3rd Mystery

29.8K 850 37
                                    

3rd Mystery
Rake

Kanina pa ako naiinis kay Veronica dahil wala s'yang ginawa kung hindi ang magreklamo.

'Mabuti nga at nakalabas kami. Sawang sawa na ako sa MLH! Halos buong buhay ko ay doon ako namamalagi. Hindi naman siguro masama kung makakakita ako ng ibang view di ba?'

"I really want to go back to MLH! Ayoko dito! Intead of training for the upcoming S.A Exams, eto ako at namimigay nang mga test papers sa mga taong hindi naman espesyal." maarteng sabi nya pa na s'yang mas ikinairita ko.

'Konting konti na lang! Baka hindi ako makapagtimpi! Ayoko sa lahat ay 'iyong nag-iinarte sa harap ko.'

"Pwede bang tigilan mo 'yan Veronica? Naiirita na ako sayo, kung ayaw mo na dito eh di bumalik ka na!" inis na sabi ko at natigilan naman s'ya.

"Sorry, kinakabahan kasi ako para sa upcoming exams eh. Alam mo namang ayokong mawala sa High-en." nakangusong sabi n'ya at palihim akong napasinghal.

'Tch! Paano ka mawawala sa High-en? Eh halos lahat ng kalaban walang laban sayo! Puro ka kaartehan.'

"Tara na nga! Bumalik na tayo doon, nailabas na siguro ang results," medyo kalmado nang sabi ko. Nakanguso naman s'yang tumango.

"Galit ka, Rake?" untag n'ya, iniyakap pa ang mga kamay sa braso ko. Marahan ko namang inalis iyon saka pilit na ngumiti.

Naglakad na ako pabalik at bubulong bulong naman s'yang sumunod sa akin.

"Do you think, may madadagdag sa atin?" tanong n'ya nang marating na namin ang lobby. Nagkibit balikat naman ako dahil hindi ko rin alam ang sagot.

"Paano kung may mas malakas kesa sa atin na makapasa? Oh no!" nagpapanic na sabi n'ya. Hinatak pa n'ya ang laylayan ng polo ko.

"Pwede ba? Wag kang masyadong paranoid! Hindi ka malalaglag sa trono! Sa tingin mo, mapapantayan nang isang baguhan ang halos 12 years na pagsasanay natin? I don't think so," singhal ko sa kanya at umirap naman sya sa akin.

"Yeah right! No one can beat! I'm the best." nakangising sabi nya at hindi ko na lang s'ya pinansin.

Nang marating namin ang lobby ay mari na ang nagkukumpulang estudyante. Mukhang lumabas na nga ang result.

Hinatak ako ni Nica papalapit at nakipagsiksikan kami sa mga eatudyante. Maririnig mo ang masasayang tinig ng mga nakapasa, may tumatalon pa at naiiyak.

'Tss!'

'Ilang students kaya ang mapapadpad sa kakaibang mundo namin.' napangisi ako at napailing.

Kakaiba kasi ang school system sa amin. Namimigay sila ng scholarship at kapag pumasa ka, makakapasok ka sa school ng walang babayarang kahit ano, sounds ordinary right? But there is something extraordinary behind all these.

Ang mga pumasang 'ordinaryong tao' ay mapupunta sa branch na ito ng MLH para makapag-aral ng libre gaya ng ipinangako sa kanila. Ang mga tulad namin ni Veronica ay mapupunta sa totoong Moonligh High para mabantayan at masanay nila.

'Isa lang ang alam ko, ang lugar na pinapasukan ko, kakaiba sa mga eskwelahang pinapasukan n'yo.'

"Anong ibig sabihin nang MLHR Passers?" nagkatinginan kami ni Veronica nang marinig namin ang mga katagang iyon. Agad naming hinanap ang pinanggalingan noon at nakita namin ang isang babaeng nakatayo sa harap ng announcement board, mahaba ang tuwid n'yang buhok at maganda. Kung titingnang maigi, masasabing isa s'yang 'ordinaryong tao' pero dahil sa sinabi nya, alam naming hindi s'ya ganoon.

Agad namang lumapit si Veronica sa kanya kaya sumunod ako.

"Excuse me, pumasa ka sa MLHR?" tanong agad ni Veronica at gulat namang tumango yung babae.

"Talaga? Where's your name?" paninigurado pa ni Veronica at itinuro naman noong babae 'yong pangalan n'ya.

'Krey Loom? What kind of name is that?'

"Pangalan mo to? Krey Loom?" tanong ulit ni Veronica at tumango ulit 'yong babae.

Tatlo lang silang pumasa sa MLHR! So tatlo lang silang madadagdag sa amin.

Tiningnan ni Veronica mula ulo hanggang paa 'yong babae."'Yang itsura mong 'yan may S.A? Di nga?"

"Ha? S.A? Anong S.A?" naguguluhang tanong noong babae kaya kumunot ang noo ko at tumaas naman ang kilay ni Veronica.

"You don't know what S.A is? My god! Paano ka nakapasa?" inis na tanong ni Veronica saka s'ya humarap sa akin. "Hindi kaya nagkamali si Ms. El sa pagpili?" tanong n'ya sa akin at umiling naman ako.

'Wala naman akong pakialam d'yan.'

Humarap ulit sa kanya si Veronica.

"Ang mabuti pa, sumama ka sa amin. Ipapakilala kita kay Ms. El, baka naman nagkamali lang s'ya kaya ipinasa ka nya." Hinila nya yung babae pero nagpumiglas yung babae.

"Teka? Bakit isasama mo ko, nagtatanong lang naman ako kung ano 'yong MLHR kung ano-ano nang sinabi mo dyan, isasama mo pa ako dahil baka nagkamali lang? Wow ah!Tsaka isa pa wala namang tanong sa exam tungkol sa pinagsasasabi mo? Masyadong pakialamera. In the first place di ko naman s'ya kinakausap ah. Tsk!" mukhang inis na sabi noong babae saka n'ya kami tinalikuran kaya naman nag-uumusok ngayon ang ilong ni Nica.

'Hahaha! Ayaw na ayaw n'yang tinatalikuran s'ya.'

"Hey! Don't you dare turn your back, idiot! Anong sabi mo, pakialamera ako?" inis na sabi ni Veronica at astang hihilahin n'ya ang buhok noong babae nang bigla s'yang na-estatwa sa pwesto.

Biglang humarap 'yong babae at agad na nanlaki ang mata n'ya. Tumingin s'ya sa akin at bakas ang takot sa mukha n'ya.

'Anong nangyari?'

Agad kong nilapitan si Veronica na kasalukuyang nakataas ang kamay at bakas ang galit sa naestatwa n'yang mukha.

"Hey? What did you do?" gulat na tanong ko doon sa babae at nataranta naman s'ya.

"Ha? Wala? Ano n-namang g-gagawin ko dyan?" umiwas s'ya nang tingin.

"Nica!" malakas na tawag ko pa sa kanya, inalog ko pa s'ya ng bahagya at doon nawala ang pagkakaestatwa n'ya pero nawalan naman sya nang malay.

Nagulat na lang ako noong biglang kumaripas nang takbo 'yong babae.

'What the?'

'Ngayon sigurado na akong may S.A nga sya at hindi nagkamali si Ms. El sa pagpili sa kanya.'


Edited: 06/08/17

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY school ) {COMPLETED}Donde viven las historias. Descúbrelo ahora