Chapter 8: Nicolli's plan

218 5 2
                                    

HIS POV:

Nagulat ako nang makita si Macey dito sa garden. Kahapon ko pa sya gustong lapitan at kausapin pero palaging nandyan ang bodyguards nya upang pigilan ako. Naiintindihan ko naman na kailangan nilang protektahan si Macey pero hindi ko matanggap na maging sa akin ay inilalayo sya.

Hindi ko naman sasaktan ang babaeng mahal ko eh. Hindi ko na sya sasaktan pa. Wala akong magawa para makausap sya. Wala akong magawa sa tuwing napapaligiran sya ng mga taong nais syang protektahan.

Siguro nga ay sobrang sama ng mga nagawa namin sa kanya noon. Siguro nga ay sobra syang nasaktan nang dahil dito. Siguro nga ay nagkaroon na sya ng takot sa akin, sa amin ng pamilya ko.

Awang-awa ako sa aming ama. Katulad ko ay hindi sya makalapit sa kanyang anak. Babalakin nya pa lang ay hindi na agad natutuloy dahil sa bodyguards at sa pamilya ni Macey. Kahit anong gawin nyang pakiusap sa ina ng kanyang anak ay hindi sya pinagbibigyan. Hindi sya pinapayagan ni Mrs. Aragon na makalapit sa anak nya. Hanggang tingin mula sa malayo ang kayang gawin ni daddy.

Katulad ni daddy ay hanggang tingin na lamang ako sa babaeng mahal ko. At ngayong nandito sya malapit sa akin ay hindi ko magawang lapitan sya at kausapin. Naiinggit na nga ako kala Dylan at Sky dahil pinayagan silang makalapit at makausap si Macey.

Oo nga pala, hindi naman nila sasaktan si Macey. Wala silang kasalanang nagawa rito kaya pwedeng-pwede nilang lapitan ang kanilang ate Macey.

Ngayon ko lang na-realize. Maging sila Dylan at Skyleigh ay naapektuhan din sa nangyari. Inilayo ko sila kay Macey. Nagagalit ako sa kanila kapag nalalaman kong lumalapit at kinakausap pa rin nila si Macey. Selfish act right?

Lahat ng mga taong malapit kay Macey ay inilayo ko. Ang pamilya ko, mga dating kaibigan nya at ang mga kaibigan ko ay inilayo ko kay Macey. Walang natira sa kanya. Wala syang matakbuhan noon. Tanging si manang Fe lamang ang karamay nya nung mga panahong mag-isa sya.

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig kong sumigaw si Dylan kasabay ng pagsuway sa kanya ng isa sa mga kaibigan ni Macey.

"Mini concert?" Tanong ko sa sarili ko. Nagkatinginan kami nina Tristan at Zimmer. Anong meron? Anong ibig sabihin ni Dylan?

Kahit na nais kong malaman ang kasagutan ay hindi ko magawa dahil hindi ako maaaring makalapit sa pwesto nila. Di bale, mamaya ay tatanungin ko si Dylan tungkol dito.

Nang mapansin kong malapit nang magsimula ang susunod naming klase ay inutusan ko si Zimmer na lumapit kila Dylan at yayain nang umalis. Sumunod naman sya at kinausap na ang dalawa

Nang makapagpaalam sila sa kanilang ate Macey ay naglakad naa kaming lima paalis sa garden at papunta sa room namin. Habang naglalakad ay napansin ko ang kakaibang ngiti nila Dylan at Sky.

"Anong meron kapatid? Kakaiba ang ngiti nyo ngayon ah!" Pagpuna ni Zimmer.

Nagbungisngisan ang dalawa bago sumagot. "Magkakaaroon ng mini concert si ate Macey at invited kami ni Dylan." Sagot ni Skyleigh.

"Oo. Excited na nga kami kahit na sa pasko pa yun gaganapin. First time kong makakapanood ng concert nila." Sabi naman ni Dylan.

"Mini concert?" Tanong ko sa kanila.

Tumahimik sila at parehong tumikhim. Umiwas sila ng tingin sa akin at pawang nagmamadali sa paglakad. "Male-late na tayo. Ang tagal-tagal nyong magsilakad!" Sabi ni Sky.

Halatang umiiwas sila. Ano naman sa tingin nila ang gagawin ko? Ang pumunta doon at magpanggap na guest? Napangiti ako sa aking naisip. Good idea Nicolli! Ang pogi mo talaga!

Pagkatapos ng klase namin ngayong araw ay maaari nang makauwi. Nandito na kami ng mga kaibigan ko sa parking lot at hinihintay ang kapatid kong si Steffi. Magsasabay na kami sa pag-uwi katulad ng nakagawian.

Habang naghihintay sa kanyang pagdating ay kinausap ko sina Dylan at Skyleigh tungkol sa naisip kong plano. Nung una ay umiiwas talaga sila. Ayaw nilang sabihin sa amin ang buong detalye ng mini concert.

Kinuha naman ni Zimmer ang bag ng kapatid na si Sky at kinuha mula rito ang gold na invitation. Iniabot nya iyon sa akin at nakipag-apir sya kay Tristan.

"Naman eh! Bakit ka ba nangingialam ng gamit ng may gamit?" Naiinis na sinabi ni Sky sa kuya nyang si Zimmer.

"Huwag kang madamot kapatid. Ayaw nyo kasing magsalita eh. Ayaw nyong sabihin sa amin ang buong detalye ng mini concert ni Queen. Kaya iyan.." Sagot ni Zimmer.

"Wala naman kasi kayong pakialam eh!" Sabi ni Sky.

"May pakialam kami kapatid. Kaya nga nagtatanong kami kanina pa diba?" Sabi naman ni Zimmer.

"Kelan pa ba kayo nagkaroong ng pakialam kay ate Macey." Naiinis na sinabi naman ni Dylan. Natahimik naman kaming lahat dahil rito.

Ako na ang bumasag sa katahimikan. "Pure Heart House of Fashion?" Pagbasa ko ng invitation. "Ahh. Nakipag-partnership nga pala sila sa may-ari nun." Pagpapatuloy ko.

"Tsk." Parehong sinabi nina Dylan at Sky. Hindi ko na lang sila pinansin pa at ipinagpatuloy ko na lamang ang pagbasa.

"Pure Heart House of Fashion cordially invites you to the company's 5th anniversary celebration happening on Christmas day, December 25 of year 2017. It will be at Shangri-la Hotel with a masquerade theme. See you there!" Pagbasa ko. Napaisip naman ako. Kung pupunta ako doon ay walang makakahalata dahil nakamaskara ang mga panauhin.

Nang matapos kong basahin ang mga nakasulat sa invitation ay agad itong kinuha ni Sky mula sa kamay ko sabay pasok nito sa bag nya. Tumingin sya sa akin bago pumasok sa sarili nitong kotse at pinaandar.

"Tsk, umalis na tuloy. Kung anuman yang iniisip mong plano boss, please, huwag mo nang ituloy. Baka kung ano pang mangyari, masira lang ang celebration nila." Sabi ni Dylan bago nagpaalam at umalis na rin pauwi sa kanila.

Hinarap naman ako nina Tristan at Zimmer. "Anong plano boss?" Nakangiseng tanong ni Zimmer.

"Come me in boss." Sabi naman ni Tristan.

Napangise naman ako dahil sa suporta ng dalawa kong kaibigan. Kahit kelan talaga ay maaasahan sila. Hindi tulad nung dalawa, sabagay, naiintindihan ko naman sila. Masyado lang talaga nilang mahal si Macey.

###

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now