Chapter 6

1.2K 39 2
                                    

Ashlyn's P.O.V

7:30 nang nagising ako at thank god its saturday makakapag pahinga ako ng mahaba haba at di ko rin makikita ang mga bwisit na casanova boys.

Agad akong nag shower at mag bihis para makapag luto ng agahan.

Habang nag luluto ay napansin kong mabilis na bumaba si Everleigh nang nakangiti.

"Morning Ash!! " masigalang sabi niya.

"Morning,  saya ng gising natin ngayon ah" sabi ko naman sakanya.

"Excited lang ako makilala ang bagong lipat nating kapitbahay dyan sa tapat" sabi nya.

"Oo nga pala meron nga palang bagong lipat ngayon diyan" sabi ko at pinatay ang stove.

Agad ko rin nilagay sa mesa ang mga pancakes na niluto ko.

"I-welcome natin sila gamit ang cupcakes mo" sabi nya.

"Bat ako? " sabi ko.

"Well dahil masarap kang magluto at mag bake so why not? " sabi nya.

"K fine" sabi ko at ininom ang kape na tinimpla ko kanina.

Mayamaya pa'y bumaba narin si Haisley at Kira.

"Good morning/morning! " sabay nilang bati.

"Morning" sabay din naming sabi ni Everleigh.

At umupo na sila sa mesa at tinilungan naman ako ni Everleigh na kuhanin ang ibang utensils at mga plato.

Pag kakuha ay agad naming hinain at nag simula narin kaming kumain.

"Mukhang tapos nang maglipat ang bago nating kapitbahay dyan sa tapat" sabi ni Haisley habang kumakain.

"Pano mo naman nalaman?? " takang tanong ni Kira sakanya habang iniinom nito ang orange juice nya.

"Well wala na yung truck na nag lilipat " sabi nya.

"Malay mo bumalik dun sa bahay na pinang galingan nila at kinuha pa yung ibang mga gamit nila" sabi ko.

"Tapos na sila ng 2 am" sabi nya.

"Stalker teh?? " tanong ni Everleigh sakanya.

"Di naman alam mo naman ang panahon ngayon mahirap na" pag dadahilan ni Haisley sabay inom ng kape nya.

"Sabihin mo nag puyat ka lang kagabi kakapanood mo ng kdrama" mataray na sabi ni Kira.

Agad naman nabilaukan si Haisley sa iniinom nya.

"Guilty" sabay na sabi namin ni Everleigh at tumawa.

"Di ko naman kasi namalayan na 2 am na ng umaga ang ganda na kasi nung pinapanood ko eh" pag dadahilan nya saamin pag ka baba ng tasa ng iniinuman nya ng kape.

"Adik ka lang kasi kay Park Hyungsik" sabi ni Everleigh habang na tawa.

"Eh ano naman ikaw nga si Lee Minho mo" sabi naman ni Haisley.

"Di kayo titigil?? " nagagalit na sabi ni Kira sa dalawa.

Agad naman silang nanahimik at tinapos ang pag kain nila. Hindi ko naman napigilan na matawa ng mahina dahil sa nakatakot sila kay Kira.

Pag tapos kumain ay agad naming niligpit ang nga pinag kainan at himalang nag volunteer si Haisley na maghugas ng pinggan.

"Wala ka namang sakit diba?? " rinig kong tanong ni Everleigh sakanya .

"Pwede ba tigilan mo nga ako porket nag huhugas lang ako may sakit na ako " naiiritang sabi ni Haisley sakanya.

"Hindi naman sa ganon Haisley ang alam kasi namin ayaw mong nag huhugas ng pinggan " sabi ko sabay lapag sa lababo ng mga baso at tasang ginamit namin kanina.

The Clash of Amazona Girls vs Casanova BoysWhere stories live. Discover now