Chapter 1

1.2K 19 1
                                    

Alyssa's POV

Nagising dahil naramdaman ko na tuyong-tuyo ang aking lalamunan. Babangon na sana ako para pumunta sa kusina upang uminom ng tubig ngunit may naramdaman akong may nakayakap sa akin. Nang tingnan ko kung sino ito ay nakita ko si Amy. Kinuha ko ang kamay niya na nakayakap sa akin at inilagay ito sa kanyang tabi. Bumangon na ako para pumunta sa kusina. pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Marge na kumakain ng cereal. 

"Okay ka na?" Tanong niya.

"Huh? Okay lang naman ako, ba't mo naman natanong?" Sagot ko.

"Hindi mo ba naalala ang nangyari kagabi?" tanong ni Amy.

FLASHBACK..

Nakaupo ako sa sala nanonood ng tv ng tabihan ako ni Denden.

"Ly, kailangan nating mag-usap?" Sabi niya. Tumingin ako sa kanya at nakita ko na seryoso ang kanyang mukha. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka seryoso.

"Anong bang pag-uusapan natin?" Tanong ko na nakatingin na ulit sa tv. 

"Uhm, tungkol sa ating dalawa." Nagulat ako ng sinabi niya iyon. May nagawa ba akong masama sa kanya. May nasabi ba ako na hindi niya nagustuhan.

"Bakit? Anong tungkol sa atin?" Tanong ko.

"A-ano kasi, gusto ko na maghiwalay na tayo." Tumingin ako sa kanya ng marinig ko 'yun. Nagulat ako dahil wala naman akong nakikita o nalalamang dahilan kung bakit namin kailangan naming mag-cool off. 

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Putik, may namumuo ng luha sa aking mga mata.

"Kasi, a-ano, nitong mga nakaraang araw nararamdaman ko na yung pagmamahal ko sa'yo ay unti-unti ng nawala. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing magkasama tayo hindi ko nararamdaman yung pagmamahal na tulad ng dati." Paliwanag niya.

"Yun lang? Yun lang ang rason kung bakit gusto mong makipaghiwalay sa akin off sa akin?" Tanong ko habang pinupunasan ang luha na tumulo sa aking mata. Tumingin lang siya sa akin. "Putcha, ang babaw naman ng rason na yan, Den. Pero kung yan ang gusto mo, sige, maghiwalay tayo. Kahit na mahal na mahal kita, ayaw kitang pilitin sa isang relasyon na napagsawaan mo na." Sabi ko at iniwan ko na siya sa sala. Dumiretso ako sa kwarto nina Amy at Marge pagkatapos naming mag-usap ni Denden.

"O, bakit? Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Marge ng pagbuksan niya ako ng pinto. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Kumuha ng tubig si Amy at pina-inom sa akin. "Anong nangyari Alyssa?"

Kinuwento ko sa kanila kung ano ang napag-usapan namin ni Denden. 

"Okay lang yan, Den. Hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal mo. Makakahanap ka rin ng taong mapaglalaanan mo ng iyong pagmamahal." Sabi ni Amy.

"Ang sakit eh. Kahit na tutol ang aking magulang sa aming relasyon ay ipinaglaban ko pa rin siya dahil mahal ko siya, pero hahantong rin pala sa wala nag pagsuway ko sa aking magulang. Akala ko na magiging masaya kami habang buhay pero nagkamali pala ako" Sabi ko, patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha. Hinayaan lang nila akong umiyak. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod at sakit na aking nararamdaman.

End of Flashback..

"Ah, hindi pa, pero pinipilit ko na huwag ng isipin ang bagay na iyon dahil lalo lang akong masasaktan." Sabi ko. Parang masamang panaginip lang ang nangyari kaagabi na gusto ko ng kalimutan. Kahit araw-araw kong makikita si Denden ay pipilitin kung umakto ng normal sa harap ng aming mga ka teammates.

One More TryWhere stories live. Discover now