Jihoon.46

727 29 7
                                    

°°

" Jihoon? " parang gulat na gulat na tanong nya . So for real na to? si Jihoon na ako ulit ? hindi na ako si bebeboi?

"Seohyeo anak mo pala yan si Soonyoung. " tanong ni eomma sa kaibigan nya.

" Oo nag iisa lang yan ey napaka pasaway pa. mag kakilala sila ng anak mo? " Tanong din ng kaibigan ni eomma. Edi kinabahan naman ako sa isasagot ni eomma kasi alam nyang nililigawan ako ng walang mata na yan ey.

" Diba Uji Classmate mo si Soonyoung ? " tanong sakin ni eomma.

" Po? Ah... Opo opo classmate ko po  " parang tangang sagot ko tapos nakatingin lang sakin si soonyoung. Oo nga pala ayaw sa kanya ni Eomma.

-

Umupo na kame kasi mag uumpisa na yung misa. Yung sa inupuan nila eomma tsaka eomma ni Soonyoung dalawa nalang kulang kaya sa likod nila kame umupo ni Soonyoung.

Ayun sobrang tahimik lang namin nung nag sesermon ang pari . Nakakainis nga ey. Tungkol sa pag papatawad yung sinasabi nya. Na hindi daw porket nag sinungaling sayo o niliko ka masamang tao na , lahat daw kasi ng bagay na ginagawa natin sa mundo may rason. Hindi ka naman gagawa ng makakasakit sa kapwa mo kung wala kang rason. Ang kailangan lang nila ay pag unawa. Tsaka dapat daw hinahayaan muna natin mag paliwag bago tayo magalit ng lubusan. (pero jowk lang gawa gawa ko lang yan 😂😅)

tapos ito na yung pinaka ikinaka-kaba ko ang AMA NAMIN.  yung sa kabilang side ko lalaking hindi ko kilala hahawakan nya sana yung kamay ko kaso hinila ako ni Soonyoung at nakipag palit sya sakin ng pwesto dun sya sa pinaka dulo ey tapos katabi ko sya . Ayun nga nag palit kame kasi? ewan ko dyan . Tapos hinawakan nya ung kamay ko.

. " Namiss kong hawakan tong maganda mong kamay " sabi nya pero hindi ako sumagot. Para nanaman akong nababato sa kinatatayuan ko.

Dear Lord, patigilin mo muna po yung oras kahit ngayon lang . Huehue namiss ko din to ey.

Pagkatapos Mag Ama Namin hindi nya padin binibitawan yung kamay ko. Hinalikan nya pa nga ey kaya ako na mismo nag kuha. Napaka landi kasi netong walang mata na to ey. Kala mo walang kasalanan ey, pero bakit ganun? sobrang galit na galit dapat ako sa kanya tapos isang hawak nya lang sa kamay ko okey na ako? parang nawala lahat ng sakit na pinadama nya sakin.

--

Nakauwi kame ni Eomma 11am na yata yun tapos nag luto sya for lunch. Ayun ako naman binubuksan ko ung mga regalo sakin nila kwan. Tapos nakikiepal si Hyung Nung may nag doorbeLl.

" Uji buksan mo yung gate " sabi ni hyung.

" ayako nga napapagod nga ako ey. " sagot ko.

" Sige na ang tamad nito " sabi nya.

" ikaw nga nakahilata ka lang dyan ey " sagot ko.

" wala kang pake hyung moko ey " sabi nya.

" Ano ? bubuksan nyo ba ung gate o hindi ko kayo papakain " sigaw ni eomma samin pero parang walang narinig si hyung kaya ako nalang nag bukas.

" Tita Seohyeo ? ano pong ginagawa nyo dito? " oo yung eomma ni soonyoung kasama sya tsaka yung Appa nya yata yun kasi kamuka nya din, mas kamuka nya.

" ininviet kame ni tita jikyun na dito mag lunch . " sabi ni soonyoung tapos pinapasok ko sila .

Ayun mag bestfriend pala si Eomma tsaka yung mama ni walang mata tapos si Appa tsaka yung appa nya.

."  oh bayaw long time no see " sabi ni hyung sakanya.

" oo nga bayaw ey  , galit kasi sakin si misis " sabi nya kaya nabatukan ko sya.

" hoy walang mata hindi pa kita bati kaya wag kang feeling close ha. misis mo mukha mo. " sabi ko sakanya tapos si hyung tawa ng tawa.

" galit padin sya sakin bayaw " pag papaawa ni walang mata.

" bayaan mo yan bayaw pavirgin yan ey " sahi ni hyung .

" gague virgin naman talaga ey. " sabi ko tapos binato ko sakanila yung regalo ni jun hindi ko pa yun nabbuksan pero parang mabigat sya kaya binato ko sa kanila.

" tara bayaw may papakita ako sayo " sabi ni hyung tapos kinaladkad nya si hoshi paakyat dun sa kwarto nya.

Nag uusap sila eomma pero hindi ko naman alam ung pinapag usapan nila kaya aakyat nalang ako sa kwarto ko. Pero parang may tao sa loob .

Kaya dali dali kong binuksan tapos nandun sila hyung tapos hawak hawak na ni hoshi ung regalo ko sakanya.

" ang torpe mo kase kaya ako na nag bigay " sabi ni hyung Tapos kinalad kad ko sila palabas ng kwarto ko, tyangala kasi napaka pakielamero kahit kalan hayts!



---------💮💮💮----------

Sabi Ko Na Nga Ba (SOONHOON ff)Where stories live. Discover now