Chapter 3

857 16 3
                                    

Alyssa's POV

Kinabukasan, dahil walang praktis ay nagtungo kaming tatlo nina Amy at Marge sa mall. Nag window shoppinh lang kami, wala naman talaga kaming balak ng kuhng anu-ano. Hindi sana nila ako sasamahan pero pinilit ko lang sila.

"Kain muna tayo, gutom na ako eh." Reklamo ni Marge. Ang lakas talagang lumamon ng babaeng ito.

"Sige, gutom na din ako eh, doon na lang tayo sa Mang Inasal kumain para mabubusog talaga tayo." Sabi ni Amy. Pumunta na kami sa Mang Inasal, si Amy na ang nag-order para sa aming tatlo. Hinihintay namin si Amy ng biglang tumunog yung phone ko. Si Ella pala ang tumatawag.

"Oh Ella, ba't ka napatawag?" Sagot ko.

"Ano, si Denden kasi dinala sa hospital."

"Ha? Bakit anong nangyari sa kanya?" Tanong ko kay Ella, kinakabahan ako.

"Bigla na lang kasi siyang hinimatay kanina at saka nagdudugo yung ilong niya." Sabi ni Ella.

"Saang hospital ba siya dinala?" Tanong ko.

"Nandito kami ngayon sa St. Lukes."

"Sige2, pupunta na kami diyan."

"O, sino yun" Tanong ni Marge.

"Si Ella, sinabi niya hinatid daw sa hospitral si Denden kasi hinimatay. Nasa St. Lukes sila ngayon, tara, puntahan natin sila." Sabi ko at tumayo na.

"Sige, ipa-pa take out na lang natin yung order natin." Pinintahan namin si Amy at sinabihan namin na kailngan na naming pumunta sa St. Lukes.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Amy.

"Sa sasakyan ko na lang iki-kwento. Kailangan na nating magmadali." Sabi ko.

Dali-dali kaming pumunta kung saan naka park yung sasakyan ko.

"Oh, ano na?" Tanong ni Amy.

"Si Denden, dinala sa hospital kasi hinimatay daw." Sabi ni Marge.

"Okay lang sa'yu na makita siya Aly?" Tanong ni Amy.

Hindi ako sumagot. Kahit naman na hiwalay na kani ni Denden, hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala para sa kanya. Binilisan ko na lang ang pag-drive. "Hinay-hinay lang Alyssa, baka tayo naman ang ma-hospital nito."  Sabi ni Marge. Hindi ako nakinig at mas lalo ko pang binilisan ang aking pag-dri-drive. Pagkalipas ng 15 minuto ay nakarating rin kami sa St. Lukes. Pumunta kami sa information at nagtanong kung anong room number baka-admit si Denden. 

"Ah, Miss, kalalabas lang nila." Sabi nung babae.

"Ah, ganun po ba." Hindi namin sila naabutan. Okay lang kaya si Denden? Tinawagan ko si Ella at tinanong kugn nasan sila.

"Nasan kayo? Nandito na kami sa hospital pero ang sabi ay kalalabas niyo lang daw." Sabi ko.

"Ah, oo, pabalik na kami ng dorm." Sabi ni Ella.

"Ganun ba? Sige, babalik na rin kami sa dorm." Pinutol ko na aming tawag.

"Nasan na sila?" Tanong ni  Amy.

"Pabalik na daw sila sa dorm." Sagot ko.

"Sige, bumalik na rin tayo sa dorm." Sabi ni Marge. Pumunta na kami sa sasakyan ko at nag-drive na ako pabalik sa dorm namin. Ano kaya ang nangyari at bigla na lang hinimatay si Denden?

Pagdating namin sa dorm ay dumiritso ako sa kwarto namin ni Denden at nakita ko siya na natutulog. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha. Ang putla niya. Lumabas muna ako ng kwarto at pinuntahan si Ella para tanungin kung ano ang nangyari kay Denden. Nakita ko si Ella sa sala na nanood ng tv. Tumabi ako sa kanya.

"Ella, ano ang nangyari kay Denden? Bakit siya hinimatay?" Tanong ko.

"Ang sabi ng doktor na na-overfatigue lang daw si Denden. Pero, huwag kang mag-alala dahil baka sa susunod sa araw ay magaling na siya. Kailangan muna na pagpahingahin muna siya." Paliwanag ni Ella.

"Mabuti naman at ganun, akala ko na kung ano sakit niya." Parang nabunutan ako ng tinik ng marinig ko ang sinabi ni Ella.

"Ah, Alyssa, sinabi pala sa akin ni Denden kagabi kung ano ang nangyari sa inyong dalawa. Hindi ko sana gustong manghimasok, pero alam mo, hindi naman talaga gusto ni Denden yung nangyari. Para sa kaligtasan mo yung ginawa niya. Sana maintindihan mo siya." Nagulat ako ng sinabi iyon ni Ella. Para sa kaligtasan ko? Bakit para sa kaligtasan ko ba na hiwalayan niya ako? Letse naman. Hindi na alng ako sumagot kay Ella at iniwan ko na siya sa sala. Bumalik na ako sa kwarto namin ni Denden upang makapagpahinga. pagdating ko sa kwarto ay nakita ko na gising na si Denden.

"Okay ka na?" Tanong ko habang nagbibihis.

"Ah, oo, okay na ako." Sagot niya.

"Kung may kailangan ka, sbihin mo lang sa akin." Sabi ko.

"Ah, wala, pero salamat." Sagot niya.

"Ahh, sige, matutulog muna ako." Sabi ko na humiga na sa aking kama.

Tumaikod ako sa kanya habang nakahiga ako. Naramdaman ko na lumabas siya ng kwarto. Putcha, hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na huwag ma-alala para sa kanya. Kahit na masakit yung ginawa niya, may parte para rin sa sarili ko na nag-alala para sa kanya kahit hindi na dapat. Sabi nga nila na once you have a feelings for someone, it will always be there, you may not pretend to feel anything anymore but deep inside you still care. Siguro ganun ang nararamdaman ko kay Denden. Kahit na anong gawin ko, palagi pa rin siyang laman ng isip ko. Siguro balang-araw, mawawala rin 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

One More TryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz