Kabanata 23

856 34 9
                                    

Kabanata 23
Unang Halik


"Manang, dumating na po ba ang bugok?" tanong ko sa pinakaclose kong kasambahay sa mansion.

"Bugok? Sino yan?" naguguluhang tanong ni manang.

"Ay! Si Lance po pala. Dumating na ho ba siya?"

"Nakung bata ka! Si Sir Lance ba kamo? Ang alam ko ay mamaya pa ang dating nun. Bakit hija? Miss mo na ano? Ayiiee!" Hala ka! Feeling bagets si manang. Saka ako kako? Namiss ang shokoy na 'yun? Asa pa.

"Hindi po ah. Nagtatanong lang naman po. Sige po punta na akong kwarto. Good night manang."

Bago ako makarating sa kwarto ko ay nadaanan ko ang kwarto ni shokoy. Napahinto ako't ilang minutong napatitig sa pinto nito. Namiss daw? Never! Kung pwede nga lang 'wag na siyang bumalik pa eh. Umirap ako saka nilagpasan na ang kanyang kwarto.

Kinabukasan...

Hikab. Kusot ng mata. Punas ng laway. At tingin sa orasan. 6:36 AM. Naku naku! Bangon time, may pasok pa ang dyosa. Pagkatapos ng limang buhos ng tubig ay nagbihis na ako. Hindi ako sanay na gamitin ang shower kaya wisik-wisik ang drama ko. Pagkatapos ng mga pinaggagawa ko ay tumungo ako sa hapag kung saan nadatnan kong nag-aayos ng mesa sina manang at ang echoserang katulong na tinawag akong bakla dati.

"Good morning manang!" masiglang bati ko kay manang, samantalang inirapan ko iyong isa.

"Good morning din hija. Oh siya, heto, ihatid mo sa kwarto ni sir Lance. Mukhang napagod yata sa byahe ang batang iyon," ani manang habang inaabot sa akin ang isang tray ng pagkain.

"Dumating na po siya?" tanong kong tinanguan niya. Kukunin ko na sana ang tray nang sumingit ang echoserang froglet sa gilid.

"Ay manang, ako na lang po ang magdadala nito kay sir," pagpepresenta ng inggrata. Malaki ang ngisi nito at pihado akong may kamunduhang binabalak ito kay Lance. Umirap ako saka tinabig siya.

"Ako ang inuutusan, diba?" Umirap ulit ako bago ko kinuha kay manang ang tray.

"O siya sige, maiwan ko na kayo riyan at may gagawin pa ako," anang matanda at tuluyan na ngang umalis.

"Epal ka talagang bakla ka!" Kinindatan ko lang ang bruha na nanggagalaiti na sa galit. Sorry not sorry.

Pagkarating ko nang kwarto ni Lance ay agad akong kumatok. "Lance?" Walang sumagot.

"Huy shokoy!" Wala pa rin. Nilakasan ko ang pagkatok.

"Huy kurimaw, ano ba? Bungol lang?" No response pa rin ang baluga. "Bahala ka, papasok ako," wika ko saka dahan-dahang pinihit ang hawakan ng pinto.

Iginala ko ang mga mata ko pagkabukas ng pinto. Ayun siya sa kanyang kama. Tulog mantika. Napagod yata talaga ang isang ito sa byahe. Lumapit ako sa kama niya at naupo. Pinagmasdan ang maamo niyang mukha.

Tinitigan ko ang malalantik niyang pilik pababa sa mapupula't maninipis niyang labi. WTF?! Bakit ang gwapo niya? At bakit nagagwapuhan ako sa kanya? Ang sama kaya ng ugali nito, paalala ko sa sarili ko.

Umiling ako't niyugyog siya para gisingin.

"Huy! Gising!"

"Hmm?" Saglit akong natigilan sa pagyuyugyog ko sa kanya. Walang'ya! Ang sexy ng boses ng shokoy. Napasinghap ako nang matauhan. Natuptop ko ang dibdib ko. Damn heart, be still!

"Ano? Uy gumising ka na. Bangon na diyan. Saka, teka nga." Inilapat ko ang palad ko sa noo niya. "Naku! Ang taas ng lagnat mo. Magbreakfast ka na oh nang makainom ka na ng gamot." Pilit ko siyang pinapaupo pero nagpapabigat pa yata ang damuho.

Lablayp ng PangetWhere stories live. Discover now