Mahal, kapit lang
Ni: Jean WeismannMahal, kapit lang
Magiging maayos rin ang lahat
Hawak-kamay nating aabutin ang ninanais nating kapayapaan para sa lahatMahal, kapit lang
Sinira nila ang meron tayo
Magbabayad rin ang nagdulot ng gulong ito
Matatapos rin ito.Umaasa pa rin ako
Na sana
Tuluyan nang matapos ito
Na sana
Magkaroon ng konsensya ang lahat ng taong sinaktan ka't ginagoPilipinas kong mahal, kapit lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/115830201-288-k436fb8.jpg)