Chapter 7

1.1K 42 1
                                    

Ashlyn's P.O.V

Nagulat ako sa biglang pag yakap saakin ng babaeng nag bukas ng gate nila. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa at di namamalayang niyakap ko sya ng pabalik.

"Ehem! " ubo ng isang lalaki na nakatayo sa likuran ng babaeng yumakap saakin na naging dahilan para kumalas kami sa pag kakayakap sa isa't-isa.

"Pasensya na iha" sabi ng babae at napailing. Agad ko din napansin ang pag babago ng nga emosyon nya sa kanyang mga mata.

Halong pag kalungkot ang aking napansin na tinatakpan nya ng maganda nyang ngiti. Umatras din sya ng kaunti para tumabi sa kasama nyang lalaki.

"Hi po!! Ate ako nga po pala si Everleigh at si Kira naman po ang may hawak ng cupcakes and si Ashlyn po.  Kami po yung nakatira dito po sa tapat ng bahay nyo"masiglang bati ni Everleigh sa dalawa.

"Hello din Everleigh, Kira at Ashlyn. Ako nga pala si Calvin at eto naman ang asawa ko si Kendall" bati saamin ng lalaking katabi ni Ma'am Kendall.

"Umm eto po pala cupcakes po ginawa po ni Ashlyn at Everleigh yan para po i-welcome po kayo dito sa village" sabi ni Kira sakanila at nakangiti nila itong tinanggap.

"Aysus nag abala pa kayo. Halika pasok muna kayo dito saluhan nyo kami sa cupcake na gawa nyo at mag kape o juice tayo dito sa loob" sabi ni Ma'am Kendall.

"Ay hindi- " naputol ang sinasabi ko ko nang sumabat si Everleigh.

"Ah ok po ma'am Kendall" sabi ni Everleigh at binuksan lalo nila ma'am Kendall at Sir Calvin ang gate para makapasok kami.

Syempre makapal kapal ang mukha nitong si Everleigh at nauna sya.  Sunod na pumasok si Kira at agad din ako sumunod.

Sinarado naman ni Sir Calvin ang gate at sumunod sa asawa nyang naunang pumasok kasabay si Everleigh.

Sumabay ako sa pag lalakad kay Kira.

"Kilala mo ba sya?? " bulong saakin ni Kira agad naman akong napatingin kila Everleigh at kay Ma'am Kendall na masayang nag uusap.

"Hindi nga eh pero parang pamilyar sya saakin" sabi ko at patuloy kaming sumunod papasok sa bahay nila.

Simple lang ang loob nito at halos lahat ng gamit ay di pa naayos.

"Upo lang kayo kahit san nyo gusto paaensya na at di pa kami nakapag ayos kakatapos lang naming mga baba ng gamit kaninang alas dos" sabi ni Maam Kendall.

"Salamat po ma'am Kendall sana po magustuhan nyo yung bake namin ni Ashlyn" masiglang sabi ni Everleigh at napatingin naman ako kay Ma'am Kendall na nakatingin saakin

"Nako wag nyo na akong tawaging ma'am  mga iha Tita Kendall na lang at Tito Calvin ang itawag nyo sa asawa ko" sabi nya sabay iwas ng tingin.

"Okay po tita" sagot naman ni Everleigh.

Mayamaya pumasok si Sir Calvin este tito na daladala ang mga cupcakes na binake namin at may dalang mga kape.

"I hope na mahilig kayo sa kape " sabi nya sabay baba ng tray sa coffe table nang mga dala nya.

"Don't worry po okay lang po samin ang kape lalo na po si Ash coffee lover po sya" sabi ni Everleigh at natawa naman sila ng mahina.

" Parehas pala sila nito ng asawa ko" nakangiting sabi ni Titi Calvin.

"Tikman nyo na po siguradong makakalimutan nyo po ang pangalan nyo pag natikman nyo ang bake ni Ash" sabi naman uli ni Everleigh sakanila at nag katinginan naman silang dalawa at kumuha ng cupcake na agad din nilang tinikman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Clash of Amazona Girls vs Casanova BoysWhere stories live. Discover now