Good morning Lupang Sinilangan! Good morning Lo--Love? Nasaan na yun?
Mabilis kong inayos ang sarili ko at lumabas ng kwarto. Wala akong nadatnan sa loob ng bahay. Tahimik ito. Pagsilip ko sa bintana, nakita ko si Kean na humihigop ng kape habang nakaupo sa gawang kawayan na upuan sa labas ng bahay.
"Yan, si Rhian?" tanong ko habang humihikab pa. Medyo malamig din ang hangin. Napaka-fresh talaga ng hangin dito sa probinsya. Kung pwede lang baunin pabalik sa Manila, gagawin ko.
Umurong muna siya bago sumagot.
"Sinama ni Mama at Papa sa pamamalengke. Alas kwatro palang gising na kaya siya."
"Alas kwatro?!" gulat na gulat kong tanong dito.
"Oo. Pag-gising namin kaninang alas singko, nadatnan namin sa kusina, nagkakape. Hindi na daw siya makatulog."
"Excited siguro yun sa ganap ngayong araw."
"Yun nga. Ah... Cha, kumusta pala ang eksena sa Manila?"
"Eksena? As in yung music scene dun?"
Tumango ito.
"Hindi ako masyadong aware at updated sa eksena dun eh. Alam mo naman diba na hindi na ako nakabalik sa pagbabanda nung lumipat ako dun. Yung huling tugtog ko, dito pa sa probinsya."
"Hindi ka na talaga bumalik?"
"Nabusy sa pag-aaral tapos after nun, trabaho agad. Bakit pala?"
"Plano ko kasing lumuwas din. Ang layo kasi dito sa atin, ang hirap kumbaga makilala sa music industry."
"Nice! Suportahan kita diyan."
"Ikaw ba? Ayaw mo ng bumalik? Diba yun talaga ang pangarap mo?"
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Kean. Yun kasi yung pangarap ko na hinayaan ko nalang maging pangarap dahil nagiba na rin ang ikot ng buhay ko.
"Hindi naman sa ayaw na, syempre first love ko ang pagbabanda. Pero dahil siguro lumipas na rin yung panahon... iba na kasi yung priority ko ngayon. Tapos natutunan ko na rin mahalin yung profession ko." explain ko sa kanya.
"Pero gusto mong subukan ulit?"
"Kung may pagkakataon, bakit hindi?"
"Pagusapan natin yan bago kayo bumalik ng Manila. Dito na sila."
Nakita ko ang pagparada ng puting multicab type na sasakyan sa tapat ng bahay. Naunang bumaba si Tita pagkatapos ay sumunod naman ang fiancee ko. Tumayo narin kami ni Kean para tumulong sa pagbitbit ng mga pinamili nila.
"Good morning! Ang aga mong namasyal ah?" nakangiti kong tanong kay Rhian pagkatapos ay kinuha ang mga plastic bags na bitbit nito.
"Ang aga kasing nagising niyan." sagot naman ni Tita.
"Yun nga ho ang sabi sa akin ni Kean."
"Alam mo bang ang tawag sa kanya sa palengke... Ma, ano ulit yun?" tanong ni Tito Mike kay Tita.
"Taylor. Kamukha daw ni Taylor Swift. Pero syempre sabi ko, beautiful Rhian ang pangalan niya."
"May beautiful pa talaga, 'ta?" natatawa kong tanong.
"Gusto ko ngang sabihin na beautiful queen Rhian kaso baka hindi na nila maalala at Taylor nalang ang itawag sa kanya."
Napailing nalang ako. Proud na proud talaga siya kay Rhian. Hindi makakailang, pamangkin niya ako.
"Edward, tawagin mo si Junjun. Kukunin natin sa farm yung baboy." tawag naman ni Tito kay Kean.
"Maliligo muna ako."
YOU ARE READING
E V R Y W M N N T H W R L D: The Return Of The Comeback
FanfictionRead the first book first, before you read this one. Disclaimer: This is purely fictional and a product of my cat's imagination. Read at your own risk.
