Chapter 3 ★ Textmate

4.5K 75 1
                                    

Kath's POV


Itext ko ba? Alam nyo bang 12 na ng hating gabi? Pero di ko padin alam kung anong gagawin ko! Oo alam ko, itext ko pero anong sasabihin ko diba?! Hindi ko alam kung paanong approach! Eh kung casual na dating kaya? Hmmm, paano? Ah, alam ko na! Pero hindi... wag yun!


Hanggang sa inantok nako. Kailangan ko ng itext. Paano kung magpalit siya ng number? Hindi ko man lang siya tinext pag nagkataon, e.


(To: Daniel John

Hi DJ! Si Kathryn 'to. Thank you sa pagsave ng number ha? :3)

Sent.


Okay na, ready na akong matulog. Tinabi ko na yung phone ko nang biglang...


*teneeeeeen*


(From: Daniel John

Hi Kathryn. Iniintay ko talaga yung text mo. Akala ko kasi hindi mo makikita sa phonebook. By the way, kindly accept my fb request? Hehe. And I'm going to study tomorrow. Shhh, don't tell anyone. Goodnight Kathryn Bernardo!)


Seriously? Ang haba nung message nya! Wala na akong chill sa katawan pero kailangan ko na talagang matulog. Magrereply pa sana ako pero napapikit ako.


**


Hayyyy. Unat ng mga braso at hikab muna bago bumangon, kasi naman nanaginip na naman ako about him. Oo nga pala, 11 pa ang klase ko. Kaya nasa bahay pa ako tapos nakaalis na si Ate Keith at Charles.


By the way, may kuya din ako! Si Kuya Carlos. Wala pa siya sa Pinas, at hindi ko alam kung kelan siya uuwi. Last time kasi sabi niya surprise ang paguwi niya, ewan ko ngayon.


"Chandria, aalis muna ako. Lock mo nalang ang pinto." Bilin ni Mama sakin.


Habang tulala ako paglabas ni mama, naalala ko na nagtext si DJ kagabi. Ay jusko! Ang tanga tanga ko! Idol ko yung nagtext, di ko pa nareplyan! Tsaka sinabihan pa ako ng sikreto. Shemay! Ang tanga diba.


-4 New Messages-


4 agad agad? Unang pumasok sa isip ko ay baka tinadtad ako ni DJ dahil hindi ako nagreply. Kakilig naman! Parang ang imposible nito eh, ano?


(From: Miles

Asan ka na gurl? You need to go here! Sigurado akong matutuwa ka! Ayyyyy!)


Matutuwa ba't naman? Nandun ba si Daniel? Pinaglololoko na naman ako nitong mga 'to, ayoko pang umalis sa bahay. Aga aga pa eh, ayoko pang pumasok sa school 'no.


(From: Julia

Kaaaaaaaath! Pumasok ka na ngayon na! You need to! Alam kong matutuwa ka!)


Pareho ang laman ng texts nila ah? Ano bang meron sa school? May fest? Baka naman pinagti-tripan ako nitong mga 'to. Jusko!

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Where stories live. Discover now