Post Credit

1.2K 30 6
                                    

Marami ang nagtaka sa paligid ng puwesto ni Madam Lucifera nang bigla na lamang nagsara isang araw ang kanyang negosyo. Marami ang nagtanong kung ano ang nangyari. Kung may nangyari bang masama sa kanya? May kasalanan ba siya? May tinataguan ba siyang inutangan niya? May nagawa ba siyang krimen? Nalugi ba siya?

Napakaraming haka-haka, bulung-bulungan at sabi-sabi pero lahat ay walang kasiguraduhan. Hindi alam kung sino ang paniniwalaan. Kung sino ang lalapitan. Kung sino ang mapagtatanungan.

Marami ang naghahanap sa kanya, Lalo na ang mga taong may kailangan sa kanya. Mga taong despiradong makakuha ng sagot sa kanilang mga katanungan na hindi na kayang ipaliwanag ng siyensa at simbahan. Mga taong handa nang isuko ang kanilang kapalaran at tuluyan nang ipapaubaya ang takbo ng kanilang buhay sa mga baraha nang sikat na manghuhula. Pero ang tanong, nasaan siya?

Nasaan na nga ba si Madam Lucifera?

************************************************************************************************************

Sa isang malaking bahay na tila palasyo sa gitna ng isa sa mga kagubatan na matatagpuan sa Laguna ay namalagi ang manghuhula. Lahat ng mga kagamitan sa loob ng bahay ay puro luma. Wala ring kuryente sa buong kabahayan. Tanging mga kandila lamang ang gamit ng matanda bilang ilaw niya sa madidilim niyang gabi. Pero sa kabila ng pagiging luma ng naturang tirahan ay napakalinis naman nito at gaya ng inaasahan sa isang malapalasyong bahay ito ay binabalutan ng matinding katahimikan.

Sa ilalim ng bahay ay may kwartong ginawa si Madam Lucifera na tanging siya lamang ang may alam at ang may kayang buksan ang naturang silid. Sa loob ng kwarto ay makikita ang kanyang mga gamit panghula. Ang mesa na kanyang ginagamit, ang bolang kristal, mga iilang rebulto ng mga hayop na may katawang tao at ang sikat na sikat niyang mga baraha.

Pero ang silid sa ilalim ng kanyang bahay na halos kamukha ng kanyang puwesto sa Maynila ay may bagay na walang sino mang nakakita o nakakaalam na meron pala siya nito.

Isang lumang malaking salamin na nakasabit sa isa sa mga dingding ng kwarto na gawa sa pinagsamang materyales na ginto at kahoy ng Narra. Lumapit siya rito at nagwika.

Madam Lucifera: Et ego invocabo ac tenebras. Audi me voca. Qui vocat te. Et ego invocabo ac tenebras. Audi me voca. Qui vocat te. Et ego invocabo ac tenebras. Audi me voca. Qui vocat te. (Tinatawag ko ang kadiliman. Dinggin mo ako. Magpakita ka.)

Dahan-dahang umuusok ang loob ng salamin at bigla na lamang may nagsalita na nanggagaling sa kabilang bahagi. Napakalaking boses na para bang galing sa pinakailalim na bahagi ng lupa.

Boses: Lucifera.

Madam Lucifera: Pinuno.

Boses: Ano ang 'yung kailangan at ako'y iyang tinawag?

Madam Lucifera: Gaya ng aking pangako, tatlong kaluluwa para sa inyo.

Wika ng matanda sa kanyang kausap habang nakangiti na tila siya ay natutuwa at nagagalak na siya'y nagtagumpay sa kung ano man ang pinagawa sa kanya.

Boses: Magaling. Umabot ka sa itinakdang oras. Ngayon, akin na.

Madam Lucifera: Opo, pinuno.

Agad na binuksan ni madam ang kahon na kanyang bitbit at mula sa loob ay lumabas ang unang usok na kumorteng mukha ni Marie. Sumigaw ito gamit ang boses ni Marie at pumasok sa loob ng salamin. Ang pangalawang usok ay ang mukha naman ni Joaquin na sumigaw rin gamit ang boses niya. Panghuli ay ang mukha ni Don Lucas na sumisigaw rin papunta sa loob ng salamin at tumawid sa kabilang bahagi.

Madam Lucifera: Ngayon pinuno, ang inyong pangako.

Boses: Tanggapin mo ang iyong gantimpala.

Umatras si Madam Lucifera at unti-unti siyang may naramdaman sa kanyang mukha.

Madam Lucifera: Aahh aahh aahh. Aray, ba't ang sakit? Pinuno, anong nangyayari. Aahh aahh.

Unti-unting napupunit ang mukha ng matanda dahilan upang dahan-dahan ring pumapatak ang dugo na pagkarami-rami. Sumunod ay ang balat sa kanyang mga braso.

Madam Lucifera: Aaaaaahhhhhh.!!!!!!! Aaaaaahhhhhh.!!!!!!! Aaaaaahhhhhh.!!!!!!! Aaaaaahhhhhh.!!!!!!! Aaaaaahhhhhh.!!!!!!! Aaaaaahhhhhh.!!!!!!! Pinuno..!!!!! Aaaaaahhhhhh.!!!!!!!

Bumukas ang kanyang bibig nang pagkalaki-laki at mula sa loob ay may lumabas na dalawang kamay na siyang tuluyang pumunit ng naturang bahagi. Nang biglang kumidlat at kumulog nang malakas sa labas.

Nakahandusay na wala nang buhay ang katawan ng kilalang manghuhula sa sahig pero, parang may kakaiba sa kanyang bangkay. Wala na itong mga laman at mga buto na tila balat na lamang niya ang natira. At mula sa sahig kung saan ang kanyang katawan ay nakahandusay ay may babaeng nakatayo na naliligo sa dugo hubo't hubad. Pinagmamasdan nito ang kanyang sarili na para bang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Tumakbo siya sa salamin at tiningnan ang kanyang sarili.

At nang nakita na nga niya ang kanyang repleksyon ay gumuhit sa kanyang mukha ang isang matamis na ngiti, dahil sa wakas, siya'y bumata muli.

"WAKAS"

Matakot Ka! ( Book 4 )Where stories live. Discover now