Chapter 4: Mommy Kirsten

240 6 0
                                    

"Bakit hindi mo sinabi kung anong nangyari sayo?" Tanong ni Jessica.

Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanila. "I'm sorry. Masyado nang magulo ang utak ko nung mga panahong iyo. Sorry." Sabi ko sa kanila bago ako yumuko.

Tumingala ako nang marinig ko ang pag-iyak ni Jessica. "Hindi ako makapaniwalang nagawa nilang lahat iyon, Macey."

"Wala man lang akong nagawa nung pinagbintangan ka ni Steffi, wala akong nagawa nung pinakulong ka ni Nicolli. Kahit na nadoon ako Macey, hindi man lang kita natulungan. Hindi ko alam na planado ni Steffi ang lahat ng nangyari nung gabing yon." Pinunasan ko ang pisngi nya.

"Ang alam ko lang noon ay may matindi kayong pinag-awayan ni Steffi kaya sya galit sayo. Hindi nya na sinabi kung ano yun basta galit sya sayo."

Nagpatuloy sya sa pag-iyak bago sya nagpatuloy sa pagsasalita. "Wala akong nagawa nung mga panahong binully ka ng lahat. Kung alam ko lang, sana.. Sana naipagtanggol pa rin kita sa kanila!" Sabi nya pa.

Nilingon ko naman sila Dylan nang magsalita sya. Katulad ni Jessica ay may mga luha ring naglandas sa mukha nya. "Ate Macey kapatid ang turing namin sayo, alam mo yan. Para ka na naming ate ni Sky. Pwede mo kaming sabihan ng mga problema mo. Nung mga panahong iyon ay pwede mong isumbong sa amin lahat ng ginawa nila sayo."

"Hindi yung wala kaming alam! Hindi namin alam kung anong nangyari kung bakit naghiwalay kayo ni Nicolli noon. Hindi namin alam kung bakit sinasaktan ka ng mga estudyante noon. Hindi namin alam na.. Ate Macey bakit?" Sabi naman ni Sky. Bihira ko lang sya makitang umiiyak at habang nakikita ko silang umiiyak sa harap ko ay nakaramdam ako ng sakit.

Oo, siguro nga naging makasarili ako dahil sinarili ko lang lahat ng problema. Ni hindi ko sinabi sa kanila kahit na alam kong papaniwalaan nila ako. Hindi ko sinabi kung anong totoong problema kahit na ba mga kaibigan ko sila.

"I'm sorry." Yan lang ang nasabi ko sa kanila.

"Ni hindi namin alam na bumalik ka na. Hindi ka man lang nagpakita at nagpakilala sa amin. Nakakatampo pa nga na pagkatapos ng graduation noon ay bigla na lang kayong nawala. Nabalitaan na lang namin na umalis kayo." Sabi ni Sky.

"Alam ko kung anong nangyari sayo nung nasa Korea ka na. Alam ko ang kwento ni Queen Angel. Naiintindihan ko kung bakit hindi ka nagpakilala. Nagka-trauma ka dahil sa nangyari." Yumuko si Dylan bago nagpatuloy.

"Alam mo ate Macey, kung alam mo lang ang dahilan ni Nicolli, maiintindihan mo din sya. Alam kong hindi nya yun ginustong mangyari. Hindi ko sinasabi na patawarin mo sya agad-agad, ang gusto ko lang sabihin ay sana bigyan mo sya ng pagkakataong makapagpaliwanag sayo." Sabi nya pa.

"Ang turo mo noon, alamin muna ang totoong dahilan sa likod ng mga nagawang desisyon. Put yourself on someone's shoes. Alam kong maiintindihan mo din ang boss namin, ate Macey." Sabi ni Sky.

------------

Nang makapag-usap kami ng mga kaibigan ko ay napagpasyahan na nilang umuwi. Hindi naman mawala-wala sa isip ko lahat ng mga sinabi nila. Tama sila, kailangan pakinggan ko ang side ni Nicolli. Ang tanong, kaya ko ba? Kaya ko ba syang makita? I doubt it.

Hapon na nang napagdesisyunan ng Angels na mamasyal kami sa mall. Para daw makapag-unwind. Pumayag na rin ako para mawala ang mga nasa isip ko kahit saglit.

Nasa loob kami ng jollibee at kasalukuyang kumakain nang may tumawag sa pansin ko. "Mommy ganda!" Rinig kong sinabi ng isang batang cute.

Agad akong ngumiti nang makilala ko sya. Its Mary Ann! Habang lumalapit ang bata sa akin ay nilingon ko si Kirsten. Tulala na naman sya. Siguro ay may naaalala sya kapag nakikita si Mary Ann.

Nang tuluyang makalapit sa akin ang bata ay sinalubong ko sya ng yakap. Na-miss ko rin ang cute na batang ito. Bumitaw sya sa yakap at ningitian ako ng malaki.

"Ano pong ginagawa nyo dito, mommy ganda?" Inosenteng tanong nya sa akin.

"Ahh.. Kakain kami baby. Ikaw? Sinong kasama mo? Kasama mo ba ang mommy mo?" Tanong ko naman sa kanya.

Nalukot naman ang magandang mukha ng batang kausap ko. "Wala po akong mommy. Ang sabi ni daddy ay nasa malayo daw po ang real mommy ko." Sagot nya.

"Real mommy?" Tanong ni Kirsten sa bata.

"Opo." Sagot nya bago humarap kay Kirsten. "Wow! Parehas po tayo ng eyes. Ang sabi ni daddy ay parehas kaming may beautiful eyes ng real mommy ko." Sabi nya pa.

Lumapit sya sa kaibigan ko at kumandong sa hita nito. "Pwede ko po ba kayong tawaging mommy? Miss ko na po kasi ang real mommy ko. Baby pa lang po ako hindi ko na sya nakita. Please po." Sabi ni Mary Ann at nagpa-cute kay Kirsten.

Ngumiti ang kaibigan ko sa bata bago ito sinagot, "Sige ba." Lumaki naman ang mga singkit na mata ni Mary Ann dahil sa sinabi ng kanyang 'mommy'.

"Talaga po?! Yehey may mommy na ako!" Sabi ng bata at niyakap sa leeg si Kirsten.

Ngumiti ako dahil sa kanila. Siguradong may nami-miss na rin si Kirsten. Ang kanyang anghel.

"Baby?" Napalingon kami sa lalaking nagsalita. Its Tristan, Mary Ann's dad. Agad na bumitaw ang bata kay Kirsten at lumapit sa kanyang ama.

"Daddy! May mommy na ako! Pumayag po sya na tawagin ko syang mommy!" Pagbabalita ng bata sabay turo kay Kirsten.

Tumingin ng alanganin si Tristan sa kaibigan ko. "Okay lang." Sabi ni Kirsten saka ngumiti. Ginantihan din sya ni Tristan ng isang matamis na ngiti. Agad nag-iwas ng tingin si Kirsten.

Muling lumapit si Mary Ann sa kanyang mommy Kirsten. "Mommy pwede po ba kayong pumunta sa birthday ko? Please mommy." Sabi ng bata.

"Sure! Kailan ba ang birthday ng baby girl ko?" Nakangiting tanong ni Kirsten kay Mary Ann. Ngunit unti-unting nawala ang ngiti nya nang marinig ang sagot ng bata.

"Matagal pa po sya mommy. Sa February 25 po ang birthday ko. Six years old na po ako nun." Nakangiting sagot ni Mary Ann.

Pinilit ngumiti si Kirsten bago sya nagsalita, "Sige. Pupunta sila mommy." Agad ngumiti nang malaki ang bata dahil sa sagot ng kanyang mommy Kirsten.

"February 25? Hindi kami pwede nun." Sabi ko sa sarili ko.

Tumingin ako sa kaibigan ko at binigyan sya ng what-are-you-doing-look. Sinagot nya naman ako ng isang pilit na ngiti.

###

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now