Chapter 17

808 17 0
                                    

Parang mga musang ang tunog ng mga hiyaw ng mga aswang na sumusunod sa dalawa. Napakabilis nila. Mga nasa halos sampung aswang ang humahabol kina Joaquin at Princess.

Princess: Bilisan mo!

     Masyadong mabilis si Princess para kay Joaquin pero pinipilit pa rin ng binata na pantayan ang asawa.

     Hanggang sa narating nila ang lugar kung saan nakaparada ang kotse ng binata.

     Pero huli na ang lahat. Pinalibutan na ng mahigit kumulang 20 taga-nayon ang sasakyan.

Princess: Hayaan niyo nang makaalis ang bisita ko!

     Pakiusap niya habang dahan-dahan silang lumalapit sa pintuan ng kotse.

     Hindi naman masaktan-saktan ng mga taga-nayon ang dayo dahil sa hawak-hawak siya ni Princess. Kaya wala silang magagawa kundi ang umatras at magbigay daan.

Kanor: Alam mong kaya ka naming saktan Princess oras na magbigay ng hudyat ang 'yong ina sa amin.

     Pero walang pakialam ang babae sa babalang ibinigay sa kanya. Patuloy niya pa ring inaaalalayan si Joaquin papasok ng sasakyan.

     Nang biglang dumating si Lordes at sinamahan ang mga nagkukumpulang mga taga-nayon.

Lordes: Princess anak! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!

Princess: Nililigtas ang lalaking pinakamamahal ko!

Lordes: Nahihibang ka na ba? Kailan man ay hindi ka pwedeng umibig sa isang mortal! Isa lamang silang hamak na mga pagkain at panglaman-tiyan sa ating mga aswang!

     Habang nag-uusap ang mag-ina ay dahan-dahan namang binubuksan ng binata ang makina ng kotse.

     Nang nagstart ito ay mas lalong bumangis ang mga gutom at uhaw na mga taga-nayon. Tumutulo na ang kanilang mga laway habang tinitingnang papaalis na ang kanilang espesyal na hapunan sana.

Lordes: Alam mong malimit lamang tayong nakakakain ng tao! Kung ayaw mo talaga siyang isuko, puwes wala na akong magagawa pa!

     Tinalikuran ni Lordes ang anak at saka may sinabi kay Kardo gamit ang mahinang boses.

Lordes: Kayo na ang bahala sa kanya. Saktan niyo kung kinakailangan pero huwag niyo siyang papatayin.

     Tumango lamang ang matanda sa sinabi sa kanya. Alam na rin ni Princess na binigyan na ng kanyang ina ng hudyat ang mga taga-nayon kaya siya mismo ay tuluyan nang naging aswang na rin.

     Raaaaaaar!


Matakot Ka! ( Book 4 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon