Chapter 2

949 15 1
                                    

Denden's POV

Sh!t! Anung gagawin ko? Makikita ko si Alyssa mamaya dahil magpa-praktis kami. Alam ko na nasaktan siya sa ginawa ko sa kanya pero para sa kaligtasan niya rin iyon. Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ko iyon nagawa pero sa sasabihin ko rin iyon sa tamang panahon. 

"Hoy Den, okay ka lang? Parang ang lalim ata ng iniisip mo ah?" Tanong ni Ella sa akin.

"Ah, oo, okay lang ako, may iniisip lang kasi ako." Sagot ko.

"Ahhh, bakit hindi mo pala kasama si Alyssa ngayon?" Napansin pala ni Ella na hindi kami magkasama ni Alyssa ngayon. Usually kasi pag patungo kaming praktis ay lagi kaming mgakasama ni Alyssa.

"Ano, may ginagawa pa kasi siya kaya nauna na ako." Palusot ko kay Ella.

"Ah, ganun ba?" 

Tumango lang ako. Narating na rin namin ni Ella ang gym kung saan kami magpa-praktis. Naabutan namin dun ang iba naming kasama, kami na lang pala ni Ella ang kulang.

"Sabi mo may ginawa si Alyssa, kaya nauna ka? Bakit siya pa ang mas nauna sa atin?" Tanong ni Ella na nakataas ang isang kilay.

"Mamaya ko na lang sasagutin yang tanong mi Ella, mukhang tayo na lang ang hinihintay nila para magsimula na ang praktis." Sabi ko kay Ella. Nagmamadali na kaming magbihis dahil mukhanag naiinip na si Coach Tai. Lagi pa naman yung nagagalit pag isa sa amin ang na-late. Ayaw na ayaw  pa naman ni Coach ang may ma-late. Pagkatapos naming magbihis ni Ella ay nagsimula na agad ang aming praktis. Nakakapagod talaga yung practice routine na pinapagawa ni Coach Tai sa amin. Pero sulit din naman ang pagod dahil may natutunan din naman kami. PAgkatapos na praktis namin ay pinaglaro kami ni Coach.

"Okay guys, seniors vs. rookies muna ang laban natin ngayon. Alyssa, since ikaw ang captain, mamili ka kung sino ang gusto mong maging ka-team." Sabi bi Coach.

"Ahm, Ella, Marge, ate Bea, Mae at Denden po."

Anak ng- pinili talaga ako ni Alyssa. Shit, parang wala lang nangyari kagabi ah.

Ang awkward ng feeling na kasama na kabilang ako sa team ni Alyssa, nagtataka ako kung bakit niya ako sa sinali sa team niya at bakit normal ang pakikitungo  niya sa kin. Ini-expext ko kasi na magiging cold siya sa akin dahil sa nangyari kagabi. Pero okay na rin ito kaysa sa ignorahin niya ako.

Pagkatapos ng laro namin ay nilapitan ko si Alyssa.

"H-hi." Sabi ko. Kinakabahan ako kung anong magiging reaksyon niya.

"Oh, ikaw pala Den, bakit anong kailangan mo?" Tanong niya.

"Ah, wala, gusto lang sana kitang kamustahin."  Sagot ko.

"Ahh, yun lang pala, ano, okay lang naman ako pagkatapos ng nangyari kagabi." Sagot niya.

"Ganun ba?"

"Oo, sige mauna na ako, may lalakarin pa kasi kami ni Amy mamaya eh. Paalam." Sabi nya. Saan kaya sila patungo ni Amy.

Alyssa's POV

Nagulat talaga ako nang lapitan ako ni Denden kanina at tinanong ako kung kumusta na ako. Walang-hiya talga ang babaeng iyon, nakuha pa niya akong tanungin kung kumusta ako pagkatapos nang ginawa niya sa akin kagabi. Ang kapal ng mukha. Nagdahilan ako na may lalakarinkami ni Amy kahit wala upang makaiwas sa kanya. Dali-daling kung pinuntahan sina Amy at Marge. Sila lang dalawa ang nakakaalam sa nangyari sa amin ni Denden. 

"Oh, bakit parang naiiyak ka ata?" Tanong ni Marge.

"Ang walang hiyang Denden na yun, nilapitan ako at tinanong ako kung kumusta na ako. Manhid yata ang babaeng iyon. Hindi ba niya alam na masakit para sa akin ang ginawa niya kagabi at may gana pa siyang magtanong sa akin kung kumusta na ako. Ang sarap niyang bugbugin para maranasan din niya ang sakit na nararamdaman ko ngayon." Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko.Pinunasan iyon ni Marge.

"Okay lang 'yan, makakapag-move on ka rin, pero matatagalan nga lang. Pero alam kong kakayanin mo 'yan dahil ang lakas mo kaya. Wala pa akong nalalaman na problema na hindi mo nalalampasan. Nandito lang kami ni Marge para sa'yo." Sabi ni Amy na nakangiti. Masaya ako kahit papaano na nandito silang dalawa para sa akin.

Dumiriso na kaming tatlo sa dorm namin. Pumunta kami sa kwarto nina Marge at Amy.

"Pwede bang dito muna ako?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Oo, pero alam mo Ly, hindi mo naman habang buhay maiiwasan si Denden kaya kung ako sa'yo sasanayin ko na ang aking sarili sa na pareho kami na tinutulugan." Sabi ni Amy.

Mag-roommate kasi kami ni Denden. 

"Alam ko naman yun Amy, pero hindi ko pa talaga kaya na harapin siya ngayon. Nagkunwari lang ako kanina na parang walang nangyari pero sa totoo lang ang sakit-sakit ng naramramdaman ko."

"Okay2, hindi ka na namin kukulitin pero sana balang araw matutunan mo sanang patawarin si Denden." Sabi ni Marge.

Tumango lang ako at humiga na sa kama ni Amy. Iniwan muna nila ako para makapag-isip-isip. 

Den, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa ating relasyon sana hindi na lang naging tayo. Pero masaya na man ako kahit papaano na naging tayo dahil yung mga panahon na naging tayo ay naging masaya ako, napakasaya. Sayang nga lang at humantong pa sa ganito. Pero umaasa pa rin ako na balng araw ay magkakaayos rin tayo.

One More TryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon