chapter 23

39.7K 571 32
                                    

“The most eloquent silence; that of two mouths meeting in a kiss”

-          Unknown

Den, please clear your schedule on Sunday. Game 1 ng finals. And we’re against Army. I want you on the bleachers cheering for me. okay? promise me you’ll be there.

“I promise Ly. sige na I have to go. I love you!”

I  love yo-

Hindi ko na natapos kasi binabaan nanaman ako ni Dennise. Hayyy. Huminga ako ng malalim. This past weeks. Sobrang busy na niya. sobrang dalang na namin magkasama.

Valdez!!! breaks over! Back to training!!!

Awww. Nasigawan nanaman ako ni coach. Paano ba naman, puspusan ang training namin kasi Finals na. goal namin ang championship.

Sorry coach. Ito na po. sabi ko sabay balik ng ph one ko sa aking gym bag.

Bumalik ako sa court at nagtrain kasama ang aking mga teammates.

-----

Game 1 Finals.

Papunta na kami ng MOA Arena kasama ang mga teammates ko para sa game 1 ng finals sa PSL. Tinatawagan ko si Denden pero hindi niya sinasagot ang phone niya.

Siguro busy pa yun sa school nila. pero sinabi ko naman na iclear na niya ang sched niya ngayon.

Nakarating na kami sa Arena at kita ang haba ng pila ng mga tao papasok.

Pagkarating naming ng dugout ay may mga media na kumukuha ng litrato namin, may iba naman na naka sched na pala para ma interview kami.

May nag interview sakin na common questions naman ang mga tinanong tulad ng kung paano ang training na ginawa naming para paghandaan ang game 1 at para ma defend ang titulo namin biglang champions at kung ano ano pa na puro volleyball related naman.

Nagtry ulit ako tawagan si Den pero wala pa ding sagot. Hindi ko tuloy maiwasan na mag alala, at malungkot at magtaka kung bakit.

Tinext ko na lang si Den

To Den:

Asan ka na Dennise? Manonood ka naman ng game naming diba? And sagutin mo ang mga tawag ko.

Sent!

Naglagay muna ako ng earphones sa tenga at nakinig ng music para kumalma naman ako. since may naunang game pa at hindi pa ito tapos.

Maya maya ay may nakuha akong text.

Kunot noong binuksan ko kasi unknown number.

Fr: 09172221313

Aly! Si Marge to! Nandito ako sa airport. Naia. Dinner tayo later. You’ll be surprised who I am with. Goodluck sa game!

Andito na si Marge!!  Dali dali kong sinave ang number niya

Well natuloy siya sa ibang bansa para sundan si Jirah pero unluckily, hindi talaga nag work out ang relationship nila. kaya naman nagtataka kung sino ang kasama niya umuwi at kung bakit ako pa ata ang masosorpresa.

To: Marge

Sino naman kasama mo? At bakit ako masusurprise? Mga kalokohan mo Margarita ha!

Sent!

Reply ko sakanya. baliw pa din talaga si Marge pero naeexcite akong makita ulit siya, namiss ko ang bestfriend ko ng sobra! Halos 2 years din kaming di nagkita! Di man nagwork yung sakanila ni Jirah pero tinuloy pa din niya pag aaral niya dun.

So In Love (AlyDen story)Where stories live. Discover now