Chapter 13: Goddess of Destruction and Hope

548 32 1
                                    

Maou's POV
Owwww...... Ang sakit nang katawan ko tae yan. Ano bang nangyari Hikari?

Owww.. Diko rin alam Onii eh. Ang natatandaan ko lang ay yung ginamit moko as a sword. Yun lang naaalala ko eh.

Hayy! Ano na kaya ang nangyare?

*blagggg!!

"Maouuuu!!!" Gwuahhh!!! M-Ms. Layne!?

"Ok ka lang ba Maou? Wala bang masakit sayo huh? Huhu pinakaba moko dun kanina ah, bigla ka nalang nahimatay eh." Di. Ako... Maka... Hinga...

"M-Ms. Layne, pwedeng bitawan nyo nako? Ok lang po ako at wala namang masakit sakin eh." Paliwanag ko kay Ms. Layne.

"Whoo! Buti naman Maou, mag ingat ka sa susunod ha? By the way, yung espada na sinummon mo at ginamit. Sabihin mo, spirit mo yun diba?" Tanong saakin ni Ms. Layne.

"Opo, bat nyo po natanong?"

"Ang pangalan ba nang spirit ay Harbringer?" Teka... Paanong alam ni Ms. Layne ang pangalan mo Hikari?

Dunnoh Onii-san, tanong mo kaya.

"Ms. Layne, paano nyo po nalaman na yun ang pangalan nang spirit ko?" Tanong ko sa kanya.

"Well, nung nakita ko palang yung espada at namukhaan ko na ito. Sinabi ito sa isang libro na ang tawag ay The Book of Prophets." Book of Prophets?

"Ano naman yung Book of Prophets na yun?"

"Isa iyong alamat lamang pero, diko aakalaing totoo pala ito. Harbringer The God of Destruction and Hope....."

"Hikari come forth..." Nagulat naman si Ms. Layne nung bigla kong tinawag si Hikari.

"O-onii. Wag mo naman akong basta bastang isummon nang ganun.." Mukhang nagulat ko rin ata tong isa. Hehehe.

"So ito pala ang spirit mo Maou, hmm. Tama nga ang sinabi sa libro na napaka cute mooo!!!!" E-eh!?

"Oniiii!! Huhuhuhu yung pisnge koooo!!" Hinila ko si Hikari papalapit saakin at napahiwalay naman sya kay Ms. Layne. Nagtago naman ito kagad sa likod ko nung nahila ko na ito.

"Awww, gusto ko pang pisilin pisnge ni Hikari ehh." Hehehe.

"Haha, next time nalang po. May gagawin pa kami eh." Nag pout naman ang bruha... Bwahaahahahahha!

"Oh sya sya. Layas na!"

....................... At the library.............
"Book of Prophets.... Book of Prophets.... Gahhh! Asan ba yung librong yun!?"

"Onii chill lang, mahahanap mo rin yun." Grrrr!!

"Hayy ok ok. Maupo nga muna tayo saglit." Sumunod naman saakin si Hikari at naupo rin.

"Neh Hikari, may nalalaman ka ba tungkol sa librong yun?" Tanong ko naman sa kanya. Habang sya, ayan kain lang nang kain.

"Wala po, tsaka kung meron man ay sinabi ko na sana sayo kanina diba?"

"Eh.. May titignan lang ako dun sa section na yun." Tumayo ako pagkatapos kong sabihin yun at pumunta sa kung saan ko tinuro yung daliri ko kanina. Hmm ito pala yung section nang mga Gods. Hmm may mahahanap kaya ako dito na tungkol kay Hikari?

"Hm. Wala naman akong makita dito. Teka, The Prophets Tale?" Bat kaya to naligaw dito? Hm mapakita nga kay Hikari. Kinuha ko yung libro at dinala ito sa inuupuan namin ni Hikari kanina.

"Hikariiiii.. Tignan mo to oh, tungkol ito sa isang tale. The Prophets Tale." Nakita ko namang kumislap na parang mga bituin ang mga mata ni Hikari at parang naexcite sya nung bigla kong sinabi iyon.

Heroes Uprising: A New Era Begins {On Going}Where stories live. Discover now