•Chapter2•

180 3 0
                                    

"Dahil Sayo."

Dahil sayo natutunan kong magmahal. Natutunan kong ngumiti at tumawa ng walang halong pilit. Dahil sayo nahulog Ang puso ko.

Kaso ngalang hindi mo sinalo.
Dahil sayo sumasaya ng lubusan tong puso ko. Wala eh, Nasira mo yung pader na binuo ko upang maprotektahan to.*Turo sa puso*
Dahil Lang sayo.

At dahil sayo nasira din pati tong puso ko. Dahil sayo nasasaktan ako. Pero wala kanamang kasalanan. Kasalanan ko to.

Kasalanan ko na minahal Kita kahit masakit. Kahit na alam kong masasaktan lang ako.
Tanga na kung tanga pero ayun Ang pinili ko. Wala na nangyari na.

Wala na tayong magagawa.
Ooops, Wala palang tayo.
Dahil sayo lahat ng to nararamdaman ko. Sana dumating yung araw.

Yung araw na mamahalin mo ko.
Dahil sayo umiiyak ako ng patago. Ngumingiti ako ng patago. Nasasaktan ako ng patago.

Oo patago.
Kasi nga kapag sinabi ko ito.
Baka layuan mo ko.
Baka masira kung anong meron tayo.

Ehem, Wala palang tayo.
Baka masira ung friendship natin. Baka hindi ko kayanin kung pati yun mawala. Kaya ito ako nag-tatago ng feelings.

Para bang tagu-taguan.
Yan ang dahilan.
Natatakot ako na baka isang araw pag-gising ko wala na yung friendship natin.

Ayun nalang ang meron.
*Sob* hahayaan ko pa bang mawala? Napapangiti nalang ako minsan dahil sa mga memorya.

Memoryang kinuhaan ko ng lakas. Yung mga tawanan natin,
Yung time na umiyak ako pero nandyan ka para patahanin ako.
Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko. Namimiss ko na yang mga yan.

Pero napaisip ako.
Na sana mahalin mo din ako.
Pero wala eh hanggang dun nalang talaga. Hanggang dun nalang.

Minsan napaisip ako na baka magustuhan mo din ako.
Sana nga, sana nga mangyari Yun. Pero bago pa mahuli ang lahat.

May sasabihin ako sayo.
Sana mahalin mo din ako,
Hindi kita pinipilit.
Mahal Kita gago ka.

Wakas,
Oo wakas kasi hanggang dito nalang talaga.

-AuthorEunYoo

__________________________________

Note: bukas Po ung isa. ^_^

Love Spoken Word Poetry.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon