chapter 27

28.1K 473 42
                                    

“I think every time you love comeone it’s different. You can love so many people in a lifetime, but sometimes, you meet someone and it’s like nothing or no one will even begin to compare. It doesn’t happen to everyone, but if it does, and believe me it does, you’re one lucky f-ucker.”

-          Anonymous

 

Nagising ako sa sikat ng araw ng tumatama sa mukha ko. yung kamay ko automatic na kinapa yung kama.  

Walang Dennise na nakahiga doon. Tumagilid ako para humarap sa parte ng kama na laging hinihigaan ni Denden at pumikit ako.

Inimagine ko yung mukha niya pag ganitong gigising kami. Yung ngiti niya sakin sa pagmulat niya sa kanyang mga mata. yung good morning hug, kiss. Tapos yung ngiti niyang bubuo ng araw ko.

Hindi ko namalayan na naguunahan nanaman pala ang aking mga luha sa pagpatak.

Ayoko ng dumilat. Ayoko ng magising. Ayoko ng pagdaan ang araw na hindi kasama si Denden.

Masakit. Sobrang sakit. Sobrang bigat sa dibdib. Napakahirap.

Araw araw sa loob ng isang buwan mula noong nakipaghiwalay sakin si Denden ay lagi kong sinasabi sa sarili ko na isang araw lang to. 24 hours lang ang papalampasin. Kakayanin mo yan.

Akala nila nasa akin na ang lahat. Fame. Status. Im at the peak of my athlete career life. Pero ano ba ito kung wala naman si Denden na tanging bumubuo sa pagkatao ko? hindi ko kailangan ng trophy. Hindi ko kailangan ng fame. Hindi ko kailangan ang pera. Kasi hindi nila maibigay sakin ang saya na si Denden lang ang may kayang magbigay.

Nakapikit pa din ako. pilit na iniisip ang mga masasayang araw namin ni Denden. ng biglang tumunog ang cellphone ko. hindi ko pinapansin pero walang tigil din ito sa pagring. Wala akong choice kundi ibukas ang aking mga mata. kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

Wensh Calling……

1 week mula noong pinuntahan ko si Denden sa school nila. 1 week na hindi ako lumalabas ng condo ko. 1 week na hindi ako nagparamdam sa aking mga kaibigan. 1 week na ako lang mag isa. 1 week nanaman na kahit anong tawag ko sa phone ni Denden ay hindi ko macontact. Pati landline nila. pati number nila Tita Arlene. Wala. Nakablock na nga siguro ako sakanila. Aside sa banned pa ako sa subdivision nila.

Humugot ako ng malalim ng hininga saka sinagot ang tawag…

Hello? Walang ganang sagot ko sa tawag.

FINALLY!!!! Sinagot mo din, akala ko aabutin pa ako ng 10 missed calls bago mo sagutin. Open your door. Nandito ako sa labas ng condo mo.

Kunot noong napabangon ako sa kama.

Bakit? anong ginagawa mo dito? Tanong ko sakanya habang tumatayo at naglalakad palabas ng kwarto.

Ibaba ko na tong phone. Basta hindi ako aalis dito. Buksan mo na ang pinto mo. Ma authoridad na utos niya. at binabaan ako ng phone.

Ano ba yan! Eto nanaman si Jeushl Wensh Tiu!

Binuksan ko ang pinto at tinalikuran siya, naglakad ako papunta ng ref ng naglabas ng tubig.

What the actual hell Alyssa? You call this a home? Ang kalat kalat! Tsaka look at yourself! Ni hindi ka man lang nagsuklay. You look like a zombie!!!

Sigaw niya sakin. Tapos inikot ko ang paningin ko sa condo. Mga in cans at chips wrapper, kalat kalat. Yung sink punong puno ng huhugasin. Yung cereal bowls, milk, nakakalat.

So In Love (AlyDen story)Where stories live. Discover now