Kabanata 16

1.1K 49 23
                                    

Kabanata 16
Mall [Part 2]


"Teka, wait, saglit, sandali nga muna! Kung sabay sabay na lang kaya tayong tatlo?"

"NO WAY!"

"E'di hindi! Wala akong sasabayan sa inyo!" inis na untag ko saka naglakad na palayo sa kanilang dalawa. Kainis! Kung ayaw nila e'di wag! Ako na nga 'tong gumagawa ng paraan para magkalapit at magkaayos ulit sila tapos ako pa itong masisigawan? Naku! Di pupwede yun.

Lakad lang ako nang lakad kahit di ko naman alam kung saan ako patungo. Hmp! Ang aarte kasi eh, nag-artista na lang sana sila nang mapakinabangan 'yang kaartehan nila. Ugh! Nababadtrip talaga ako. Bahala na nga. Uuwi na ako. Pero teka! Wala pala akong dalang pera. Tss! Paano ako makakauwi nito?

"Lotlot!"

"Purita!"

Teka! Parang narinig ko yung pangalan ko ah? May tumawag ba sa akin? Mukhang sa may likuran ko galing yung boses. Nilingon ko yun saka napangiwi sa nakita. Si Lance at James lang pala. Hmp!

Pero wow ha! Magtropang magtropa sila kung titingnan, yung parang walang away na namamagitan sa kanila. Hay naku! Sana talaga magkaayos na ang dalawang 'to.

"Huy Purita!" ani Lance.

"Maka-huy ka ah? Oh bakit?" mataray na tanong ko. Aba syempre, beast mode ang lola niyo.

"Ah ano kasi Lotlot... ano kasi..." Napataas ang isa kong kilay sa inaasal ni James.

"Kasi?" Nagkatitigan sila na para bang nagtatalo pa. Oh? Anyare sa dalawang 'to?

"Huy, ano na?" sita ko sa kanila habang nakataas ang isa kong kilay. Napatingin naman sila sa akin pero ilang saglit lang ay nagtitigan muli sila at sabay pang tumango.

Hala ka! Na-engkanto na yata 'tong dalawang hunk na 'to. Bigla silang tumingin sa akin at sabay na nagwika, "sabay-sabay na tayong kumain," nakangiting usal nila. Napangisi ako at sabay silang kinaladkad papasok ng isang fast food chain. Papayag din naman pala eh. Mga artista talaga.

"Lotlot, ito oh, try mo," ani James habang inaalok sa akin ang hamburger. Kukunin ko na sana yung burger nang bigla namang sumingit itong si Lance.

"Wag yan! Ito na lang. Mas masarap 'to." Anito habang inaalok naman sa akin yung french fries niya. Kukunin ko na rin sana ito nang...

"Lotlot, ito na lang! Mas masarap 'to." untag ni James habang inaalok pa rin ang burger niya.

"Hindi! Mas masarap 'to, promise!" pag-aalok pa rin ni Lance ng fries niya.

Nangunot ang noo ko. Anong ayos ba naman ng dalawang 'to? Talagang pinagtatalunan nila kung alin ang mas masarap ah? Jusko! Hindi ba nila ako nakikita? Ako kaya ang mas masarap. Ansabee! Pero bumalik tayo sa dalawang hunk na 'to. Tumayo ako at pinasadahan sila ng tingin, yung mga tinging kikilabutan ka.

"Anak naman kayo ng mga nanay niyo oh! Pati ba naman pagkain, pag-aawayan niyo pa? Kaloka kayo ah? Tss! Oh siya akin na nga yan!" Hinablot ko ang burger na hawak-hawak ni James. "Pati yan!" At hinablot ko rin ang french fries na hawak-hawak naman ni Lance.

"Ito na po ah? Kakainin ko na ah." Iritang untag ko saka sabay na nilamon ang burger at fries. Punyemas! Nabilaukan tuloy ako.

"Lotlot, gusto mo ba nun?" tanong ni James mylabs na tinuturo ang toy catcher.

"O sig--" hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako palapit doon. Pagkarating na pagkarating namin ay agad siyang naghulog ng token. In all fairness, prepared si mylabs.

Nakakuha siya ng stuffed toy sa pangwalong token niya. Nakuha niya yung toy na itinuro niya kanina. Tweety bird siya na medyo maliit. Ang cute nga eh. Pero mas cute talaga yung isa eh, yung spongebob.

"Tss! Ang dali lang naman niyan eh. Tabi nga diyan." Ani Lance saka itinulak nito si James at pumwesto. Aba! So magt-try din ang kurinaw, ganun? Nakakuha naman siya sa pang-anim na token niya.

"Oh, take that." Anito habang inaabot sa akin yung toy na nakuha niya. Shemay! Namilog ang mga mata ko sa stuffed toy na binibigay niya. Yung spongebob yung nakuha n'ya!

"Isa pa nga," ani James.

Hala! Dumarami na yung mga tao. May artista ba?

"Lotlot oh, para sayo," wika ni mylabs habang inaabot sa akin yung toy na hello kitty na nakuha niya sa panlimang token n'ya. Cute din ito, cute pa ang nagbigay. Hihi.

"Salam--"

"Ok, one more." Napalingon ako kay Lance.

"Oh! Sayo yan," usal nito sabay tapon sa akin ng stuffed toy na hamster na mas malaki pa sa ibinigay ni James kanina.

"Thank--"

"Isa pa nga ulit!" Kay James naman ako ngayon napalingon.

Maya-maya pa...

"Ito pa Lotlot oh," ani James sabay abot ng stuffed toy na mickey mouse na mas malaki naman sa ibinigay ni Lance.

"Wow! Thank--"

"Sinusubukan mo talaga ako, huh? Well, let's see." Napatingin ako kay Lance na nakakunot ang noo. Anong problema nito?

Dumami pa nang dumami yung mga usisero. At ang nakakaloka, nagbulungan pa sila kung maririnig ko lang din naman.

"Ano ba yan? Ang panget ni girl." Ay wow! Kahiya naman sayo ah?

"Ang swerte ni ate." I know right.

"Kakainggit naman, dami niyang stuffed toys oh!" Ha! Mainggit ka lang ate. I'm sorry to you.

After few secs...

"Galing ni kuya! One try lang!" hiyaw ng echosera sa paligid.

"Here," pag-aabot ni Lance sa akin ng... pinakamalaking stuffed toy doon. Shemay! Nakuha niya si pluto, yung aso ni mickey mouse na may nakasulat sa dog tag na "I'M YOURS". Sayang! Mas kikiligin sana ako kung si James my loves so sweet ang nagbigay nito.

"Ako naman," ani James. Aba! Hindi pa pala tapos?

"Lotlot oh," pag-aabot nito ng 2nd biggest stuffed toy doon. Ito naman yung si Dora, ang dakilang traveler. Sa pangalawang token n'ya yun nakuha, so meaning...

"Paano ba yan?" Ngisi ni Lance saka ako kinaladkad palayo doon, palayo kay... James.

Lablayp ng PangetOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz