Chapter3: It's a Deal!

3.4K 149 70
                                    

Chapter3: It's a Deal!

Psychee Miracle Di-maapi:

Ang sarap talaga magluto ni Mama, busog na busog ako. Makapag linis na nga ng katawan para makatulog at makapg pahinga. Nakakapagod ang nangyari sakin ngayong araw, buti nalang na discharge ako agad.

Habang itinatabi ko na ang uniporme ko sa SIU at naghahanda ng sabihin kila Mama at Papa ang masamang balita, nakaka-dismaya man, pero wala na akong magagawa. Lumabas na ako ng kwarto upang sabihin sa mga magulang ko. Kumatok ako sa kwarto nila, ngunit bago pa man ako pag buksan maya narinig akong tawag sa labas.

"Tao po?! Hello? Is any body there!" Parang may tao sa labas ah.

"Psychee? Ano 'yon?" Bungad ni Mama. "Sandali lang Ma, may tao 'yata sa labas titignan ko lang." Sabay diretso ko aming munting gate.

Dahan-dahan ko itong binuksan, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Well, hindi naman ito multo, bagkus isang dyosa. Napakaputi at kinis ng kanyang balat na 'tila hindi manlamang nadadapuan ng langaw o ano mang uri ng insekto.

"Mi...miss Aphrodite?" Napahawak pa ako sa aking bandang labi sa hindi inaasahang bisita.

"Hi dear! You are Psychee Miracle right? Nice to meet you..." Sabay lahad ng kanyang makinis na kamay. Agad ko itong dinaluhan at nakipag kamay. "Mama! Papa! May espesyal tayong bisita!" Sigaw ko pa nga.

Lumabas ang mga magulang ko sa pagtataka. At halos pareparehas lamang ang aming mga reaksyon. Kilig na kilig si Mama, idolo niya kasi si Miss Aphrodite pagdating sa fashion, madalas siyang bumili ng magazines nito kapag may sobra siyang pera, at ngayon nasa harapan na niya.

Pinatuloy namin siya sa aming munting tahanan.

Naupo siya sa aming lumang sofa, at uminom ng bahagya sa tinimplang juice ni Mama ng walang halong kaartehan. Binasag niya ang katahimikang namumutawa sa paligid.

"I just wan't to say something about Psychee, that's why I am here..." Nagulat naman ako, dahil sakin? At naalala ko ang mga kaganapan kanina. Oh no... Sabay lingon ng parents ko sakin.

"An...ano pong tungkol kay Psychee?" Nagaalalang tanong ni Mama.

"Anong ginawa mo anak ko? Unang araw mo pa lamang sa eskwela eh." Malungkot ang mukha ni Papa and it pains me to see them like that.

"Mam! Sorry po sa inasal ko k---" She cut me off.

"No, ako nga ang dapat mag sorry sa inasal sayo ni EJ kanina. As a man his not very gentleman. So I am sorry in behlaf of him." Nagtataka naman ako sa inasal at tinuran niya.

"Wala po iyon. Nakakahiya po ang ginawa ko sa kaya karapat-" She cut me off again.

"Shh... I am really here to propose a deal... Psychee Miracle Di-Maapi, are you willing to marry my little brother... Eross John Styles?" Ano daw? 

Ang Mama, Papa at Kuya ko na hindi namalayan na nandito na pala ay nagulat. Eh, sino bang hindi magugulat, pupunta sa bahay namin  ang isang napaka-ganda, model, mayaman na si Miss Aphrodite Styles at sasabihing gusto niya kong maging sister-in-law? 

"Sorry for being so straight forward, if you think I'm joking? No I am so dead serious."

"Te...teka lang po, Ba...bakit ako? Bakit isang tulad ko? Unang-una hindi po ako kagandahan, pangalawa hindi po personal na magkakilala ang pamilya natin, pangatlo mahirap lamang po kami at panghuli, hindi ko po mahal ang kapatid niyong mayabang at hambog!" Lahat sila ay nagulat sa mahabang litanya ko.

Superstar's Unwanted Wife. [FiN~] Under Revision!Where stories live. Discover now