Gavin's After Life 12.

1.3K 47 5
                                    


12.
Parang naging isang panibagong pahina ng buhay ko ng maging kaibigan ko si Donna. Napakabuti niya palang tao, naimpluwensyahan lang ng mga It Girls ng University.

Since hindi na kami masyado nagkikita ng mga Arcadians, dahil busy na sila sa kaniya-kaniyang mga trabaho. Kahapon umalis na din si Stephen ng bansa para magtrahaho abroad. Tatlo nalang kaming natira dito.

At nagkalabuan pa si Lawrence at Pia kaya minsan kaming dalawa lang ni Pia ang lumalabas, o di kaya kami lang ni Lawrence.

May galit sila sa isa't isa dahil nabalitaan ni Pia na ang dating kababata ni Lawrence na noon pa man ay nakalaan na para pakasalan niya, nagbalik mula States. At yun din ang dahilan kung bakit inentertain na ni Pia ang noon pa man ay may gusto na sa kanya.

Di sila nag uusap, tinanong ko sila baka pwedi pa namang mapag usapan, pero iisa lang ang sagot nila.

"Kung san siya masaya, dun siya. Tatanggapin ko nalang na hindi kami para sa isa't isa"

Minsan napapa-isip ako na tanungin ko kaya kay Pia kung kunusta na ang sinabi niyang No one can dim our lights. Pero di ko magawang i-open yun sa kanya, dahil lately masyado na siyang naging seryoso sa ginagawa niya.

Kahit na magkasama kami, lagi na siyang tutok sa phone niya dahil sa manliligaw niyang si Raph. Minsan naman tutok sa laptop para tapusin ang mga naiwanh trabaho para sa kanya.

Minsan nakakatampo na, pero tinatago ko nalang sa kanya yun dahil naiintindihan ko naman na ginagawa niya lang yun para makalimutan si Lawrence.

Si Lawrence naman, panay puri parin sa sarili. It's good na di siya nagbago, ganun pa rin siya. Hindi na nga lang siya katulad ng dati na palaging nagpapansin kay Pia.

Nangyari pa dati na nagkita-kita kaming apat sa loob ng mall. Si Lawrence at ang Fiancé niyang si Dyanne, at kami ni Pia. Gustong kausapin ni Lawrence si Pia, pero pinigilan siya ng babaeng kasama niya.

Doon na nagsimulang di na sila masyadong nagpapansinan. Nagkakasama lang kaming tatlo kapag nagkataon, pero agad na magpapaalam si Pia na kuno may gagawin pang importante.

Namimiss ko na ang dating Arcadian. Yung bangayan lagi ni Pia at Lawrence, mga tingin ni Rhea kay Charlie. Ang tutok sa trabaho na si Stephen, at ang nagmomotivate sa amin na si Gavin.

Ang paghiwa-hiwalay ng mga Arcadian ang naging dahilan kung bakit bumalik ako sa dating ako. Walang masyadong pinapansin. Tutok sa pag-aaral at laging naka-earphones at laging nag-iisa.

-

Nagplano ako ng set up para magkita si Lawrence at Pia, dahil huli kong nakitang sweet sila ay noon engagement party ni Gavin at Tifanny.

Sinama ko na din si Donna at Kieth para ipakilala sa kanila ng maayos. Sinabihan ko silang mag kita sa plaza pero di ko sinabing kaming tatlo.

Sabay silang dumating sa lugar na sinabi ko sa kanila. Nagkaharap sila at nagtinginan lang. Dumating silang pareho at walang nag-excuse na umalis dahil may gagawin.

Okay na sana yun, kaya lang hindi sila nag-excuse dahil kasama nila ang bago nilang partners.

Halos madurog ang puso ko sa nakita, nasasaktan ako para sa kanila. Para na silang mga kapatid ko, at nasasakatan din ako kapag nasasaktan sila.

Kita sa mga mata nila na gusto nilang yakapin amg isa't isa, at ang panghihinayang dahil di na nila yun magagawa dahil nakakapit sa kanila ang isang pader ng responsibilidad ng bago nilang partner.

"Guys, meet my boyfie. Raph Andersen" pilit na ngiti lang ang inilabas ni Pia sa pagsabi nun.

Nagwave ako sa kanya, nag shake hands sila ni Lawrence at halatang may pagkamuhi sila sa isa't isa. Nag shake hands din siya sa dalawa kong kasama.

"Meet my Fiancé, Dyanne Whites" sabi ni Lawrence na wala manlang emotion sa pagmumukha niya.

Ipinakilala ko din si Donna at Limuel sa kanila. Nagtagal ang pag-pasyal namin. May mga ngiti na sa mga labi nila si Pia at Lawrence.

Parang napakatagal ng takbo ng oras ngayong araw, bigla din bumuhos ang malakas na ulan. Sumilong ang apat na kasama namin pero nanatili kaming tatlo sa labas. Ginawa namin ang mga bagay na namiss namin. We're careless, and wild. Parang mga batang naglalaro sa gitna ng ulan.

Naghawakan kaming tatlo nga kamay habang naglilibot sa gitna ng plaza. Nakita ko sa mga mukha nila ang saya dahil sa nagawa nila yun ng walang kumontra sa mga bago nilang partners.

Nahiga kami sa damuhan, wala kaming pakialam kung marami mang nakatingin sa amin. Tumawa kami ng pag-usapan ang mga kasama namin. Dahan dahan na tumulo ang luha ko, pero di ito nahalata. Thanks to the rain.

Sa tingin ko ganun din ang naramdaman nila. Pero natahimik kami ng ilang minuto habang nakatingala sa langit at pumapatak ang ulan sa mga mukha namin.

We laugh as if it was our last. We're wild as a tiger. Di na namin namalayan na unti-unti na palang dumilin.

Dinalhan si Lawrence at Pia ng towel ng bago nilang partner. Bagong bili dahil nakalimutan nilang tanggalin ang price tag. Muling nadurog ang puso ko nang bumalik kami sa realidad. Ganun din ang bumakas sa mga mukha nila.

Nakita kong kakalabas lang din ni Limuel sa loob ng mini-mart malapit sa plaza kung saan sila sumilong. Sumulong siya sa ulan at ibinigay sa akin towel na kakabili niya palang.

Nagtinginan kaming tatlo. Tumgil ang ulan at ngayo'y kita na ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata namin.

We Laugh as if it was our last. No We Laugh Because it was our last.

Nagpaalam kami sa isa't isa. Isang pamamaalam na permanente. Di ko lubos maisip na darating ang araw na tuluyan ng maghihiwa-hiwalay ang Arcadians.

"Guys, this is the last time na magkikita tayo. I'm going to the states with Dyanne" sabi ni Lawrence.

"Ito na rin ang huling araw na magkikita tayo Isabelle. I'm going to face a bigger responsibility" sabi naman ni Pia.

Halos madurog lahat ng buto sa buong katawan ko sa mga narinig. Pilit pa rin akong ngumiti kahit sobrang sakit na.

Nagtungo na sila sa kani-kanilang mga sasakyan. Halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nang makaalis na sila, bigla akong napaupo sa damuhan at humagulgok ng iyak.

Niyakap ako kaagad ni Donna at umiyak siya kasama ko. Kahit ngayon lang niya nakasama ang ilang lang sa mga Arcadian ramdam na niya ang sakit na naramdaman ko nung tuluyan na kaming maghiwa-hiwalay.

Si Limuel naman ay nanatiling nakatayo, tumingala sa langit at halatang nagpipigil ng luha. Alam niya ang sakit na nararamdaman ko dahil nakasama na niya kahit ilang saglit lamang ang mga Arcadian at lubos niyang natuwa dahil don.

"Napaka swerte mo at meron kang mga kaibigan na katulad ng mga Arcadian" sabi ni Limuel sa akin noong nasa La Union kami.

Pero ngayon, wala na ang Arcadian. Our lights already dimmed.

****

Author's note: Sana di niyo ako i-bash dahil sa pinag hiwa-hiwalay ko ang Arcadians. Masakit din para sa akin yun, but We have to understand that once in our life this circumstance will really happen. People do come and go. But whoever is your true friend will come back no matter what it takes.

Gavin's After Life | On-Going | Under EditionKde žijí příběhy. Začni objevovat