Chapter 24: Nicolli's Biological Parents

191 4 0
                                    

Hinintay kong makabalik ang mga magulang ko bago ako lumabas mula sa kwarto ni Nicole. Nang makalabas ako ay dinala ako ng mga paa ko sa garden nitong ospital. Umupo ako sa bench bago tumingala at pinagmasdan ang langit.

Ngayong nagising na si Nicole mula sa anim na taong pagka-coma, maraming tanong ang pumapasok sa isipan ko. Katulad ng totoong nangyari nung gabing nahulog sya sa hagdan dahilan ng pagka-coma nya. Ang alam lang namin noon ay tinulak sya ni Macey ngunit ang sabi ni Macey ay si Steffi ang syang tumulak sa kapatid ko.

Ngayong nagising na sya, magiging masaya na rin at magiging kumpleto na ang pamilya Reyes. Masaya ako dahil nagising na si Nicole ngunit malungkot at naiinggit ako dahil pagkalipas ng anim na taon ay may pamilya syang naghihintay sa kanya. Ako ay nakikiagaw lang sa pamilya nila.

Huminga ako nang malalim bago ko naramdaman ang pag-upo ng kung sino sa tabi ko. Nang lingunin ko ito ay nalaman kong si daddy pala. Nakangiti sya habang nakatingin sa akin kaya naman ngumiti rin ako sa kanya.

"What's wrong son? Mukhang may bumabagabag sayo." Tanong sa akin ni daddy.

Muli akong tumingin sa langit bago sumagot, "Wala dad. Naisip ko lang na mabuti pa si Nicole ay may pamilyang naghihintay sa paggising nya. Samantalang ako ay nakikiagaw lang sa pamilya ninyo."

Hinawakan ni daddy ang braso ko bago ako hinarap sa kanya. "Hindi ka nakikiagaw, Nicolli. Anak kita, anak ka namin ng mommy mo kahit na hindi ka namin kadugo. Sa puso namin ay isa kang Reyes." Sabi sa akin ni daddy na nagpaiyak sa akin.

"Daddy, pwede ko bang malaman ang rason nyo kung bakit pinalaki nyo kami ni Steffi na hindi namin alam ang totoo?" Tanong ko sa kanya. Matagal ko ng gustong malaman kung bakit. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na matanong si daddy.

"Bakit pinalabas namin na si Steffi ang ampon sa inyong dalawa kahit na hindi totoo?" Tanong ni daddy at sinagot ko naman ng pagtango.

Tumingin sya sa kawalan bago nagbalik-tanaw sa nakaraan. "Kilala mo ang mga magulang ko Nicolli, your grandparents. They wanted a grandson na magmamana ng lahat ng ari-arian ng pamilya Reyes. Unfortunately, naging babae ang anak namin ng mommy mo. Nung panahong ipinanganak si Steffi ay nalaman ko ang nangyari sa mga magulang mo at kinuha kita. Napagdesisyunan namin ng mommy mo na ikaw ang ipakilalang anak namin sa mga magulang ko, at ipinalabas namin na si Steffi ang batang inampon ko." Sagot ni daddy.

"Daddy, alam mo ba kung may mga kamag-anak ako? I mean, bakit hindi nyo ako ibinigay sa kanila? Sa mga grandparents ko? My parents' families?" Tanong ko sa kanya.

"Your dad is from a rich family katulad ko. He is my childhood friend dahil magkaibigan ang mga pamilya namin. Bata pa lang ay alam na naming ipagkakasundo kami sa mga mayayamang babae na mapupusuan nila. Your dad fell in love with your mom. Ayaw ng pamilya nya rito dahil galing sa mahirap na pamilya ang mommy mo. Kahit na ganoon ay pinaglaban nila ang pagmamahalan nila at paglipas ng mga taon ay nagpakasal sila at nagkaroon ng anak. Iyon ang naging dahilan kung bakit itinakwil ang daddy mo ng mga magulang nya." Tumingin sa akin si daddy bago nagpatuloy.

"He has an older brother who helps them financially. Something happened before kaya itinakwil din ang tito mo, Nicolli. Nang mamatay ang mga magulang mo dahil sa car accident, ako ang kumuha sayo dahil wala doon ang mga magulang ng daddy mo. Alam kong itatakwil ka din nila kaya inampon kita. Alam ko rin na hindi ka kayang palakihin ng tito mo noon kaya sa akin ka lumaki, Nicolli." Sabi nya bago ngumiti sa akin.

"Buhay pa ba sila dad? Where are they?" Hindi ko napigilang itanong kay daddy.

"They are still alive, son. They are still tough though they are in their mid-60's. They live at Fernandez mansion with their maids. If you're gonna ask about your uncle, he lives with a woman now." Sagot ni daddy.

"Where's my uncle dad?" Tanong ko ulit.

He smiled before answering me, "He lives at Aragon Mansion. He's with Macey's mom, working as their butler. He is John Fernandez."

Nang dahil sa sinagot ni daddy ay naalala ko ang ginoo na palaging nagre-represent sa mommy ni Macey kapag may event sa university. Sya rin ang ginoo na nakita ko sa parking lot sa school. Sya ang kasama ni Macey na dumalo sa family day.

Muli akong tumingin kay daddy nang hawakan nya ang balikat ko. Nakita kong tumayo sya at niyayaya akong pumunta sa parking lot dito sa ospital. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta sumunod na lamang ako kay daddy.

Nang tumigil ang kotse kung nasaan kami ni daddy ay nalaman ko kung saan kami pumunta. North cemetery, dito kami pumunta ni daddy. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito. Nang maglakad si daddy papasok ay sumunod ako sa kanya. Huminto lamang sya nang makita ang dalawang puntod malapit sa malaking puno.

"Anne Fernandez and Jeremy Fernandez." Pagbasa ko sa dalawang puntod na nasa harap namin.

Kahit na hindi sabihin ni daddy ay alam ko at nararamdamn kong puntod ito ng mga magulang ko. Dinala ako ni daddy dito upang mabisita ko sila. Tumingin ako kay daddy at nakita ko ang pagtulo ng mga luha nya habang nakangiting nakatingin sa puntod ng mga tunay kong magulang.

"Buddy, here he is, Nicolli your son. Look at him, he grew up as a gentleman just like you, my friend." Pagkausap ni daddy sa tunay kong daddy.

"I apologize for the long wait. How many years had passed since you last saw him? More or less two decades, I guess. I'm glad na nagkaroon na ako ng pagkakataon upang ipakilala ko sya sa inyo." Sabi pa ni daddy bago humarap sa akin at iniabot ang kanang kamay ko.

"This is your mom, Anne Fernandez." Sabi nya bago inihaplos ang kamay ko sa lapida ng mommy ko. "And here is your dad, Jeremy Fernandez." Katulad ng ginawa nya kanina ay inihaplos nya rin ang kamay ko sa lapida ng daddy ko.

Hindi ko napigilang mapaiyak lalo na nang makita ko ang mga litraro nilang dalawa sa tabi ng kanilang lapida. Kamukhang-kamukha ko ang daddy Jeremy ko. Namana ko naman ang maputing balat ko sa aking mommy Anne.

"Hi mom and dad! Its so nice to see you again. I miss you both and always remember that I love you two more than I love myself." Sabi ko sa mga magulang ko bago ko naramdaman ang pagyakap sa akin ni daddy Miguel.

###

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now