Chapter 28 ★ 24/7 Texting

1.8K 32 1
                                    

Enrique's POV




"Beb, nakikinig ka ba?" Tanong ko kay Kathryn na kanina pa text ng text. Hindi na yata ako pinapakinggan sa kakatext niya.




Kukunin na namin yung susuotin niya sa party bukas at nandito kami sa kotse ko. Nagkekwento ako sa kanya pero hindi naman siya nakikinig.




"Ay. Sorry. Ano nga ulit yun?" Sabi niya pero nakatingin padin siya sa cellphone nya at nagtetext.




"Sino bang katext mo? Kanina pa 'yan ah..." Sabi ko nalang. Nakakapangal na kasi, ilang beses na rin kaming ganito.




Noong monday, she's nowhere to be found at laging busy ang phone pag tinatawagan. Noong tuesday, pinuntahan ko siya sa bahay nila pagkatapos ng mga klase ko pero umalis daw siya. At magkasama man kami kahapon, hindi ko siya makausap kasi nagtetext lang siya.




Same thing today. Nakakainis man, hinahabaan ko nalang ang pasensya ko. No choice eh. Hindi siya sumagot sa tanong ko dahil biglang tumawag sa phone niya.




Sino ba 'yan?




"Uh, Hello? Maya ka na tumawag. Kukunin ko pa yung... Oo. Sige. Mamaya? Sure. Dun ulit? Okay okay. Bye." Binaba nya yung phone nya at nilagay na sa bag niya, ang laki ng ngiti niya.




"Sino 'yun, beb?" Tanong ko sa kanya.




"Ah, wala. Childhood friend ko."




Laging sagot nya yung wala. Nakakapikon na nga minsan pero kailangan ko nga kasing maging pasensyoso. Maya maya pa dumating na kami sa lugar kung saan namin kukunin yung isusuot niya sa party.




Tahimik lang ako noong kinukuha niya at nang makabalik kami sa kotse, kinuha na niya ulit ang cellphone niya at nagsimula na namang magtext. Hindi ko rin naman siya masisisi kasi ako ang nagvolunteer na samahan ko siya.




Okay lang.

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Where stories live. Discover now