Chapter 67: Advices

56.9K 822 174
                                    

DJ’s POV:

 

“Yun oh! Galing mo talaga tol!” –Sed

 

“Syempre naman pare! Walang makakatalo sakin pagdating sa basketball. Oh mga talunan san nyo kami ililibre?” nakangisi kong sabi kina Lester, JC at Quen.

 

“Pwede bang sa turo-turo na lang? Nag-iipon pa kasi ako para sa monthsary namin ni Yana eh.” –Lester

 

“HAHAHA! Kawawa ka naman tol!” –Kats

 

“Ang CHEESY mo talaga! Syet! Hahaha” –Sed

 

“Hahaha. Wag ka nang mag-alala Lester ako nang bahala sa panlilibre sa mga madayang to.” Nakangisi ding sabi ni Quen

 

“Hoy sinong madaya! Hindi mo lang ata tanggap na talo kayo eh! Haha kawawa!” sabay belat ko pangsagot kay Enrique. Nagtataka siguro kayo kung bakit namin sya kasama ng mga kabarkada ko ngayon dito sa bahay sa paglalaro ng basketball. Well, maniwala man kayo o hindi magkaibigan na kami. Nangyari yun mga 2 weeks ago na nung kababalik lang namin galing sa Batanggas.

Nagkaron ng group project sina Kath na kasama sina Bird, Shai at Enrique. Dun nila ginawa yun sa bahay nina Kath. Syempre habang ginagawa nila yun ako naman nakaupo lang sa tabi at mala-agilang binantayan si Kath. Mahirap na kasi baka sulutin pa ng Enrique na yun. Pero akalain mo ba namang nagfeelingclose sakin yung mokong? Nakipagkwentohan sakin.. ang daldal nga nya parang bakla! Joke (^_^)v  Hindi ko din akalain na naging interesado ako sa mga pinagsasabi nya hanggang sa di ko namalayang napasarap na ang kwentuhan namin at nakikitawa na rin ako sa kanya. Dun nagsimula ang mala-telenobelang pagkakaibigan namin. Haha.. kaya heto nga ngayon at kaibigan na rin sya ng buong barkada.

Sabado ngayon, dapat nga eh family day namin ngayon ng mag-ina ko pero inagawan ako ni Tita Min. Gustong magshopping kasama si Kyle at Kath at talagang binawalan nya akong sumama. Halos araw-araw naman daw kasi ay nagkikita na kami nina Kath. Kaya ayun at pinagbigyan ko na lang si future Mother in law.

 

“So ano na, saan mo na kami ililibre ngayon Quen?” –Sed

 

“Hindi ba pwedeng magpadeliver na lang tayo?” –Quen

“Pwede rin naman ang problema ayoko dito sa bahay!” –DJ

 

“Oo tama si Kuya. Ayoko rin dito.. nandito kasi sina Magui at Lelay ang kukulit!” nakakamot sa ulong sang-ayon ni JC.

“Eh di dun na lang tayo sa condo mo jay!” –Les

 

“Pwede rin..” -DJ

 

*Clap *Clap

KathNiel: Young Parents (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora