Chapter 1: Birth of a New Hero

1.3K 54 11
                                    

????'s POV

Argh... Teka, asan bako?

*sniffs*

Hmm, iba ang amoy ng lugar nato, kakaiba sya sa aking ilong.

*shkkkk(haha, sorry sa sfx)*

Napatingin ako sa isang malaking screen sa may isang malaking gusali.

"Magandang umaga mga kababayan! Andito ako upang magbigay sa inyo ng isang nakakabahalang balita. Isang kung anong uri ng bagay ang sa ngayon ay nasa kustudiya ng mga eksperto at sinusuri ito. Bigla nalang itong lumitaw sa isang abandonadong gusali sa may Davao, at meron pa kong isang balitang ibibigay. Isang bulalakaw din ang tumama malapit dun sa gusali nayun, at ang tingin ng eksperto ay ang nilalang na ito ay galing du--."

*shikkk*

Namatay biglang malaking screen na tinitignan ng maraming tao at biglang may kung anong tunog o sigaw akong narinig sa di kalayuan.

"Ahhhh! Halimaw!!!!!"

Tapos nun ay biglang nagsitakbuhan ang mga tao at ako rin ay tumakbo. Tsk, ano ba ang mga yan!?

Mga nilalang na mukhang mga demonyo kaso nga lang ay may mga tentacles ito na parang isang octupos.
Shit! Biglang may lumipad na kotse sa uluhan ko at buti nalang ay naramdaman ko ito bago pa man ako tamaan. Teka.....

Napatingin ako sa aking likuran upang manlumo sa aking mga nakita. Kaya pala parang wala ng sumisigaw ay dahil.....

Kinakain na ang mga tao ng mga halimaw nayun, tsk! Pero hindi ako dapat tumayo nalang dito at walang gawin. Nagisip ako ng paraan upang may mga matulungan ako... Kahit isa man lang. Kaya ang ginawa ko ay kumuha ako ng isang matulis na bagay at umatake sa isa sa mga halimaw na malapit sakin.

"Hyaaaa!!"

*tusghhh

Bumaon sa halimaw yung bagay na itunusok ko sa kanya, napasmirk naman ako dun.

*grrrrr

Anong....? Humarap sakin ang halimaw at inihampas sakin ang isa sa mga tentacles nito at napalipad naman ako dahil dun.

Argh.. *cough*.. *spits blood*..

Tsk! Ano na ang gagawin ko ngayon? Mukhang walang talab sa halimaw ang ginawa ko.

*ratatatatatatatatatatatat!

Nagflinch ako ng makarinig ako ng mga bala ng baril at sunod sunod na pinagbabaril ang mga halimaw.

"Formation 3!" Nagpalit ng pormasyon ang mga sundalong ngayong nasa harap ko na at nakikita ko silang binabaril ang mga halimaw pero.....

Hindi man lang gumagalaw ang mga halimaw sa kinatatayuan nito, para bang wala lang sa kanila ang mga bala ng baril.

"Bata umalis kana dito, masyadong mapanganib ang lugar na---" biglang syang natigil ng bigla akong tumakbo papunta sa isa sa mga halimaw. May hawak akong isang granada. Inunpin ko ito at sinigawan ko yung halimaw.

"Hoy! Hoy kadiring nilalang!" Humarap ito sakin at binuka ang bibig. *smirk*

*roaaaarrrr!

Ginamit ko ang pagkakataong iyon upang ibato ang granada sa bibig nito.

Nagback flip naman ako upang di magalusan sa pagsabog, gulat na gulat ang mga expression ng mga sundalo at may pagkamangha rin. Hehe, sumabog ang granada at lahat kami ay tumingin dun. May malawakang usok sa parte ng pagsabog at nang mawala iyon ay nagulat at natakot kami. Walang galos yung halimaw na tinapunan ko ng granada. Parang nakasmirk pa nga ito eh, shit.

Heroes Uprising: A New Era Begins {On Going}Donde viven las historias. Descúbrelo ahora