17: The Children

2.2K 72 2
                                    


*Tazel Point Of View*

Naghahanda na kami para sa gaganapin na feeding program. Na una ng pumunta sila Claris at Philip sa San Miguel Elementary School kasama nila sina Margo at Andrei kaya kami nila Nam, Taicon, Ako at Gail. May mga inaasikaso pa kasi kami tapos si Nam nagpapahinga pa.

“Tara na ayos na yata ang lahat” pagyaya ni Gail habang dala dala niya ang mga school supply na ipapamigay.

“Sige una kana tatawagin ko lang si Nam at Taicon” sabi ko at pumasok ako sa loob ng bahay.

“Aalis na ba tayo” salubong ni Nam saakin ng makapasok ako sa loob ng bahay.

“Ah oo para makatapos agad tayo at makauwi ng maaga” sabi ko. Tumayo na si Nam tapos si Taicon naman kakalabas lang galing sa CR.

Maayos na maglakad si Nam kaya mabilis kami nakadating sa San Miguel Elementary School. Pagdating namin sinalubong kami ng apat at tinulungan sa mga dala.

“5 minutes na lang magsisimula na ang tayo” sabi ni Margo habang naglalakad papunta sa loob ng school.

Sumunod lang kami sa apat hanggang sa makarating kami sa may likod ng school at nagulat ako dahil nadatnan ko na maraming bata.

“Hello po mga ate at mga kuya” bati nilang lahat a kumakaway kaway pa.

“Hello din sainyo mga bata” bati ni Gail sa mga bata at ang ngiti ni Gail wagas “Ako si Ate Gail, ito naman si Ate Naman, Ate Margo, Ate Claris, Kuya Philip, Kuya Tazel, Kuya Taicon at Kuya Andrei” isa isa kami pinakilala ni Gail sa mga bata. Ngumiti lang kami sa mga bata habang pinapakilala kami ni Gail.

“Ang ganda po niyo mga ate at ang gwapo naman nila kuya” sabi ng bata sa unahan. Kaya ‘yung mga mokong nakangiti na sabihan lang gwapo.

“May hinanda kami games dapat lahat makisali” pagsisingit ni Claris at may nilabas na dalawang sako sa dala niya eco bag.

Hinati ni Claris ang mga bata sa dalawang grupo. Bago niya ibigay ‘yung sako sa magkabilang grupo.

“Selfie!” bigla na lang kami nagsilapit kay Margo “Isa pa!” ngumiti ako para hindi ako panget tingnan sa picture.

“Okay magsisimula na tayo...1...2...3...go!” mabilis ang mga bata tumakbo habang may sako silang hanggang sa bewang.

Nahagip ng mata ko si Gail na tuwang tuwa. Hindi ko paliwanag kung bakit bigla na lang mabilis ang pagtibok ng puso ko habang pinagmamasdan si Gail. Parang slow motion ang pagtawa niya!

“Kung ice cream ‘yan kanina pa tunaw ‘yan” hindi ko napansin  nakatitig na ako kay Gail kung hindi pala nagsalita ‘yung tao sa likod hindi pa ako babalik sa katawang lupa.

Paglingon ko sa likod si Taicon ang bumungad saakin habang ngiti ngiti!

“Anong nginigiti mo dyan?” tanong ko sa kanya dahil na realize ko na parang ako ang dahil kung bakit ngiti ngiti ang mokong na ‘to.

“Pare may gusto kaba kay Gail?” imbis na sagutin niya ‘yung tanong hindi niya sinagot dahil nagtanong rin siya.

Ang tanong na ‘yun ang nagpahinto ng mga oras! Bakit para natigilan ako ng marinig ko ang tanong na ‘yun...

“Hi-hindi” nauutal kong sabi.

“Hahahaha...mukhang kang timang! Tinatanong lang naman kita bakit parang natatakot kang mag sagot” sabi ni Taicon habang tawa tawa at nakahawak pa talaga sa tiyan niya.

*Batok* “Tumigil ka nga! May iniisip lang kasi ako” pagpapalusot ko... Sana maniwala siya.

“Bakit ka nagbabatok? Nagbibiro lang naman ako” tumigil na siya sa pagtawa dahil naka pout na siya.

Pinagmasdan lang namin ni Taicon ‘yung mga bata habang naglalaro. Makikita sa mukha ng mga bata ang saya. Kinuha ko ‘yung phone ko sa bulsa ng pants ko at kinuhaan ng litrato ang mga bata.

AMAZONA vs GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon