Pito

16.7K 301 85
                                    

Balisa pa rin si Aling Norma at nangangamba sa ikinikilos ng kaniyang bunsong anak na si Miguel. Tanghali na at tulog pa rin ito. Pinagmamasdan lang niya mula sa pintuan ang anak habang natutulog sa sofa.

Kanina pa kasi niya pinipilit makontak si Faye ngunit wala siyang mahanap na signal. Mga ilang minuto pa ay nakontak na din niya ang phone na agad namang sinagot sa kabilang linya, "Hello, 'ma. Napatawag ka po?"

"Pasensiya ka na anak kung naistorbo kita, may ginagawa ka ba?" sabi nito kay Faye.

"Wala naman po, breaktime po namin."

"Yong kapatid mo kasi, nag-aalala ako," mangiyak-ngiyak na sambit ni Aling Norma.

"Bakit po? Anong nangyari kay Migs?" tanong nito, puno ng pag-aalala't kaba.

"Hindi ko nga alam. Pero simula kahapon ay kakaiba ang mga ikinikilos niya," paglalahad ni Aling Norma sa anak.

"Paano pong kakaiba ang ikinikilos? May kinalaman po ba ito sa pagkakahimatay niya kahapon?" sunod-sunod na tanong ni Faye sa kanyang ina.

"Siguro. Pero ang mas inaalala ko . . ." saglit na nahinto sa pagsasalita si Aling Norma.

"Ano po 'yon ma? Ano 'yong inaalala mo?"

"Hindi pala ako unli. Tumawag ako sa'yo gamit ko, regular load," malungkot nitong pahayag.

"Eto talaga si Mama, akala ko kung ano. Sige po, magpapaalam na lang ako sa boss ko kung pwede akong mag-undertime para makauwi ako at sa bahay na lang tayo mag-usap. Sige po 'ma. Baba ko na 'to, baka lalong maubos 'yo
ng load niyong pang-GM," biro nito na bahagyang natawa.

"Anong pang-GM?"

"Wala po. Sige na, baba ko na 'yong phone."

Lakas loob na nagpaalam si Faye sa kanilang boss at sinabing may emergency sa bahay. Pumayag naman ito at pinauwi si Faye ngunit bago iyon ay nagparamdam na naman sa kaniya ang manyak niyang amo. Matagal na kasi itong may gusto sa kaniya at ipinipilit ang sarili kahit ilang beses na niya itong pinagsabihan na tigilan siya.

"Ano ba ang emergency sa family natin? Financial ba? Makakatulong ako riyan, basta pumayag ka lang na maging syota ko," sambit nito na may kasama pang kindat at kagat ng labi.

Nandiri naman si Faye sa inasal ng kaniyang manyakis na amo. Kung hindi lang talaga mahirap maghanap ng trabaho ay matagal na siyang umalis sa kompanyang pagmamay-ari ng isang manyak.

"Sir naman, nagpapaalam ako nang maayos, e," naiirita niyang tugon.

"O, nagagalit ka na naman. Alam mo naman na mas lalo akong na-i-inlove sa iyo kapag nagagalit ka, e. Hindi mo naman kailangang magpaalam pa, puwede kang umuwi kahit anong oras mo gustuhin. Isa pa, magiging sa iyo rin naman ito balang araw basta pumayag ka lang na maging syota ko," segundang pamumulaklak ng kanyang bunganga.

"Ano ba sir? Hindi ako nandito para maghanap ng manliligaw, nandito ako para magtrabaho. Isa pa, hindi ako basta-basta para maging syota mo," pagdidiinan niyang sambit sa amo.

"Kapag hindi pa talaga kayo tumigil, bukas na bukas din ay mag-reresign ako," babala pa niya. Ito ang tanging panakot niya sa tuwing nilalandi siya nito.

"No, you can't. You're an asset of this company. You're the apple of my eye and you're the palaman of my tinapay." Hindi pa rin ito natinag sa mga pasakalye nito sa dalaga.

"Tse. Sarap mong ipalaman sa kabaong!" bulong ni Faye sa sobrang pagkairita.

"Ano 'yon? May sinasabi ka? Sinasagot mo na ba ako ng matamis mong 'Oo'?" Pagmamaang-maangan nito kahit ang totoo ay narinig naman talaga niya ang sinabi ng maganda niyang empleyado.

"Ay, wala sir. Sabi ko baka gusto na ninyo po akong pauwiin po, kasi po 'di ba nga may emergency sa bahay po?" Malakas na sambit ni Faye na pinagdidiinan pang sinasalita ang "po".

"Yes. Yes. You can go, but make sure na makakauwi ka nang ligtas. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa iyo. Isa pa, huwag ka nang gumamit ng 'po' kapag kausap mo ako. Halos magkasing-edad lang naman tayo."

Napa-irap na lamang si Faye dahil sa sinabi ng amo, ang totoo kasi ay malayo ang agwat ng kanilang edad. Mas matanda pa yata ang kanyang amo sa namayapa niyang ama.

"Salamat po, mauna na po ako!" Pamamaalam ni Faye na halatang na-stress sa pangungulit ng amo.

"Ay huwag, bata ka pa at saka magiging asawa pa kita." Tatawa-tawa pa ito habang binibitawan ang makalumang linya.

"Ha? Ano po iyon sir?" sarkastiko niyang tanong.

"Wala. Sige mag-ingat ka. Pakisabi sa nanay mo magluto ulit siya ng masarap niyang kakanin at pabaunan ka. Favorite ko talaga iyon dahil luto ng magiging biyenan ko," bilin sa kaniya ng manyakis na amo.

"In your dreams. Sige po," nakangiti niyang sagot sabay labas ng pintuan.

Ilang oras lang ang nakalilipas ay dumating agad si Faye at agad na hinanap ang ina. Nakita niyang nakaupo itong natutulog sa sofa malapit sa nakahigang si Miguel. Tinapik-tapik niya ang kanyang ina para magising at magmano. Wala siyang inaksayang sandali dahil gusto na rin niyang malaman ang kalagayan ng kapatid.

"Ano po ang nangyari kay Miguel?" tanong nito sa ina.

Napayuko si Aling Norma at napabuntong-hininga.

"Hindi siya nagsasabi sa akin pero may kutob ako na bumabalik ang nakaraan sa kapatid mo," pahayag ni Aling Norma.

"Ano pong nakaraan? Hindi ko maintindihan," mahinang tanong ni Faye.

"Naalala mo pa ba noong mga bata pa kayo? Lagi siyang may kausap na hindi natin nakikita. Sa tingin ko ay bumabalik ang dati niyang kalagayan," maluha-luhang sambit ng ina.

"Yong sakit po ba niya ang inaalala ninyo? E, pinatingnan niyo naman po siya sa psychiatrist 'di ba? At ang sabi ay normal lang sa mga bata ang magkaroon ng imaginary friend," saad ni Faye.

Panandaliang natahimik ang ginang. Nag-iisip ng sasabihin.

"Pero normal ba ang hindi niya tayo makilala?" tanong naman ni Aling Norma.

Natahimik lang si Faye sa tinuran ng ina. Maging siya ay hindi alam kung normal bang matatawag ang makalimutan sila ng kapatid.

"Ilang taon pa bago natin ulit nakuha ang kaniyang loob? Natatakot akong malaman niya ang nangyari dati. Paano kung---" Naputol ang sasabihin ni Aling Norma nang marinig si Miguel.

"Ma?" Biglang pagsasalita nito.

Napatigil ang mag-ina sa pag-uusap at nabaling ang tingin kay Miguel.

"O? Masama pa ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Aling Norma sa anak.

"Medyo okay na po ako. O, ate, wala kang pasok?" Baling nito kay Faye.

"A-e. Meron, nag-undertime ako. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Kasasabi ko lang na okay, e. Huwag kayong mag-alala, lagnat laki lang ito," pagbibiro pa ni Miguel.

"Lalabas lang ako saglit para bumili ng meryenda. Ikaw muna ang bahala sa kapatid mo, magpalit ka na muna ng damit mo," utos ni Aling Norma kay Faye.

"Sige po, Czyrah's pizza po ang bilhin ninyong meryenda, a. Mura lang po iyon, masarap pa." Nakangiting sabi nito sa ina.

"O, sige, nag-endorse ka pa riyan," pagsang-ayon naman niya sa anak.

Agad na lumabas si Aling Norma para bumili ng meryenda, samantalang umakyat naman si Faye para magpalit ng damit.

Naiwan sa sala si Miguel na mag-isa.

THE PLAYMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon