at pumasok ng school. Ngumiti naman ako at tinanguan lang siya. "Sige. Kita na lang tayo mamaya."



        Naghiwalay na kami ng dadaanan ni Aki. Nauna na siyang umalis at ako rin ay lumakad na papuntang kumbento. Kapag nakuha ko yung address ngayon, siguro bukas pwede ko na silang puntahan. Hindi rin mauuwi sa wala ang pagpunta ko dito. Ngayon palang iniisip ko na kung anong mangyayari sa pagkikita namin. Maiisip kaya nila na kahawig ko sila? Totoo kaya ang lukso ng dugo? Mararamdaman kaya nila yun?



        Matagal ko ding inantay si Sister Risa sa paglabas ng kumbento. Siguro nagdadasal sila ngayon  or kaya nakain ng agahan. Masyado pa kasing maaga ang pagpunta ko eh.


        Maya maya ay nakita ko nang naglalakad si Sister papunta sa akin. "Mikaella, pasensya ka na at natagalan ako ha. Heto na nga pala ang address ni Gabriella at Michael. May telephone number din na nakalagay diyan." Inaabot sa akin ni Sister ang isang kapirasong papel.



        "Opo, sister. Salamat po talaga"Sagot ko.



        Tiningnan ko yung address at nakita kong nasa Bulacan sila nakatira ngayon. Sabi ni Sister Risa delikado daw kasi ang pagbubuntis ni Mommy kaya kailangan nilang magstay dun. Pero hindi kasi Bulacan ang nakalagay sa birthplace ko kaya hindi ko alam na naglagi pala sila doon.



        Palabas na sana ako ng kumbento ng biglang umulan ng malakas. At kamalas malasan naman ay wala akong dalang paying. Pero kailangan ko ng lumabas dahil hindi pwedeng magtagal dito sa loob. Nagulat ako ng makita ko isang babaeng may mahabang buhok at nakaschool uniform. Si Carmela.



        "Hello!"Bati niya sa akin.



        Lumapit siya sa akin at nginitian ako. Ako naman hindi alam kung ngingiti or what. Sabi ni Aki wala na silang dapat pag usapan ni Carmela, so ibig ba sabihin ba  nun kaming dalawa ang dapat may pag usapan?



        "Ako nga pala si Carmela. Ikaw si Mika diba?"Lumapit pa siya lalo sa akin at pinayungan ako.



        Napatingala ako sa payong niya. "Ah oo. Ako nga” Sinubukan kong ngumiti sa kanya kahit naiilang ako.



        "I heard lots of interesting things about you. Can we talk?" Dirediretso niyang sabi.



        Pumunta kami sa isang fast food chain para mag usap. Hindi ko nga alam kung pag uusap bang matatawag ito dahil siya lang naman ang nagsasalita. Medyo ang awkward ng surroundings pero nagawa pa rin niyang ngumiti at sabihin na marami siyang narinig na interesting things about me. Ano naman kaya yung mga interesting things na yun? Interesting ba talaga?


        Nilapag ko sa lamesa ang ice cream ko tsaka tumingin sa kanya."Ahmmm Carmela, pwede ka bang matanong? Bakit ba tayo nandito? May gusto ka bang sabihin sa kin?"



        "Actually oo. You already knew that there's something going on between me and Aki right?"Ngumiti lang siya.



        "Oo...pero.." Inisip ko kung ano ba ang dapat kong idugtong sa idadahilan ko.


        Hindi niya ko pinatapos at nagsalita na lang siya agad. "Alam mo rin siguro na hindi na pwedeng maging kami"




        Hindi ko alam kung nagcoconfirm ba siya na alam ko or may gusto lang siyang ibang iparating like sumbatan ako? Tintingnan ko si Carmela at sa totoo lang napakabait niyang tingnan. Para siyang anghel. Halatang mahinhin at may kaya. Nag ooverthink lang ata ako dahil hindi ko talaga maintindihan kung bakit ba nasa ganitong sitwasyon ako.


        "I dont mean any harm, Mika. Gusto ko lang makilala ang taong madalas na kasama ni Aki." Hinawakan niya yung kamay ko sabay tawa ng mahina.



        Napatingin naman ako sa kamay niya. "Huh?"



        "Look. Maybe you know na I will be migrating soon. Its just so sad na sa tagal ng pinagsamahan namin ni Aki, hindi pala kami magiging happy ending. Siguro ikaw, ikaw ang pwedeng magbigay ng happy ending sa kanya." Binawi niya din ang kamay niya at kumain ng ice cream. Pero nakatingin siya sa akin.



        "Friends lang kami ni Aki" Kung friends na nga ba ang tawag sa kakakilalang tao na pinilit kong tulungan ako.



        "Hindi naman malayong mangyari yun.” She smiled at me. Halatang wala siyang idea sa mga sinasabi niya. Kahit gusto kong magstay, hindi pwede. Alam naming dalawa yun ni Aki."Well then, mauuna na ko. Maybe someday we will see each other. "



        Nauna nang umalis si  Carmela. Ako naman naiwan pa ring nakatulala dito. Hindi talaga magawang mag sink in sa kin lahat ng pinagsasabi niya. Sa tingin ko masyado na kong nakakagulo dito. Anytime this week, magkikita na kami ng parents ko at iiwanan ko na lahat sa past.



        Lumabas na rin ako ng fast food chain total naman wala na kong gagawin dito. Paglabas ko, malakas pa rin ang ulan pero hindi yun ang kinagulat ko.



        "Anong ginagawa mo dito?"



        "Sinusundo ka. Wala kang payong diba?"



        Nginitian ko si Aki at naglakad na kami pauwi. Di ko na tinanong kung nagcutting ba siya para sunduin ako or talagang hindi siya pumasok. Habang naglalakad kami sa ilalim ng ulan nakaramdam ako ng parang may kumukuryente sa kin. Hindi ko alam kung bakit o kung saan nanggagaling o kung nilalamig lng ba ako dahil sa ulan. Hindi ko alam.

The Time Traveler's Love StoryWhere stories live. Discover now