Kabanata 10

1.3K 57 20
                                    

Kabanata 10
New Look
 

Lawrence' POV

"Ano ba nerd? Diba sabi ko sayo layuan mo na ako?!" Galit na bulyaw niya sa akin.

"P-pero Rafa. Gusto talaga kita. I like you Rafa. P-pwede bang manligaw?"

"Shunga lang nerd? Sabi nang ayoko! Capital A-Y-O-K-O! Ayoko! Gets?" Irap niya.

"Sige na naman Rafa oh. Please..." pakiusap ko sa kanya kahit na nagmumukha na akong tanga sa harap ng maraming tao.

"Yuckness! Layuan mo nga ako. Ayokong magpaligaw sayo. Nevah. Over my dead sexy moisturized body." Aniya saka tuluyan nang umalis at iniwan ako doong pinagtitinginan ng mga tao.

Napayuko ako. Ano bang mali sa hitsura ko? Masyado na ba akong baduy, para hindi niya man lang magustuhan? Pucha! Bakit kasi naging nerd pa ako?

Dumiretso ako sa bahay pagkatapos nun. Nawalan na ako ng ganang pumasok pa. At wala na rin naman akong mukhang maihaharap pa sa mga tao doon after ng mga nangyari.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ng bahay ay nabulahaw kaagad ako ng mala-Anne Curtis na boses ni ate.

"And the night goes by so very slow
Oh I hope that it won't end though... Alone
'Til now I always got by on my own
I never really cared until I met you
And now you chills me to the bone...
How do I get you alone, How do I get you alone
Alone... Alone..."

"Ate, sino kaaway mo diyan?" untag ko habang tinatakpan ang tenga ko.

"Oh? You're here na pala Rence. What's with that face?"

"Ingay mo kasi ate eh."

"Weh? Yun ba talaga ang dahilan? O baka naman dahil kay Rafaella kaya ka nagkakaganyan?" she said, smirking.

"Kay Rafa? Nah. Ba't naman siya nasali dito?" Napaismid ako.

"Hay naku Rence, kilalang kilala kita. You can fool everyone, except me. Alam kong hindi yung pagkanta ko ang dahilan kaya ka nakabusangot  diyan. Sus! Sa ganda ba naman ng boses ko 'no. Saka alam mo bro, hindi naman masama ang magkwento. Naku, binata ka na talaga. Naglilihim ka na eh. So, care to share?" I took a deep breath as I sat on the sofa. Tumabi naman siya sa akin.

"Oo na, kilalang kilala mo na nga ako." I surrendered. "Ate, panget ba ako?" Nakayukong tanong ko.

"WHAT? Sinong nagsabi sayo niyan? At nang mabugbog ko, you're not panget bro. It's just that... hindi ka marunong pumorma. Yun lang. Pero swear, you're not panget. Ganda kaya ng lahi natin."

"Kung hindi ako panget, bakit hindi niya ako magustuhan?"

"So, it's Rafa?" I heard her sigh. "I am sure yung mga tipo ni Rafa, yung mga lalaking nuknukan ng kagwapuhan. And meron ka nun, Rence, hindi pa nga lang nadidiscover. Pero syempre gusto rin ng baklang yun--"

"Don't call him like that!" I cut her off. She smiled.

"Okay. Sorry, bro. So as I was saying... nasaan na ba ako?"

Lablayp ng PangetWhere stories live. Discover now