Chapter2: Incident.

4.2K 158 74
                                    

Chapter2: Incident.

Psychee Miracle Di-maapi:

Unti-unti akong nagising at iminulat ang aking mga mata, 'tila puro puti ang nakikita ko. OMG! Nasa heaven na ba ako? deads na ba ako? Hindi maari ito. Lumingon ako ng dahan-dahan sa aking gilid.

"WAH?!" nagulat ako sa nakita ko, si... bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko, na 'tila ba may mga kabayong nagtatakbuhan sa lakas.

"Hi?" Sarkastikong pagkakangiti niya na parang demonyo. Nang uuyam pa 'yata ang loko.

"Bhessy gising kana pala?! Sobra kong nag alala sayo." Sabay lapit ni Asha sakin at hinawak-hawakan ang aking noo. So ano Bhessy? May lagnat lang?

Teka? Di pa pala ko patay. Thankyou Lord. Sabay tapik sa mukha ko.

"Bhessy anong nangyari? Bakit nasa ospital 'yata ako?"

Tapos binatukan niya ko 'Yong totoo Bhesy? Masakit pa sugat ko.

"Aray! Bhessy naman eh. Ang sakit kaya 'non!" sabay hawak ko sa parte ng ulo ko na binatukan niya.

"Tanga-tangahan Bhessy? Hindi mo ba naalala 'yong nangyari kanina? Ano may amnesia ka? Buti nakikila mo pa ako?" Singhal niya, sungit talaga!

"Excuse me! ehem?!" Epal naman ng isang tao sa kwarto na ito. Sabay naman namin siyang tinignan.

Teka! Nandito pa pala 'tong napaka-samang lalaki na ito?!

"Bakit ka nandito?!" Singhal ko sa kanya. Nang tumingin ako sa labas ng kwartong inuukopa ko, nandoon yung mga nurse, tipong kinikilig pa, bakit kaya?! Ay! Gets ko na nandito nga pala si EJ Styles. Ang hearthrob kuno ng Pilipinas at sa international din pala. Hays paano makakapag pahinga ng maayos?

"I'm the who carried you in here! You should thank me instead, ugly creature! Ang dami mong utang sakin!" Pagmamalaki pa ng hambog na ito.

Aba't ang kapal lang ng face, kung hindi niya ko tinulak ng malakas, malamang hindi bumuka ang sugat ko, at wala ako dito. Kapal talaga!

Ke lalandi naman ng mga nurse dito?! Nakakairita!

"Kapal mo rin noh?!" akmang susuntukin ko siya! Kaya medyo umatras siya. "Wha-what?! Did you say to me?!" Kasabay ng pagturo niya sa sarili niya at nanlalaki ang kanyang mga mata.

What-whatin ko mukha niya e, bahala siya! Sige ipatanggal niya na ako doon sa University niya, isaksak niya sa buto niya! Madami namang ibang University dyan, mamaya magulo pa buhay ko. Nako! No way!

"Sabi ko... Ang kapal ng mukha mo! Ikaw ang dahilan kong bakit ako nandito, bumuka tuloy ung sugat ko. Tsk! Wala akong pambayad dito alam mo ba 'yon? Kasi mahirap lang ako, tapos ngayon?! Panibagong gastos na naman to?!" Napasapo na lamang ako ng ulo.

"Grabe naman siya maka sigaw kay EJ!"

"Oo nga! Hindi naman kagandahan!"

"Tama!"

"Pam pam"

"Sino ba siya?! Bakit si Eross angdala sa kanya dito?"

Napatingin ako ng masama doon sa mga Nurse, tapos tumingin sa kanila si Eross. "What the Fuck! ganito ba mga tao nurses dito? I should've take you to our Hospital instead, baka pwedeng bigyan nio kami ng privacy?" Parinig niya sa mga nurses, na akala mo nanonood ng pelikula eh.

Superstar's Unwanted Wife. [FiN~] Under Revision!Where stories live. Discover now