8th Mystery

23.4K 652 35
                                    

*¤*| 8th Mystery |*¤*

[.... Krey ....]

Alas tres ng hapon ang simula ng sunod na klase after lunch at 8 pm naman ang tapos..

Kapag ganitong after lunch class daw ay sa FIELD pupunta ang lahat ng mga estudyante..

Suot suot na namin ang uniform at masasabi kong komportable naman ako..

Pagdating namin sa field ay maraming estudyante, halos lahat ata nandito eh..

Dumiretso kami ni Calla sa spot kung nasaan ang mga classmate namin..

Nandun na rin si Austen na masayang nakikipagkwentuhan sa mga lalaki..

Yung mga kaklase naman naming babae ay may kanya kanya ring ginagawa..

Lumapit kami dun at mukhang naagaw namin ang atensyon nila dahil napatigil pa sila sa mga ginagawa nila..

"0h? Nandyan na pala sila eh, tara dito, tamang tama, paparating na rin siguro si Ms. Key, sya ang adviser natin eh" si Rome..

"Nadagdagan nga pala tayo so bagong groupings ulit no? Ilang grupo kaya tayo ngayon? Dati kasi partner partner kami pero hindi na yun pwede ngayon" si Box

"Yeah right! Kulang kasi ng isa pa eh, we're only eleven" si Mri..

"0o nga, siguro pagtatatluhin tayo sa grupo tapos 2 groups na four" si Krune..

Hindi naman na kami umimik ni Calla at naupo na lang sa isang tabi..

Tanaw na tanaw dito ang malawak na field..

Maraming estudyante ang nasasanay sa gitna.. May teachers na kasi sila..

Maya maya lang ay dumating na rin yung teacher namin..

Magandang babae na sobrang amo ng mukha at maganda ang ngiti! Mukhang mabait!

"Good afternoon class!" nakangiting bati nya sa amin "For the new comers, I am Ms.Key and I am the adviser of the High-en class for more than 3 years now.." dagdag pa nya..

"So, hindi ko na kayo kikilanin sa ngayon dahil makikilala ko rin kayo sa paglipas ng mga araw.. For now, I will discuss about the changes in your groupings dahil nga nadagdagan na kayo. Unlike before na partners partners kayo ngayon, mahahati kayo sa tatlong grupo, isang grupong tatlo ang myembro at dalawang apat.." mahabang sabi nya at nakinig naman kami..

Inilabas nya ang isang papel mula sa bulsa nya at saka nya sinimulang basahin iyon..

"For group 1.. Mri, Rake and Krey" nanlaki naman ang mata ko..

Hindi ko kasama si Calla o di kaya si Austen tapos kagrupo ko pa si Rake! Waaah!

Napatingin ako sa kanya at nakatingin din sya sa akin at ang masama pa, nakangisi na naman sya..

Ano bang problema nito at laging nakangisi?..

"Hey, groupmate tayo, mabuti naman at dalawa tayong girl, hihihi" si Mri..

"Ah.. H-Haha.. Oo nga" pilit ang tawang sagot ko saka ako muling tumingin kay Miss.

"For group 2, Box, Veronica, Austen and Clery,. And for group 3, sina Calla, Chrome, Rome at Krune.. Any violent reaction?" tanong nya pa at nagtaas ng kamay si Veronica..

Tumingin naman si Ma'am sa kanya.."Yes, Veronica?"

"Bakit po magkahiwalay kami ni Rake?" taas kilay nyang tanong habang magkakrus ang mga braso nya sa dibdib..

"Ah.. Dahil hindi pwedeng pagsamahin kayo para may magdala sa other groups at isa pa, bawal magsama sama ang mga bagong students.."

"Psh! Fine, nakakainis naman, sana kasi wala na lang dumagdag eh, nagulo pa tuloy" inis na sabi nya saka sya umupo..

"Veronica, you have to learn how to accept changes okay, walang bagay na permanente, just go with the flow" nakangiting sabi ni Miss at palihim namang umirap si Veronica..

"Ano ba yan? Di tayo magkagrupo, kainis! Ikaw gusto kong kasama eh" bulong ni Calla

"0o nga eh, hayaan mo na, room mates naman tayo eh"

"0o nga! Time na rin para magkanew friends tayo gaya ni Austen, mukhang nakalimot na ang loko"

"Haha! Bakit namimiss mo na ba?"

"Di ah!! Di naman kami ganun kaclose para mamiss k-ko sya" nakangusong sagot nya at tinawanan ko naman sya.. "Bakit tumatawa ka?"

"Wala naman! Nakakatuwa ka lang!" sagot ko at nginiwian nya naman ako..

"0h sige.. Para sa first group assignment nyo, tuturuan nyo ang mga transferees na group mates nyo ng mga basic movements para sa physical contact, hindi naman sa lahat ng oras ay magagamit nyo ang S.A nyo. Lahat naman tayo ay may kahinaan" si Miss

*Hahahahaha! May kahinaan daw lahat! Ikaw ba meron?* tanong ni Sha

*Oo, yang kakulitan mo! Manahimik ka nga dyan!*

*Sunget!!!*

"Ui, tara na! I will teach you na!" si Mri na bigla na lang akong hinila pababa sa stair benches na inuupuan namin..

Napatingin naman ako kay Rake pero katabi nya na agad si Veronica..

'Close talaga sila? Hindi na nakakapagtaka! Parehong masama ang ugali nila!'

"So ganito lang ha? Gagayahin mo lang ako..HAAAHH!" sigaw nya na itinaas pa ang dalawang kamay nya at..

Nagtumbling!!

O_________o...

'W0W! Basic ba yan?'

***

[... The Who ...]

"AAARRRGGG!" malakas na sigaw ko dahil sa sakit na naramdaman ko..

It's been fourteen years..

Fourteen long years of misery...

May barrier na nakaharang sa labas ng kulungang itn na hindi tinatablan ng S.A ko kaya hindi ako makagawa ng paraan para iligtas ang sarili ko..

'Kumusta na kaya ang pamilya ko?'

Walong taon lang ako nung kuhanin nila ako at ang buong akala ng pamilya ko ay pinag-aaral ako pero ang hindi nila alam... Pinag-eeksperimentuhan ako dito..

Humahanap sila ng paraan para mailipat ang S.A ko sa kanila..

Kapag nagawa nila yun, magagawa nila ang gusto nila..

Makokontrol nila ang kahit na sino..

~Blag!~

Malakas ang pagkakabagsak ko sa hinihigaan ko at talagang nakadagdag yun sa sakit na nararamdaman ko..

Pagapang akong lumapit sa may pintuan at saka ko pinilit na tumayo at..

"AAAAAAHHHHH!" Binalot ng kuryente ang katawan ko nang hawakan ko ang doorknob..

*Wag mo nang subukang lumabas, dahil mas mawawalan ka lang ng lakas at mas lumiliit lang ang tsansang makalaya ka dito..*

*Hindi na ata ako makakalabas dito eh..* malungkot na sabi ko kasabay ng unti unting panlalabo ng paningin ko..

 .

 .

 .

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY school ) {COMPLETED}Where stories live. Discover now