Chapter 49: Round 1

94.9K 960 177
                                    

The Battle begins..

Enjoy!!! :-*

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

“Dj...” mahina kong sambit

Hindi ko alam kung narinig pa ba ni DJ ang pagtawag ko sa pangalan nya dahil halos pabulong ko na lang iyong nasabi. Kinakabahan kasi ako sa paraan ng pagkakatitig nya sa mga kamay ni Enrique na nakahawak pa rin sa magkabilang balikat ko. Nakatingin lang ako kay Dj.. pati nga si Enrique ay nakatigin na rin sa kanya. Mas lalo akong kinabahan ng makita ko ang unti-unting pag-angat ng tingin ni DJ mula sa mga kamay ni Quen paakyat sa mukha nito. Nakita kong mas kumunot  pa ang noo ni Daniel ng makita nya na ang mukha ni Quen.

Ni isa sa amin ay walang nagsalita. Matalim ang tinging pinupukol ni Daniel kay Enrique. Pagtingin ko naman kay Quen ay nakita ko ang nakarehistrong pagtataka sa kanyang mukha habang nakatingin din kay Daniel.

OMG! What will I do? Magsasalita ba ako o hahayaan ko lang silang magtitigan? Teka.. dapat na kong magsalita! Ang kaso nga lang hindi  ko alam kung anong sasabihin ko. Tuloooooooong!

 

 

“Enrique?! Waaaaah!!!” patiling sabi ni Julia habang patakbo na sa pwesto ni Quen. Galing sya sa labas at siguro nabigla sya ng nakita nya si Quen. Close din kasi sila nito, kaya heto nga at nakayakap na sya kay dito.

 

“OMG! Bumalik kana! Bat di ka man lang nagpapasabi na uuwi kana pala?” –Julia

 

 

“Gumaling na si Dad kaya dito na ulit kami magsstay. Kahapon nga lang ako dumating.” –Quen

 

“Naku buti naman kung ganun! Teka nga, bakit nga kasi hindi ka man lang nagpasabi na uuwi kana?” –Julia

 

 

“Anong hindi? Eh nung isang araw ko pa nga tinetext tong mallows ko eh!” nakangiting sabi ni Enrique at inakbayan pa ako

Kinakabahang napatingin naman ako kay DJ na hindi pa rin umaalis sa pwesto nito. Kung kanina kay Quen nya pinupukol ang matatalim na pagtitig nya, ngayon naman ay sa akin na.

KathNiel: Young Parents (Completed)Where stories live. Discover now