"Kanlungan"

532 6 2
                                    


Sa gabing biglang bumuhos ang ulan
Hanap mo'y kamalig na pwedeng masilungan
Ngunit ika'y napadpad sa aking kanlungan
Galak sa 'king puso'y di mapigilan.

Ramdam ko ang lungkot sa 'yong mga mata
Alam kong puso mo'y gusto ng lumaya
Ngunit tila galit sayo ang tadhana
Kaya't sarili mo'y nabalot ng pagdurusa.

Handa akong ika'y pagsilbihan
Dalhin sa paraisong di mo pa napuntahan
Alay ko'y mga alaalang 'di mo malilimutan
Pagkat tibok ng puso ko'y ikaw lamang.

Isang umaga sa 'yong paggising
Di ko napigilang ika'y hindi yakapin
Nais na haplosin ang sugat sa 'yong damdamin
Puso't isipan ko'y handa kang kanlungin.

Magmahalan ang ating sumpaan
Anomang bagyo't sakuna ay dapat labanan
Ito'y pagsubok na kailangan nating lagpasan
Kanlunga'y panatilihing matibay sa gitna ng laban.

Mahal kita! Oh! Giliw ko
Lahat ay kayang gawin para sa'yo
Pangakong hinding-hindi ako susuko
Mamahalin kita aabutin man tayo ng ilang siglo.

Sa ating kanlungan na tanging pag-ibig ang umiiral
Puso'y pakiingatan na para bang kristal
Ito'y simbolo ng aking tunay na pagmamahal
H'wag sana tayong paghiwalayin ng Poong Maykapal.

-April 4, 2019   3:24PM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoWhere stories live. Discover now