Ch. 05: Damn Things Happen

32 7 5
                                    



UD... :'( Daming nagre-request eh.


Ruth's P.O.V


                     Isa ako sa mga lumabas na babae, noong tumili si Marianne. Nataranta talaga ako, kaya agad-agaran akong tumakbo palabas. Nakakapagtaka lang mas nauna pa si Kurt kela Gelo tumakbo. Ala-flash ang dating niya kanina. Ngayon nasa loob na kaami ng room. Pinag-uusapan kung ano ba dapat ang gawin bukas. Actually nagugutom talaga ako ngayon eh.


                      Imagine? 'Di pako nagre-recess. Pano na yung alaga ko sa tiyan? 'Tas wala pa kaming ligo-ligo. Then walang laman ang tiyan. Kulang-kulang yung tao sa room. Nakakabagot na. Walang signal. Agawan pa sa saksakan, para mag-charge. Diba? Goodbye na sa mga alaala kong buhay na marangya.


                      Nakaupo lang ako, nakikinig sa mga pinag-uusapan nila. Yung lalaking nadampot ni Kurt, tahimik lang, hindi umiimik. Nagulat na lang ako ng may malakas na hampas akong narinig sa desk ng teacher.


"Alam niyo? Maghiwa-hiwalay na lang tayo!" Sigaw ni Therece.


"Ano bang pinagsasabi mo?" Si Jessa na nag-aalala.


"Diba mamamatay din naman tayong lahat? 'bat 'di na lang tayo maghiwa-hiwalay at magpakamatay sa iba't-ibang paraan?" Okay. Emotional breakdown. Umiiyak siya. 'Di niya na mapigilan. 'Di man kami umiimik. Natatakot na talaga kami. Sa tingin niyo masayang mamuhay ng ganito? Iniisip din namin kapakanan ng family namin. What if? What if they're gone? 'Tas ako nabubuhay pa.


"'Wag mo kasing isipin yung mga ganyan!" Sigaw ni Jaliesa.


"Kung susuko ka agad, magre-regret ka lang." Dagdag ni Jalieca.


"'Di naman din kasi sa lahat ng oras, positive yung outcome." Comment ni Cheska.


"Pwede bang manahimik na lang?" Sarkastikong sagot ni Gongora.


                           Pinakalma na muna nila Jessa at Mikaela si Therece. Hay buhay may zombie nga naman oh. Kailan kayo ako makaka-saksak ng kahit isa? Diba yung urge mo na sumaksak kakaiba? Yung bloodlust ganon. Basta iba talaga sa feeling siguro pag-nagawa ko yun.


                          Sa totoo lang kanina pa sila ganyan. Nagsasagutan, kulang na lang mag-sparring sila. Pero ang weird lang namin diba? Imbes na umiyak kami noong unang chapter pa lang, dahil dumating na yung tinatawag na "End of The World" namin. Nagawa pa rin naming maging masaya. Why? Para kasi sakin. Dahil magka-kasama kami, nakukuha naming humugot ng lakas sa isa't-isa. Tumibag man ang isa tutulungan namin siyang tumayo.


"Masyado niyo kong pinag-aagawan ang iingay niyo pa!" Reklamo ni Kurt.


"Ang kapal ng sungki mo!" Nakatikim tuloy siya ng batok mula kay Gelo.


"AKO LANG BA? AKO LANG BA NAGUGUTOM NGAYON?" Inis na inis na si Nickollo.

Rise of The UndeadWhere stories live. Discover now