Chapter 22 ★ Beb, Interview

2.4K 46 0
                                    

Enrique's POV




Obviously, I'm happy about everything. About me and Kath being together again, and even about our fake relationship. It's not that good, but this is so much better than looking at them from afar. Diba?




Today is Friday, I don't have classes. Pati si Kathryn, wala rin. Papunta ako ngayon sa bahay ni Kathryn. Wala lang, wala akong makausap dito sa unit ko. Nasanay na rin siya na ganito ako lagi, gusto ko kasi siyang kasama. Sino ba namang hindi?




We had an up-all-night call last night, umabot kami ng ala-una. Hindi ko alam kung gising na 'yun ngayon. After minutes, nakarating na ako sa bahay ni Kath. Sumalubong sakin si Charles.




"Kuya Quen!" Bati pa nya.




"Wala kang pasok?"




"Mamaya pa. Pasok ka, si Ate Kath kasi tulog pa." Tanghali paring gumising, di parin nagbabago. Pagpasok ko, nandun si Tita Min na naghahanda ng almusal.




"Nakuuu, si Chandria ba? Tulog pa, baka nagpuyat na naman kagabi." Gusto ko sanang sabihin na kasalanan ko pero wag na lang. May mga bagay na dapat sarilinin nalang diba?




"Intayin ko nalang po."




Nanonood ako ng TV kasama si Charles nang biglang dumating si Ate Keith. "OMG! You're here! We missed you, Enrique!" Bati niya sakin.




'Yang si Ate Keith, sobrang favorite ako. Ewan ko nga kung bakit eh, basta favorite niya ako para kay Kathryn. Lagi nyang ginagawan ng paraan lahat ng tungkol saming dalawa ni Kath. Noon palang ganun na siya, hindi pa rin nagbabago.




"So, you and Chandria? Kayo na ulit?" I smiled for a yes. "Sabi ko na nga ba eh, kayo talaga hanggang huli!" Napangiti naman ako sa sinabi ni Ate Keith. Kung alam mo lang, Ate.




"Kayo na ulit?" Biglang dumating si Kuya Carlos na medyo bad vibes.




"Ah, opo." Sabi ko lang. Boy bestfriend 'yan ni Kath pero dati naman hindi siya ganyan sakin, ngayon ang cold na. Siguro nakwento ni Kath yung tungkol dun sa past namin. Pero past is past nga diba? Kung meron mang dapat pagtuunan ng pansin, itong present dapat.

Fangirl's Dream (KathNiel Fanfic)Where stories live. Discover now