Maou's POV
Sa pagkakabasa ko dapat ganito yun..."Oyy Maou!"
"Ay pusang gala!" Napasigaw ako nang bigla akong tinawag ni Drex.
"Huh!? Saan!?" Pfft! Bwhahahaha!
"Hahahahaha!" Nagtaka naman si Drex nung bigla akong tumawa at maya maya lang ay naintindihan nya rin kung bakit ako tumatawa.
"Oh.... Hahahaha so anong ginagawa mo dyan Maou? Parang may sinusubukan ka eh." Err sasabihin ko ba?
"Uh nagtetraining lang ako para sa Battle Royal."
"Ohhh, so kasali ka rin pala Battle Royal. Welp! Goodluck nalang satin Maou! Hahaha!" Kasali nga rin pala si Drex dun.
"Sige Drex, punta nako ng room namin at baka malate pako, goodluck din pala."
"Okii! Ingat!" Nagwave nalang ako pabalik at umalis na. Hmm, mukhang mahihirapan kami nito ah. Kasali si Chronos at isa pa tong si Drex na tinagurian na pinakamabilis dito sa buong academy. Eh di ko pa nga masyadong namamaster ang Lava Mend eh.
"Ilag!"
"Gahh!!!!"
*blaggg!!
Aray... Sino ba kasing naglalaro nang habulan dito sa hallway!?
"S-sorry po." Rghh.... Babae pa, hayst!
"Ok lang, mag ingat nalang kayo sa susunod ah." Mga bata talaga.
"O-opo." Tinakbo ko na ang daan papunta sa room at baka mapagalitan pako ni Ms. Mendez.
....................
Whoo! Umabot pako!
"Mr. Soriano! Your late 2 seconds!"
What!? That's just straight bull!"Maam... Dalawang segundo lang eh."
"Kahit na, mahalaga ang oras kaya wag sayangin."
"Says the one na laging nasa parlor shop at nakatambay... Hehe!" Nagsitawanan naman kaming lahat at mukha namang naiinis nanaman sakin si Ms. Mendez.
"Hahah! Joke lang po, to naman di na nasanay sakin." Umupo nako sa tabi ng bintana sa likod. Ever since na napasok ako dito sa school eh lagi akong naka dungaw sa labas nang bintana.
"Aish! Anyways! We have a new student! Mr. Chronos you may enter."
"Ma'am! Pengeng tissue!" Sigaw nnang isa sa mga pinaka makulit na studyante dito, si Seira Oharu... Ugh! Lagi nya nalang akong kinukulit. Pero, kahit ganun sya ay masasabi kong maganda ang Cord nya, ngunit napaka creepy.
"Hey guys! Ako nga pala si Kuran Chronos at ang Cord naman ay Exousia or lets say Divine Lightning, kaya kong kontrolin ang electricity that makes me deadly."
Seriously... Anong meron at puro nalang mga mabibilis ang nandito sa academy? Una si Drex, tas si Lans. Tas ngayon meron pang isa!? Di lang yun, di man mabilis eh kaya namang kontrolin ang oras! Gwahhh!!! Pero, mikhang napakalakas nang isang to ah.
"Ooohhh! Mga studyante! Alam nyo na ibig sabihin nito diba?" Ah great!
"Hihi! To the training grounds!"
..................
Kuran's POVOyy! Hi guys! Kagaya nga nang sabi ko kanina, ako si Kuran Chronos at ang Cord ko ay Exousia or Divine Lightning. Hehe! Masasabi kong isa akong malakas na tao pero di natin malalaman yan hanggat diko pa nakikita ang mga katangian nang mga kaklase ko. Especially yung lalaking coat at scarf sa likod kanina. Ibang iba ang kutob ko sa kanya kesa sa iba eh, meron din naman akong nakitang malalakas kanina nung papunta ako nang pero, mas malakas parin ako! Bwhahaha! Sa kasalukuyan kaming naglalakad papunta nang training grounds pero bakit naman?

YOU ARE READING
Heroes Uprising: A New Era Begins {On Going}
Science FictionSa taong 2030, isang kung anong klase ng nilalang ang biglang lumitaw sa pilipinas. Una ay inaakalang ito ay hindi mapanganib ngunit, simula ng ito ay makatikim ng isang patay na tao ay nagsimula na itong umatake at pumatay ng tao. Dumami ito ng dum...