Chapter 5

496 22 0
                                    

"Sino ba kasing hinihintay mong magparamdam sayo. Panay check mo sa phone mo ee." Sabi ni Batchi. Nasa store ako ngayon at naghahanap ng magandang babasahin. Dito narin ako nagpapalipas ng oras habang hinihintay ang text ni Jade. Ganun ba talaga yun kabusy at wala ng oras magtextback man lang?

"Wala." Maikli kong sagot habang naghahanap.

"Wala ba talaga o meron pero ayaw mo lang sabihin." Sabi nito ng nakasunod sakin.

"Wala nga."

"Ikaw tsong ha. Naglilihim kana sakin. Parang ilang linggo lang ang nagdaan at brokenhearted ka tapos ngayon umiibig ka na ulit. Lupit mo!" Sabi nito na nakathumbs up.

"Gag*! Hindi no." Depensa ko.

"Sus! Talaga. E bat ka namumula?" Tukso nito.

"Lumayo layo ka sakin Batch kung hindi ibabato ko sayo tong mga libro na ito." Pagbabanta ko. Ngumiti ito ng makahulugan sakin at itinaas baba ang kilay nito sabay naglakad papapalayo.

"O ito malayo na ako. So sino nga?"

"Aba! Pelosopo to." Sabay bato ko ng libro. Bigla naman nagring ang phone ko. Mabilis ko itong dinampot sa bulsa ko.

"Hello Jade?" Sagot ko.

"Aahh. Gets ko na. Si Jade pala." Patango tango si Batchi.

"Okay. San ba? Sa bar? Okay. Pupunta ako. Sige." Pagpapaalam ko at ibinaba na ang tawag.

"So san ang gala niyo?" Tanong ni Batchi.

"Sa bar. Sama ka?"

"Wag na. Kayo nalang. Ano oras ba?"

"Mamaya."

"Kayong dalawa lang?"

"Kasama si David."

"Aaahhh. So third wheel ka." Asar nito.

"Okay lang naman."

"Pero seryoso tsong ha." Pag-iiba ng expresion ng mukha nito. "Wag si Jade."

"Ano ba pinagsasabi mo." Patay malisya kong sabi.

"Jade's straight Althea. Not her.. David's our friend dude. Wag na wag mong gagawing panakip butas si Jade. Kung naghahanap ka ng panakip butas wag ang kaibigan natin." Seryosong lahad nito.

"Hinding hindi ko gagawing panakip butas si Jade."

"Mabuti na ang malinaw." Sabi nito at tumalikod na at naglakad na papunta sa counter.

--

"So Althea how are you?" David asked. Nasa bar kami ngayon.

"I'm fine. Thanks to Jade." I said switching my gaze to Jade. I think Jade felt awkward kasi umiwas ito ng tingin ng magtama ang mata namin at agad niya lang ininom ang hawak niyang vodka.

"Babe. Hinayhinay lang sa pag-inom okay?" Mahinahong sabi ni David.

"Yes babe." Sagot naman ni Jade at hinalikan ni David ang ulo nito. Ilang minuto pa ay may lumapit saming babae. She's beautiful I must say. Walang kamalaymalay ko itong tinignan mula ulo hanggang paa.

"Are you done checking me out?" The girl said.

"Huh? I'm sorry." Sabi ko.

"Althea siya nga pala yung sinasabi ko sayo kanina na kaibigan ko. She's Arci." Pakilala ni David. So ito pala yung girl na sinasabi ni David na interesado sakin.

"Hi." I greeted at tumayo upang makipagshake hands. "Upo ka." Dagdag ko.

"Thanks." Sabi niya at umupo sa tabi ko.

Falling into JadeWhere stories live. Discover now