Chapter 9

480 23 0
                                    

"Hey Jadeyy. We're here." Marahan kong tapik sa pisngi nito dahil nakatulog ito sa byahe.

Unti-unti nitong minulat ang mga mata.

"Uhm. Sorry nakatulog ako." Sabi ni Jade.

"No. It's okay. Come on." Aya ko.

Nakarating na kami sa lobby at pumasok narin sa elevator. Halatang pagod at inaantok na si Jade kaya inalalayan ko nalang ito papunta sa unit ko.

"Take a shower first okay then matulog ka na." Sabi ko sa inaantok na Jade pero parang wala siyang narinig at dumeretso lang sa paglalakad.

"Jade." Tawag ko. Pero deadma nanaman ako.

"Jade. Maliligo ka ba o papaliguan kita?" Napatigil naman ito sa sinabi ko at napalingon sakin. Napangiti naman ako.

"May mga gamit ako na hindi ko pa nagagamit. You can use it if you want." Alok ko.

"Okay." Sagot niya.

"I'll just prepare the bath room. Ikaw nalang ang kumuha ng isusuot mo sa loob." Sabi ko at dumeretso na ito sa walk in closet ko. We're in my room kaya nakikita ko kung saan siya pumunta.

Nang maayos ko na ang ililigo ni Jade ay lumabas na ako upang tawagin siya.

"Jade the bathroom's ready." I told her.

Lumabas ito sa walk in closet na nakangiti at may daladalang pajama.

"Nasayo pa pala ito?" Tukoy nito sa hawak niyang pj. "May mga gamit pa pala akong natitira dito." She said. "I thought tinapon mo na." She added.

"You know that I will never gonna do that. Mahalaga yan. Yan nalang kasi ang naiwan mo sakin simula ng maghiwalay tayo." Sabi ko. I saw a guilt sa mga mata nito.

"I'm sorry." She said. There she goes again.

"Jade. One sorry is enough okay? Wag ka ng maguilty o kung ano pa man. I've already forgave you and I am willing to forgive you over and over again okay? So don't be sad." I said in all sincerity and held her hand. Napangiti naman ito sa sinabi ko. "Pumasok ka na nga at maligo. Nangangamoy ka na." Biro ko at mahinang tinulak papasok ng bathroom.

Nang matapos itong maligo at sumunod naman akong pumasok at naligo. Matagal kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. "Nakatulog na kaya siya?" Tanong ko sa sarili ko. "Pano mo malalaman kung di ka lalabas." Sagot ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng banyo at lumabas.

"Akala ko jan ka na matutulog sa banyo." Bungad ni Jade sakin paglabas ko.

"Ahh ehh. Bat hindi ka pa natutulog?" Tanong ko.

"I can't sleep." Sagot niya.

"Can't sleep? E parang kanina lang halos matumba ka na sa antok." Sabi ko at tumawa ng mahina.

"I can't sleep knowing you're not beside me." Sabi niya. I was left speechless. Feeling ko nagbablush rin ako. Dumeretso nalang ako sa kama at kumuha ng isang unan. Maglalakad na sana ako papunta sa couch ng magsalita itong muli. " where are you going?" Tanong niya.

"Couch?" Sagot kong tanong.

"Bat ka jan matutulog?" Tanong ulit niya.

"Because you're in the bed?" Sagot kong nakakunot ang noo.

"I'll sleep in the couch nalang para dito ka nalang sa bed. Total its yours naman." Sabi nito na aktong tatayo na.

"No! I mean jan kana. Make yourself comfortable. Sanay nakong matulog dito." Sabi ko at inilagay ang unan sa couch.

Falling into JadeWhere stories live. Discover now