Chapter 6 :Past

97 12 0
                                    

Jay's Pov

argh bakit siya ganyan I want her back. gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko noon sa kanya.

At sino naman yung mayabang niyang Boyfriend

argh ang laki kong tanga

"uhmm baby may gusto akong sabihin sayo pero pls. wag kang magagalit sakin ha." sabi ko sakanya

"ano ba yun baby at bakit parang hirap na hirap kang sabihin sakin yan ano ba yun? You know you can tell me everything baby" sagot nito paano ko ba ito sabihin ito sakanya "tara dun tayo sa park" wika ko at ngumiti nalang ito

Ngayong iniisip ko yung bagay na sumira samin ako lang yung nasasaktan. Kasalanan ko din naman kasi.

"ano ba yung sasabihin mo sakin baby" tanong nito "uhm wag kang magugulat sa sasabihin ko" sabi ko tumango lng ito

"sawa na ko satin." Pauna ko tumawa ito at nang may bahid ng lungkot sa mukha "wag ka ngang magbiro nang ganyan baby" wika nito na may mga naluluha nang mata damn I wanna hug her right now and tell her this is just a joke pero tinatagan ko na lang yung sarili ko para rin naman ito sa kaniya

"di ako nagbibiro Bella maghiwalay na tayo wala nang napupuntahan yung relasyon natin" "baby naman" nakita kong may umagos na luha sa mukha nito gustong gusto ko na itong punasan at sabihin sa kanyang babalik ako pero mas kailangan ko na gawin ito

walang kwentang sakit

"sorry but were over" sabi ko sabay talikod upang di ko na sya makita ang sakit sakit

baka kung di pa ako aalis dito baka bawiin ko lng lahat ng sinabi ko pero ito lang ang masasabi ko babalik ako pag magaling na ang sakit ko

habang naglalakad ako papuntang parking lot biglang bumuhos ng napakalakas na ulan gusto ko siyang puntahan at bihyan ng jaket at payong ngan pero pinigilan ko ang aking sarili

ang sakit isiping mawawalay ako sa kanya. Ang sakit na hihiwalayan mo yung babaeng nagpapatibok ng puso mo yung buhay mo at syempre yung mahal na mahal mo para sa ikabubuti nagsinungaling pa ko para lang dito.

---------------------------------

Drake's Pov

bakit kaya ganito ang nararamdaman ko tuwing kasama ko si Bella Ang bilis ng tibok ng puso ko na parang nag kakarerahan na lahat ang mga ito nakaka bakla mang dinggin pero totoo.

Sakanya lng tumitibok nang ganito yung puso ko gusto kong mapalapit sakanya pero parang may mali...

Tangina isang buwan pa lang kami magkakakilala amp

-------------------------------

Bella's Pov

Nandito ako ngayon sa tambayan ng mga magto tropa na dinamay na nila kami nina Moeka at Chriz dahil tropa na din daw nila kami

ang ganda talaga dto nakaka relax hay

Habang maaga pa matulog na nga muna ako

Na alimpungatan ako nang may naramdaman akong humahagod sa buhok ko hinarap ko siya at si Drake pala

"Anong ginagawa mo dto?" Tanong ko at napaangat lang siya nang kilay at may nakaka lokong ngiti "ayyy oo ng apala sainyo toh HAHAHA sorry" sabi ko naman sakanya at nagkibit balikat nalamang ito

"Tayo na ihahatid na kita sa room niyo baka malate ka pa" tumango ako at naglakad na kami papuntang room habang naglalakad nakatingin lahat ng mga studyante samin "Psst Drake bakit sila nakatingin satin?" tanong ko "may maganda kasi akong kasama" sabi niya sabay kindat!! Niya sakin hmmp may nalalaman pa siyang kindat kindat dyan ha.

Tinanong ko pa kasi alam ko namang sikat to kasama nung mga kasma niya na alagad din ni Sean hmp

Nang matapat kami sa room namin nagpa alam na ito at pumunta na sya sa kanilang classroom hayst ang bait bait niya sakin feelling ko importante ako para sakanya

Sana siya na lang yung first love ko!!!

Habang nag klaklase naka tunganga lng ako wala ako sa sarili ngayon lutang na lutang ang utak ko kung makikinig ako wala namang pumapasok sa utak ko

"Miss Lee are you listening" sabi nung prof namin "im sorry po" sagot ko na lang "please listen to the discussion" pahabol pa nito

Tinignan ko yung tabi ko kasi bat walang nangungulit sakin ngunit absent pala yung hari.

It's been a month sa isang buwan ang dami kong nagging hater di ko naman sila ina ano pero sabi nung mga iba dahil daw sa pitong itinu turing nilang mga prinsipe

Sinasabi nila na linalandi ko daw sila or whatever di ko na lang sila pinansin kasi hindi naman yung totoo.

Matapos ang klase umuwi na agad ako

Nakahiga ako sa kama ko nang magvibrate ang phone ko tinignan ko ito at may tumatawag pero unknown "Hello? Sino po ito?" Sabi ko "Uhmm-."



to be continued...


----------------------------------------

Sino kaya yung tumawag hmmmm nakakacuriuos naman happy reading guyss ^__^!!!!!




~isab



Before I let you Go (on-going)Where stories live. Discover now