Ch. 01: 9-Argon

102 13 8
                                    



                             Ang storyang ito ay gawa-gawa lamang ng author, ngunit ang mga pangalan ay mula sa mga totoong tao. Namumuhay sila ng payapa sa ibabaw ng earth. Kung tutuusin kaklase ko sila. HHAHAAHAHHA. 'Di ko na po kasalanan kung may magka-tuluyan sa kanila sa storyang ito. 9-Argon support niyo ko. HAHAHAHA.

                             Dedicated sa gumawa ng book cover ko. Ayert~

Gerald's P.O.V


Ang hirap maging President, pero ginusto ko 'to. Ang ingay-ingay ng classroom. May sumasayaw ng kokobop, naggi-gitara sa likod, may nagpapa-tugtog, may nagsusulat sa blackboard. Ganto lang talaga sila pag-recess. Pumunta ako sa harap ng classroom, para mag-saway.

"Ano ba? Ang ingay niyo. Argon ba 'to?" Bentang-benta yang linyang yan.

"Oo nga, Argon ba to?!" Gatong ni Nickollo.

"Manahimik na nga kayo!" Sigaw ni Jalieca.

"Mahiya naman kayo sa ibang section!" Sabi ni Cheska, "Ay. 'di pala ako officer." Sabay balik sa upuan niya. Napa-iling na lang ako sa kanila.

                  Kahit ganto yung room namin, may unity yan, kahit papano.

                  'Di naman siguro mawawala yung masasayang araw namin diba? Hell week lang naman meron kami.

Alicia's P.O.V

Wednesday, PE kami ngayon. Ginaanan ko lang bag ko ngayon, tinapon ko lahat ng clearbook ko, pabigat eh, pati mga libro iniwan ko mga anim na notebook lang dala ko.

"Rockabye baby rockabye!!!~" Nag-aadik po ngayon yung katabi ko. Si Edrian. Si Shienel may ka-chat eh. Naglakad sa harapan si Cheska mag-a-announce ata.

"Mga ka-group ko po sa speech choir mag-bihis na ng costume niyo!" Oo nga pala, ngayon magpe-perform ng speech choir. Hehe. Mamamatay ako sa kaba.

"KYAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH PUTAGGSUAHAAHUABSHSJIAJABA" Nagulat kami may mga nagsisitakbuhan pabalik sa room, na taga-ibang section, wala pa kasing lumalabas ni isa sa amin, dahil usisera ako. Sumilip ako sa pinto. WTF?

Sinara ko ng malakas yung pinto.

"Guys sara niyo yung mga bintana at pinto." Sabi ko ng seryoso.

"Bakit?" Tanong ni Ruth.

"ISARA NYO NA LANG!" Late na sabi ni Kurt, galing siyang labas, na late.

"May Zombie putagdyshsa, seryoso ako." Tumatagaktak ang pawis niya.

Bago nila isara, may umeksenang babae sa tapat ng room namin sa corridor. Tumatakbo siya ng madapa siya, may tumatakbo na zombie, TAKTE! Ang bilis niya naman. Kinagat siya, habang tumatalsik-talsik ang dugo sa lapag. Humihingi siya ng tulong samin, pero nii-isa sa amin 'di nakagalaw.

"Isara niyo na guys" utos ni Gerald ang president ng Argon. Nagmadali kaming isara yungg mga bintana at pinto.

"Guys? pano naman tong pinto? 'di nasasara. Ano? Forever nako dito hawak-hawak yung doorknob?" Natatawang kabado na sabi ko.

"Kung iharang nalang kaya natin muna yung mga upuan?" Suggest ni Angela Arnaiz.

"Tara." Nangungunang sabi ni Gelo. "Saglit lang" natigila siya. "Pano na yung mga teacher? Yung 9-Barium?"

Rise of The UndeadDonde viven las historias. Descúbrelo ahora