"Mahal Kita, Mahal Mo Siya"

3.1K 48 6
                                    


Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Laging ikaw ang s'yang sigaw nitong puso
Kahit anong dahilan ang gagawin ko
Puso't isip ko'y hindi ko kontrolado.

Siguro nga dahil mahal pa rin kita
Di ko lang maipahitawig sa t'wina
Dahil ang puso mo'y nabihag na
Alam kong maligaya ka sa piling nya.

Pilit man kitang limutin
Ikaw pa rin ang pintig ng damdamin
Tanging ikaw lamang ang iibigin
Kahit mali sa kanilang paningin.

Puso ko ba'y wala ng pag-asa?
Mamahalin kita higit pa sa pagmamahal nya
Hangad ko ang paligayahin ka
Sa bawat oras hanggang sa ating pagtanda.

Mga huni ng ibo'y iyong pakinggan
Hiyaw nila'y iyong pahalagahan
Puso ko ma'y minsang nasaktan
Mga ala-ala nati'y nakasulat sa kalawakan.

Hay........
Mahal kita, ngunit mahal mo sya
Di na pedeng tayong dalawa
Alam kong di ka bibitaw sa mga yakap nya
Kaya puso ko'y magpaubaya't palayain ka na.

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoWhere stories live. Discover now