Chapter 20

860 17 1
                                    

Matagumpay na nakapasok sa loob  ng nayon muli si Joaquin. Pero sa halip na sa mismong daraanan siya dumaan ay umikot siya at pinasok ang masukal na gubat. Hindi niya ininda ang mga matutulis na sanga, mga kagat ng iba't ibang insekto at madilim na paligid. Bumalik siya sa bahay nina Princess hanggang sa narating niya ang likuran.

     Sumilip siya sa loob at nakita niya ang asawa niya sa sarili nitong kwarto. Nakahiga. Umiiyak.  Nang marahan niya itong tinawag. 

Joaquin: Princess. Princess. Princess....

     Narinig naman siya ng asawa kinalaunan. Tumayo si Princess at nilapitan ang bintana kung saan nakadungaw ang kanyang kabiyak. 

Princess: Anong ginagawa mo rito?

     Bulong niya.

Princess: Kaya nga kita pinatakas, hindi ba? Gusto kong makauwi ka sa inyo ng buhay. Hindi mo ba naiintindihan 'yon?

Joaquin: Mahal, mahal makinig ka muna sa akin. Hindi ko kayang iwan ka. Nais kong bumalik sa Maynila na kasama.

Princess: May pinag-aralan ka ba Joaquin o wala? O sadyang bobo ka lang? Aswang ako Joaquin, aswang at mananatili akong aswang hanggang pagtanda ko. 

Joaquin: Hindi, hindi, hindi mahal ko. Hihingi tayo ng tulong. Sa simbahan. Hihingi tayo ng tulong mahal ko sa mga alagad ng Diyos. Mahal. Please...sumama ka na sa akin.

     Nang biglang naghari ang katahimikan. 

     May paparating na mga yapak sa kwarto ni Princess. 

Lordes: Princess anak... kumain ka muna...

     Pero wala na siyang Princess na nakita. Bumagsak ang pagkain at inumin na kanyang dala-dala.

Lordes: Kardo! Kardo!

Kardo: Bakit?! Anong nangyari?!

Lordes: Si Princess nawawala! Hanapin niyo siya! Hindi pa nakakalayo 'yun! Bilis!

     Agad na lumabas si Kardo at nag-anunsyo sa lahat.

Kardo: Si Princess nawawala! Halughugin ang buong nayon!

     Ang lahat ay nagsisipag bagong anyo.

     Aaaaaaawwwwwwwwwwooooooooooooo............!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

     Rinig na rinig sa buong lupain ng Baryo Dakong Bato ang atungol ng mga aswang habang maliwanag at bilog ang buwan.

     Wala namang tigil sa kakatakbo sina Princess at Joaquin sa masukal na gubat pabalik sa sasakyan ng lalaki hanggang sa narating na nga nila ito.

Joaquin:  Sakay, bilis!

     Agad na sumakay si Princess at agad na pinaandar ni Joaquin ang kotse....

     ....nang biglang lumapag ang isang aswang sa kanilang harapan.

Princess: Ahhh! Joaquin.

     Buong tapang na lumabas si Joaquin at binaril ang nilalang na agad namang bumagsak sa lupa. Agad-agad na pinatakbo ni Joaquin ang kotse. Dire-diretso ang kanyang drive hindi alintana ang malubak-lubak na daan. Mahigpit na nakakapit sa kanyang upuan si Princess dahil parang mawawasak na ang kanilang sinasakyan sa sobrang pag-uga nito dahil sa hindi kagandahang kalsada. 

     Nang sa kalagitnaan ng kanilang pagtakas ay bumigay na nga ang isa sa mga gulong.

Princess: Ahh...! Anong nangyari mahal ko?

Joaquin: Kailangan na nating tumakbo mahal ko. Bilis!

     Nang sa kanilang paglabas ay tumambad sa kanila ang mahigit kumulang limampung aswang na patuloy pa rin pa lang humahabol sa kanila. 

Princess: Takbo!

     Binigay na ng dalawa ang buong lakas nila makatakas lang sa mga gutom at uhaw na mga mamamayan ng Baryo Dakong Bato. 

     Pero....

     ....naabutan pa rin sila. 

     Kaya agad na ginamit ni Joaquin ang kanyang huling alas. Gamit ang buntot ng pagi, baril at binasbasang tubig ng simbahan ay nakipagtunggalian siya sa mga kampon ng kadiliman. Habang ang asawa naman niya ay nagpalit anyo at kinalaban ang sariling lahi niya. 

     Pero masyadong marami ang mga taganayon para sa kanilang dalawa.

***********************************************************************************************

     Sa parehong gabi ay nagsipaghanda ang lahat para sa malaking salo-salong mangyayari. Sa gitna ng kanilang nayon ay isang mahabang mesa ang kanilang inilagay. Lahat ay abala, kita sa mukha ng bawat isa na napakasaya nila at hindi na sila makapaghintay pa sa mangyayari.  Nang biglang dumating si Lordes na magarbo rin ang kasuotan.

Lordes: Magandang gabi sa inyong lahat. Ako'y lubos na nagagalak at tayo ay muling nagtipon-tipon para sa isang malaking salo-salo. Medyo matagal-tagal na rin nang tayo ay huling naggunita ng ganitong selebrasyon. Lahat ay tumulong, lahat ay ginawa ang kanilang papel upang ito'y matuloy at matagumpay na maisagawa. Kaya naman, hali kayo. Saluhan niyo ako at lasapin ang masarap na lasa ng tagumpay. 

     Mula sa kanyang tahanan ay inilabas ang kay rami at iba't ibang putahe na ang main ingredient ay pinagpira-pirasong katawan ni Joaquin. Mula sa kanyang mga lamang-loob hanggang sa iba't ibang parte ng kanyang buong katawan. 

     Samantala....

     ....sa loob ng kwarto ni Princess, nakakulong ang nabyudang asawa ni Joaquin. Nakakadena. Kinalaunan ay binisita siya ng kanyang ina.

Lordes: Alam kong matagal-tagal na rin na hindi ka nakakatikim ng tao. Alam kong takam na takam ka na rin at namimis mo na rin ang lasa ng isang tao. Kaya meron talaga akong itinira para sayo, ang pinakamasarap na bahagi ng biktima. Kardo, ipasok mo na ang parte ng aking anak.

     Pumasok si Kardo bitbit ang isang malaking pinggan habang nakapatong ang pugot na ulo ni Joaquin. Itinabi niyo ito kay Princess na nakaupo sa sulok ng kanyang higaan.

Kardo: Kumain ka na Princess. Huwag ka ng mahiya.

Lordes: Iwan na natin siya Kardo. Bumalik na tayo sa salo-salo. 

     At naiwang mag-isa na lamang muli si Princess sa kanyang kwarto at hindi na niya maalis-alis pa ang kanyang mga mata sa putol na bahagi ng katawan ng dating asawa. Nakanganga pa ito habang nakapikit ang mga mata. Naliligo sa sariling dugo. 

     Habang tumatagal ay hindi na niya namamalayan na unti-unti na palang tumutulo ang kanyang malalagkit na laway at unti-unti nang tumutubo ang kanyang mga matatalas na pangil. Dinidilaan na niya ang kanyang sariling bibig sa sobrang pagkatakam, nang hindi nagtagal ay tumunog na nga ang kanyang sikmura. Nangunguhulugan na siya ay gutom na gutom na.

     Nang biglang....

     ....nilapa niya ang pugot na ulo ni Joaquin sa ibabaw ng kanyang kama.

Matakot Ka! ( Book 4 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon