Room 109

8 0 0
                                    

Unang araw ng pasukan. Maraming mag-aaral ang nakakasabay at nakakasalubong ko. Mga magkakaibigan na nagtsi-tsismisan, mga naglalarong basketball, mayro'n ring nagbabasa ng libro, nag-a-advance reading ata.

Tiningnan ko ang room number sa taas ng pintuan. Rm 1-09. Tama nga, ito nga ang unang silid na dapat kong pasukan. Pagpasok ko, iilan lang ang naka-uniporme. Siguro ang iba sa kanila ay transferees.

Maaga pa kaya umupo muna ako sa gilid. Lilipat na lang ako mamaya. Nag-facebook na muna ako at nag-status ng "First day of school". Itong school year na 'to ay ibang-iba sa dati.

"Hi, miss. Ako pala si Azi. Transferee ka ba dito?" Nagulat ako sa kanyang presensya. Nahihiyang nginitian ko siya.

"Ikaw, anong pangalan mo?" Muli ko siyang nginitian. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Time na pala.

Hinarap ko ang lalaking nagngangalang Azi. "Azi, may mga papasok pa ba?"

"Mukhang wala na. Bakit?" Masayang sagot niya.

"Wala naman," ngumiti ako. Hiyang-hiya na ako.

"Professor na ata ang kulang," sambit niya. Tumingin siya sa labas na para bang inaasahang dumating na ang professor.

"Ganoon ba?" Nahihiya ako pero ito na, ito na talaga.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. At pumunta sa harap.

"Okay, class. Prepare your class cards."

--

Dagli ni Keh

Keh'sWhere stories live. Discover now