chapter 8

52.7K 631 33
                                    

ALY P.O.V

Nagising ako ng may tumatapik sa balikat ko. Si Ate Dzi, “andito na tayo Ly” tumingin ako sa may bintana, tumambad sakin ang beach. Tumingin ako kay Ate Dzi at nagpasalamat. Ngumiti siya tapos bumaba na ng bus. Kinuha ko naman ang mga gamit ko at bumaba na din. Hinanap ng mata ko si Denden kasi alam ko galit pa din to sakin. Umalis daw ako ng walang paalam at kasama si Marge, nakainom pa daw akong umuwi. Di ko daw sinasagot mga tawag niya. Nagsosorry lang ako pero galit pa din siya, hindi ko naman masabi kung bakit ako umalis. Diba nga siya ang dahilan. Haist.

Nakita ko ang teammates ko nasa lobby ng hotel. Si Amy at Ella nagkukulitan. Ang fab 5 nasa may front desk. Kausap ang hotel staff. si Marge at Jirah, nakaupo sa sofa. Si Mae at Den magkatabi din, parehas na busy sa pagtetext. Oo na, kilala niyo naman na yung katext ni Den. tssssss. Badtrip. Umupo ako sa bakanteng sofa, Katabi nila Marge, kaharap ko naman sila Den. nakatingin lang ako sa kanya. Hindi pa rin niya ako pinapansin. Ayoko ng ganito. Hindi ko naman inakala na magagalit ng ganito si Den sakin. Hindi ko kaya.

Tara na Girls. Nasakin na ang mga room keys niyo. Kung sino ang magkaroom sa Dorm, sila din magkaroom dito – si Ate Dzi. Nakakaloko ang ngiti nito na nakatingin sakin. Inabot niya na samin ang mga room keys namin. Nasa iisang floor naman kami eh. pagpasok sa elevator, tinapik ako sa balikat ng mga ALE pwera kay Den. Alam nila kung bakit ako nawala kahapon. Si Den lang hindi. Alam din nila na di niya ako pinapansin. Nasa elevator na kaming lahat, magkatabi kami ni Den, kinakalabit ko siya pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Tinataponan lang niya ako ng “killer stare” niya.

Dzi: eto na ang floor natin, magpahinga na ang mga gustong magpahinga, basta sabay sabay tayo mag dinner, 7pm. Kita kita tayo sa lobby. Sige na, pahinga na. mahaba pa naman ang oras. :D

Ella: Mae!!! Pasyal tayo! Di naman ako pagod eh.

Mae: sige sige. Mag ayos na muna ng gamit.

Fille: ikaw Gretch? Pahinga o pasyal?

Gretch: pasyal na lang.:D

A: tayo din Dzi. Pasyal tayo!

Amy: me too. Ill come with you guys.

Dzi: okay okay. Sama kayo babies? Tanong ni Dzi sa dalawang bunso.

Marge and Ji: oo sasama kami!!!

Gretch: kayo AlyDen?

Aly: papahinga na muna ako Ate Gretch.

Den: Sasama ako.

Pumasok na kami sa mga kwarto  kwarto namin.

Aly: Den, sorry na. pansinin mo na ako. Please? Sabi ko pagpasok na pagpasok namin sa kwarto.

Den: … … …

Huhuhu. Hindi talaga ako pinapansin ni Princess Libero.

Aly: ano ang kailangan kong gawin para patawarin mo ako?

Tinignan lang ako, nakataas pa ang kilay. Urgh!!! Oo na! alam ko naman kung ano ang gusto niyang gawin ko eh. eto na!!

Aly: Dennise. Sorry talaga hindi ako nakapagpaalam. Pumunta lang kaming Antipolo ni Marge, nag usap lang. magpapaalam na ako sa susunod promise. sobrang sincere ako habang sinasabi yan sakanya. sana hindi na magusisa. Huhu. Hindi ko alam ano ipapalusot ko.

Den: eh ba’t nakainom ka? Hindi ka naman pala inom ah! Tsaka bakit si Marge nanaman, pwede mo naman ako ayain ah! Lagi nalang si Marge!

Aly: sa susunod ikaw na aayain ko.Masaya ka kasi kahapon sa manliligaw mo kaya hindi na kita inistorbo, ayoko masira ang araw mo dahil sakin. Sorry na Dennise. Walang bitterness sa boses ko. Argh!

So In Love (AlyDen story)Where stories live. Discover now