4: Encounter

2.9K 101 2
                                    

*Margo Point Of View*

What kind of party this? Hindi man lang binunggahan. Dapat pala hindi na ako sumama dito sa cheap na party ‘to.

“Hoi Margo ano naman ang kaartehan ‘yan” wow ang galing naman makahalata ni Claris. Nahalata yata ako ng bruha na naiinip na ako at naboboring.

“Wala kang pake dun” inirapan ko lang siya at tinuon sa iba ang pansin ko.

“Comfort Room muna ako girls” wala akong pake kung saan ka pupunta kaya free go! Ganyan ko mahalin ang mga kaibigan ko kaya walang basagan ng trip.

Teka akala ko si Gail lang ang pupunta ng Comfort Room bakit yung dalawa nawala sa tabi ko.

“Party! Party! Sige lang magsaya tayong l--” PUTANG INA! gagong lalaking ‘to dahil sa kakulitan niya natapunan ng iniinom niya ang damit ko. My god ang damit ko na sobrang mahal.

“HOY GAGO! BULAG KABA? O SADYANG NAGBUBULAG BULAGAN KA PARA PANSININ KITA PERO SORRY DAHIL HINDI KITA TYPE!!!” dahil sa inis ko hindi ko na napigilan ang bunganga ko kakadaldal.

“Sorry miss pero hindi ko sinasadya ang nangyari” bait baitan pa siya pero alam ko demonyo rin ang ugali ng isang ‘to.

“ISAKSAK MO ANG SORRY MO SA BAGA MO!!!” kahit saamin na ang atensyon ng mga ni Klea hindi pa rin ako titigil dahil nadumihan niya ang damit ko.

“TEKA LANG NAG SORRY NA NGA AKO PERO HINDI KA PARIN NAKUNTENTO. ANO BA ANG PINAGLALABAN MO?!” see mukha siyang dragon kung magalit may tintago palang masamang ugali ang isang ‘to.

“Anong nangyari dito?!” lumingon kami pareho sa likod kung saan galing ang boses at laking gulat ko ng makita ko si Klea na kunot ang noo.

*Gail Point Of View*

Nagmamadali akong bumalik sa mesa namin dahil may narinig ako tungkol kay Margo. Narinig ko sa dalawang babae na nasa comfort room na may nag aaway daw kaya dali dali akong tumakbo palabas ng comfort room dahil paniguradong ako na si Margo ‘yun.

*BLOGSH

Aray ko ang sakit ng pwet ko! Lokong ‘to ah! Mukhang mapapaaway ako ngayon dahil sa walang hiyang ‘to.

“BABAE HUWAG KANG TUMAKBO SA HALLWAY PARA HINDI KA MABUNGO!” grabe siya na nga ‘to ang nakasakit siya pa ang galit. Gwapo nga siya pero ubod ng sama.

“SORRY AH NAGMAMADALI AKO EH?!” akala niya magpapatalo ako sa kanya.

“MADALI KA LANG PALA KAUSAP EH” sabi niya at lumakad na palayo saakin.

“HOY IMPAKTO MAGKIKITA ULIT TAYO?!” pahabol ka sa lalaking walang manners. Dapat nga siya yung nag sorry dahil ako ‘tong natumba. Kanina pa ako dito nakatayo ang mabuti pang balikan ko si Margo.

Pagdating ko sa mesa kung saan namin iniwan si Margo, gulat na gulat ako dahil nakita ko si Margo at Klea na nagsasambunutan.

Pumunta lang ang babaeng ‘yan para saktan si Klea

Akala mo kung sinong maganda

“True mga girl. Punta punta wala naman magawang maganda

Uminit ang ulo ko dahil sa narinig ko sa mga bisita ni Klea at dahil sa nakikita ko ang kaibigan kung nakipag away.

Wala ako sa sarili ng lapitan ko si Klea at malakas na tinulak para huminto sila sa pagsasambunutan.

Napuno ng bulungan ang buong venue dahil sinaktan namin ang may birthday. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana hindi na kami pumunta dito.

“Nagkamali kami na pumunta pa dito Klea” sabi ko habang nakatingin kay Klea na hanggang ngayon nakaupo parin sa sahig.

“Si Margo ang may kasalanan ng lahat gusto niya sirain ang birthday party. Gumawa siya ng malaking gulo” nakita ko kung paano naghabulan ang mga luha ni Klea.

“Anong nangyari?” tanong ng lalaki na kakarating lamang at may kasamang dalawang kasama. Inalalayan niyang tumayo si Klea.

“Ginugulo ng babaeng ‘yan ang birthday party ko kuya Philip” tinuro ni Klea si Margo kaya tumingin kay Margo yung tinutukoy ni Klea na Philip.

I'm so shock ng lapitan ng lalaking pangalan Philip si Margo at hinawakan mahigpit sa braso na parang galit na galit.

Pero nakita na lang namin yung Philip na natumba sa sahig dahil sinipa siya ni---

To the rescue talaga si Claris kapag natatalo kami. Lahat ng atensyon ng tao ay na kay Claris.

“Sino ka para sipain ako?” tanong ni Philip ng makatayo na siya at hawak ang pisngi na sinipa ni Claris.

“At sino ka para saktan ang kaibigan ko?” pagbabalik ng tanong ni Claris. Tahimik lang kaming tatlo nila Nam at Margo habang nakatingin lang sa dalawa.

“Claris umalis na tayo dito” pagaisingit ni Margo at tumango tango lang si Claris.

“Sige magpagaling ka dahil sa susunod na magkikita tayo may second round pa” nakangising sabi ni Claris bago kami umalis at umuwi ng bahay.

Away lang ang nakuha namin dahil sa birthday party ni Klea. Kung hindi lang dumating si Claris ako sana ang sisipa sa lalaking ‘yun o baka naman ipagtanggol ni Margo ang sarili niya.

AMAZONA vs GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon